Chapter21: Market Bonding

22 2 0
                                    

Cassy's POV

Kinabukasan...

"Cassy bakit mo sinoli yung marshmallows?? T.T" parang batang sinabi ni Mica.

"Mica, kaya nga tayo may listahan eh. Eto ang susundin natin." Sabi ko.

Kakarating palang namin dito sa Market. Wala pa nga kaming halos Limang minuto eh!

"Sige na nga. Ano ba ang una sa listahan?" Sabi nya at parang bata na nagpout.

"Bigas ang una." Sabi ko.

"Ayun yung bigas oh. Tara na!",sabi nya at sumakay ng cart.

"Huy! Bumaba ka nga jan." Sabi ko at pinagpapalo sya.

"Ayaw ko. T^T" sabi nya.

"Ang kulit mo naman Mica eh. Baka mapagalitan tayo!" sabi ko.

*TUGSH!*

Aray ko! May tumama sa cart namin kaya na out of balance ako. Pati si Mica napaupo sa loob ng cart.

"Ay! Sorry manang." Sabi ng boses.

W-wait! Sila Sky to ah.

"Cassy?!'' sabi ni Sky. Saka nagmadaling lumapit para itayo ako.

"Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong nya.

"Hindi, malamang! Ang sakit kaya." Singit naman ni Mica habang tinutulungan bumaba ni Justine at Rocky.

"Di ikaw ang tinatanong." Sabi ni Alex.

"Di ikaw ang kinakausap ko." At ayan, nagsimula ng magbangayan ulit ang dalawa.

"Pasensya na, Cassy. Kasalanan ko eh. Ayaw kasi nila akong ibili ng Jelly Ace T.T" sabi ni Adrian na parang bata ang itsura. Ang cute! Kinurot ko tuloy yung pisngi nya. Ang taba kasi!

"Aray ko naman Cassy! Ang cute ko no?" sabi ni Adrian habang hinihimas ang mapula nyang pisngi.

"Ay! Sorry. Ang cute mo kasi magpout eh." Sabi ko.

"Eheeem~" si Sky.

"Bakit pre?" Tanong ni Adrian.

"Ah, wala. Cassy anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Sky sa akin.

"Malamang mamimili!" sabi ni Mica.

"Ang hilig mo talagang umepal eh no." Sabi ni Alex.

"Ang hilig mong magpapansin no?" sabi naman ni Mica.

At ayan, nag away na ulit.

"Ah, eh. Nawalan na kasi kami ng stock sa bahay." Sabi ko.

"Ah ganon ba. Parehas pala tayo?" sabi naman nya.

"Bakit di nalang tayo sabay mamili?!" energetic na sabi ni Adrian.

"Good idea, Adrian. Tapos ipagluluto namin kayo ni Mica mamaya sa bahay." sabi ko naman.

"Talaga Cassy. Magluluto ka? Sige. Gusto namin yung niluto mo kahapon na pancakes ang sarap ng syrup. Gawa mo ba yun?" tanong ni Rocky.

"Ah, Oo. Salamat Rocky. :)" Sabi ko naman.

"Tara na at mamili." Sabi ni Sky habang tinutulak ang cart namin. Ang gentleman :)

Tapos na kaming mamili. Babayaran nalang namin sa counter.

Gusto ni Sky na sya ang magbayad. Nahiya naman ako kasi papasabayin na kami sa Van sila pa ang magbabayad.

Kaya sabi ko ako nalang ang magbabayad kaya wala na syang nagawa.

"Ah Sir. Ipapabitbit po ba nyo sa mga katulong nyo ang mga pinamili." Sabi ng cashier.

"Anong sa----" naputol yung sasabihin ni Mica kasi bigla syang hinila ni Alex.

"Kayo na bahala jan. Ilalayo ko na tong iskandalosa nato dito." Sabi ni Alex. At tuluyang kinaladkad si Mica.

"Ah Miss. Hindi namin sila katulong. Mga kaibigan namin sila." Sabi ng tahimik na si Edward.

Ang lamig ng boses nya. Kaso mukhang masungit :)

"Naku, pasensya po Mam." Sabi nung cashier.

"Hehe. Okey lang po :)" sabi ko.

"Go to the office." Sabi ni Sky.

"S-sir Sky?!" sabi ng Cashier.

"I said go to the office. At kayo (turo sa mga baggers ata yun xD) dalhin nyo ang mga pinamili namin sa Van." Sabi ni Sky. Iba ang aura nya.

Kinaladkad akong bigla ni Sky.

"S-sky, masakit~" sabi ko saka nya lang binitawan ang kamay ko.

"Pasensya na Cassy. Masyado ka namang mabait sa Cashier na yun? Nilait kana nya." Sabi ni Sky.

Tinapik naman sya nila Edward it means mauuna na sila sa Van.

"Okey lang yun. Hindi naman totoo diba?" sabi ko at ngumiti sa kanya.

"T-tara na nga." Sabi ni Sky.

Kaya sabay na kaming pumunta sa parking area.

Naabutan naman namin sila Edward na nasa labas ng Van at pinapanuod sila Mica at Alex mag away.

Hahaha! Ang cute nilang tignan.

------

Hahaha! Sorry Lame ang update ko.

On the spot ko lang kasi sinusulat eh! :)

VOTE and COMMENT mga Bebe ko :*

The Two Missing PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon