Chapter 4

25 1 0
                                    

Nasaan na ba ako? Nsa park pa ba ako? Ngayon ko lang to napuntahan. 

Ang lago ng damo.Ang sarap higaan. 

May malalaking puno sa paligid.Ang sarap ng simoy ng hangin. 

Isang Paraiso. 

Napunta na kaya dito si PJ? 

o baka dito ang lugar kung nasaan sya? 

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. 

Napako ang paningin ko sa imahe ng babae na sa tabi ng puno na nsa may parang burol. 

Nakatingin siya sa direksyon ko.May sariling buhay yata ang mga paa ko.Kusa itong naglakad patungo sa pwesto ng babae.Hindi ko alam kung bakit. 

Pero ang bilis ng tibok ng puso ko at parang may mga paro parong paikot ikot sa tiyan ko. 

Palapit ako ng palapit.Hindi ko maaninag ang mukha nya. 

"S-Sino ka?"medyo kinakabahan kong sabi. 

Hindi sya umiimik.Ang blur ng mukha nya. 

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan ko siya.Nagulat ako ng tumagos ang kamay ko sakanya.Hindi ko sya mahawakan. 

"S-sino ka ba?! Bakit ayaw mong magsalita!"Nagulat ako ng nakitang may luhang pumapatak sa mukha nya.Iyon lang ang tanging nakkita ko sa mukha nya. 

"PJ? I-Ikaw ba yan?M-Miss na miss na kita s-sobra.P-Patawarin mo na a-ako.N-Natakot lang a-ako.Natakot ako n-na baka i-iwan mo ako.N-Natatakot ako na b-baka masaktan k-kita.Pasensya na naduwag ako.P-Pero alam mo hinihintay kita.T-Tatlong taon na Pj.H-Hindi ako s-sumusuko.K-Kasi alam ko b-babalik ka.Babalikan mo nman ako d-diba? N-Nangako tayo sa isa't isa Pj.Sabi mo walang iwanan kahit anong m-mangyari.Sabi mo p-pag nagkalayo tayo hihintayin natin ang isa't isa.Nangako ka din nman eh.Oo binali ko yun.P-Pero eto na ako Pj.A-Andito na ako.H-Hindi na kita iiwan ulit.S-Sana ikaw din.M-Mahal na Mahal k-kita.Mahal na m-mahal.Bumalik ka na p-please?Bumalik kna Pj."Umiiyak na ako.Hagulgol na nga e.Matagal ko nang gustong sabhin sakanya yun.Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito. 

Kahit blurred ang mukha nya.Malakas ang pakiramdam kong si PJ to.Tinignan ko sya.Tuloy tuloy padin ang luha sa mga mata nya. 

Pinipilit ko syang hawakan pero hindi ko magawa. 

*Wooooossssssssssshhh!* 

Umihip ang napakalakas na hangin mula sa likod ko kaya napatingin ako. 

Pero pagharap ko. 

Wala na sya.Wala na ulit sya. 

Napaluhod nlang ako sa damuhan habang umiiyak. 

Tumingala ako at nakita kong naging kulay pula ang langit. Nalanta at patay na ang mga puno sa paligid. 

Tumingin ako sa pwesto ni Pj kanina at kinilabutan ako bigla. 

May isang lalaking nababalutan ng itim na aura ang nasa harapan ko at hawak nya sa braso si PJ. 

Nginitian ako ng lalaki.Isang nakakakilabot na ngiti. 

Tumayo ako at napansin kong palayo sila ng palayo. 

Tumakbo na ako.Malayo padin sila. 

"H-HINDI! WAG! P-PJ! WAG MO A-AKONG IWAN!" 

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa dumilim na ang buong paligid at wala na sila. 

"w-wala na sya.I-iniwan na nya ako ulit." 

Ang sakit. Sobrang sakit.Pakiramdam ko unti unti na akong namamatay.Si Pj yung babae.Pero sino yung lalaki?Nanghihina ako lalo.Hindi kya nasa panganib sya?Kailangan nya ako. 

Hintayin mo ako PJ.Ililigtas kita. 

Hindi kita papabayaan. 

Mahal na mahal kita.

~

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon