Chapter 21

9 0 0
                                    

Nagising ako bigla ng kumakalam ang sikmura.

Oo nga pala,hindi pa ako nakakapag breakfast,lunch at dinner.Ang tibay ko.Haha.

Sanay naman kasi ako.11:40 na sa orasan ko.Bumangon ako at tinignan kung nakauwi na si Nay Josie.Wala parin siya.

Gala talaga yun.di man lang nagpasabe na naalis.

Makapagluto na lang ng sopas.Gulat ka ? Ako din eh.HAHA.

Pwera biro sa tagal ko ba nmang namalagi sa kalsada matututo talaga ako sa mga ganitong bagay tska tinuturuan na din ako ni Nay Josie.

"Hmm.Kumpleto na." sabi ko habang tinitignan yung mga ingredients na hinanda ko.

Nagsuot ako ng apron at nilagay na ang kaldero sa stove.

Magpapakulo muna ako ng tubig para sa chicken.

Habang nagpapakulo ng tubig isa isa ko nang hiniwa ang iba pang ingredients.

Nung kumulo na ang tubig nilagay ko na ang manok at inintay na ito ay mahalf cook.

Inalis ko na ang manok sa kaldero at pinalamig.

"ano bang kanta yung masaya saya?" tanong ko sa sarili ko.

Sinimulan ko na ring himayin ng maliit ang manok.

"I'll hold the door please come in and just sit here for a while,

this is my way of telling you I needed you in my life." simula ng kanta ko

.Natapos ko na himayin ang manok.Naglagay na ako ng isa pang kaldero sa kalan at nag gisa ng bawang at sibuyas.

Sunod ang hotdog,carrots,repolyo at ang manok.

"It's so cold without your touch,I've been dreaming way too much

can we just turn this into reality." sinalin ko muna at ng mga ginisa sa isang pinggan.

Gamit yung kaldero nilagay ko yung macaroni pasta kasabay nung chicken stock.

Inantay ko ulit maluto ang macaroni.

"Cause i've been thinking 'bout you lately,

Maybe you can save me from this crazy world we live in.

I know we could happen cuz you know that I've been feelin you." Nung naluto na yung macaroni sinalin ko na ulit yung mga ginisa ko kanina.

Tinimplahan ko ng asin at paminta.Sabay lagay ng evaporated milk para mas malasa.

"Hmmm.Saraap!" sabi ko pagka tikim ng luto ko.

I turned off the stove at masayang pinuntahan si Aj sa kwarto ko para yayain kumain.

Nabigla ako sa nakita ko.

Si Aj nasa sahig na nanginginig,namumutla at namamaluktot.

"Aj!" sigaw ko sabay takbo palapit at binuhat siya.

"Shit.Ang init mo." ang init ng buong katawan niya.Inihiga ko siya ng dahan dahan sa kama.

"AJ.Pupunta tayo ng Hospital-"

"N-NO!" sigaw niya bigla.

Oo nga pala.Takot si Aj sa mga doctor kaya meron silang family doctor na close ni Aj.

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon