Cassy's POV
Tumakas na naman to sa tutorial lessons. Si Mica talaga oh!
"Good Morning My Dearest Cousin!"-Mica
"Ikaw talaga Mica. Pano pag may nakakita sayo na mga paparazzi jan sa labas! Edi May issue ka na naman. Di pa nga tapos yung issue mo sa Pagpapakawala mo sa mga Penguin sa Zoo nung nakaraang linggo eh." Sabi ko.
Lumapit sya sa lamesa ko at tinanggal nya yung cheese sa platito at nilagay sa tinapay at kinain nya, sabay lagay ng mga alatiris sa platito. Eto talagang babaeng to!
"Ano ba Couz? Kailangan nila ng kalayaan. Nabubuhay lang sila sa aircon. Mas maganda kung nasa natural habitat sila no!" sabi nya habang may laman ang bibig nya. Tindi talaga nito!
Ano nga ba magagawa ko? Sya yan eh. Natural lang sa kanya yan, kaya nga hanga ako jan sa pinsan kong yan. Di natatago ang ugali nya sa harap ng ibang tao!
*Tok!tok!tok!*
"Prinsesa Cassandra, Si Duchess Miya po ay nandito." sabi ng maid ko.
Patay na naman tong si Mica. Andito na si Auntie!
"Couz, Saan ako magtatago?! Ayoko mag aral." bulong ni Mica.
"Madadamay na naman ako dito Mica! Bahala ka jan." Pabulong kong sagot.
Tumayo na ko at binuksan ang pinto.
"Magandang Umaga Auntie :)" bati ko kay Auntie Miya na nakataas ang kilay. Naku! Mica pag ako nadamay dito. Sinasabi ko sayo!
"Asan ang magaling mong pinsan Cassandra!?" pagalit na sabi ni Auntie.
"Ah eh...." anong sasabihin ko?! kinakabahan ako!
"Micaella! Alam kong nandito ka? Ikaw lang ang nagdadala ng kung ano anung pagkain dito sa kwarto ni Cassandra!" sigaw ni Auntie! Jusko~kinakabahan akoooo~
"Micaella Jane Sweiss!!! Lumabas ka jan sa ilalim ng kama!!!" to the top of Auntie's Lungs. Nagulat ako!
Dahan dahang lumabas si Mica sa Aparador!
"Mommy, nasa cabinet kaya ako! Anu kaba? Ulitan. Ikaw ulit taya!" Sabi ni Mica. Ano akala nya nakikipagbiruan si Auntie???
Micaaaa ihahahagis kita pag ako nadamay ditoooo! Ang sarap nalang isigaw.
"Tigilan mo ako Micaella! At talagang nakapangtulog kapa na nagpunta dito! hindi ka na nahiya kay Cassandra! Umuwi ka doon at kanina ka pa inaantay ng Tutor mo!!" Sabi ni Auntie habang hinihilot ang sintido nya.
"Mommy! Ayoko mag aral. At ayoko ding maging Bookshelf no! Para maging patungan ng libro. Ibili mo nga yung tutor ko ng Library Couz!" sabi ni Mica habang pinapagpagan ang damit nya.
"Idadamay mo pa si Cassandra sa mga kalokohan mo! Hala umuwi ka doon. At ako ay susunod pa sa SouthKorea!" Sabi ni Auntie.
"Sige na nga. Maging kamukha mo pa si Tinidora Mommy eh! Pasalubong ko kahit si Minseok nalang. Bye Couz! Later nalang." Sabi ni Mica habang pababa sa puno. Jusko Micaaaaa!
"Micaellaaaaaaaaaaa!!!!" Sigaw ni Auntie habang patakbo sa Veranda. Hahaha! Kulit talaga ni Mica xD
"Nako, Cassandra! Pag pasensyahan mo na yung pinsan mo na yun! Mauna na ako. At kanina pa nag aantay ang Jet eh!" Sabi ni Auntie habang nag aayos ng buhok.
Agad ko naman syang hinatid sa pinto at humalik sa pisngi nya.
"Pasabi nalang po kay Mom and Dad na mag ingat sila." At pakisabi din na may anak silang nag eexist sa mundo!
At tuluyan ng umalis si Auntie. Tinignan ko yung mga alatiris na dala ni Mica! Eto nalang ang agahan ko. Masarap kaya to! :)
Namiss ko tuloy bigla si Mica! :((((
--------
Enjoy ba?? Hahaha! Matagal tagal pa sila Bae. Kaya waitings muna kayo!
BINABASA MO ANG
The Two Missing Princesses
FanfictionFirst story ko po ito :) i hope you like it mga Bebe Ko. Kathang isip ko lang ang lahat dito ah. Kung may mabanggit man akong Pangyayari at Pangalan. Pakisisi sa Imahinasyon ko salamat! :)