Chapter18: Strawberry Pancakes

22 1 0
                                    

Hi mga Bebe Ko,

Enjoy Reading Ha. Comment din kayo, baka may suggestions kayo?

Open naman ako eh!! :)

------------_________-------------_________---------

Mica's POV

Ano bang problema ni Cassy?
bakit pa nya pinapasok tong mga to.

"Welcome sa bahay namin. Pasensya na kayo? Medyo magulo pa ang bahay. Alam nyo naman kagabi lang kami dumating." Sabi ni Cassy.

"A-ayos lang. Sanay naman ako!" Nangangatal na sagot nung isang lalaki habang nakatingin kay Cassy.

Parang may something ah?! Hihihi. Bagay sila Diba Guys?

Pagtingin ko kay Mr. Isnab nakatingin din sakin.

"Problema mo?" Tanong ko.

"Wala, masama tumingin sayo Nerd!" sabi nya.

"Aba't talagang binibwisit mo ako no." Sasapakin ko na sana sya kaso nagpasama si Cassy magluto ng pancakes at magtimpla ng mga kape para sa mga BWISITA -_-

PATAY KA SAKING ISNABERO KA.

Sabi ko sa isip ko.

Pagpunta namin ng kusina, tinabihan ko si Cassy at binulungan.

"Anong problema mo at pinapasok mo yung mga yun ha." Pabulong na tanong ko sa kanya habang nagmmix ng mga ingredients ng pancake.

"Wala. Gusto ko lang makipagkaibigan sa kanila?! Bawal ba?" Sabi nya.

"Sila nga ba? O yung lalaking utal." Sabi ko habang nagrready ng kape.

Nakita ko naman syang namula. Sabi na nga ba eh!

May gusto to dun sa lalaking yun eh! Tssss =_=

Pero pogi naman eh! At mukhang mabait.

"Sabi na nga ba eh." Sabi ko at pumunta na ng sala para ihatid yung kape.

Cassy's POV

Nako! Si Mica talaga. Kung anu-ano sinasabi?!

Konti nalang at maluluto na ang mga pancakes.

Nang biglang............

"Ano bang kape to?! Bakit ang pait!!!!" sigaw nung isang lalaki.

Buti nalang at nalagay ko na ang huling pancake sa isang plato.

Saka ako lumabas.

"Ano bang problema mo ha?" sabi ni Mica na nakakunot ang noo.

"Alex, bakit? Masarap naman ang kape ah." Sabi ng isa nilang kaibigan si James ata yun.

"Ang pait kaya." Sabi ni Alex.

Pinipigilan ni Mica ang umiyak.

Hobby nya kasi ang pagtitimpla ng kape.


Kasi yun ang bonding nila ni Uncle.

"Sandali lang. Mica sige na umakyat kana sa taas." Sabi ko.

Saka sya umakyat nakita ko syang pinunasan ang mukha nya habang paakyat.

"Pasensya na kayo ha. Hobby kasi ni Mica ang pagtitimpla ng kape eh. Mukhang naoffend sya." Sabi ko sa kanila.

Mukha namang naguilty si Alex.

"Ah ganon ba. Sige aalis na kami." Sabi ni Sky.

"Ah eh. Teka.. Sandali.. Naamoy ko kaninang may pancake eh. Pwede bang kainin na natin yun?" Sabi ni Adrian. Na ikinatawa ko.

"Tssss.." atsaka lumabas si Alex.

Sumunod nadin yung dalawang lalaki. Di ko kasi kilala eh. Masyadong tahimik.

"Ah eh.. Sige Cassy. Mauuna na kami ha." Sabi ni Rocky.

"Sandali. Ibabalot ko lang yung strawberry pancakes." Sabi ko at pumunta ng kusina at kumuha ng tupper ware para ilagay atsaka ko nilagay ang strawberry syrup na ako ang gumawa.

Paglabas ko si Sky at si Adrian nalang ang natira.

"Strawberry Pancakes. My favorite." Sabi ni Sky.

"Same tayo." Sabi ko habang nakangiti.

Nagulat ako kasi biglang hinablot ni Adrian yung tupper ware.

"Ligawan mo na kasi Sky. Tsssss. Torpe ka eh! Salamat Cassy.. Bukas ulit!" sabi ni Adrian saka tumakbo palabas.

Ang cute lang!!

Kaso ang awkward lang kasi dalawa nalang kami ni Sky ngayon dito.

"Ahm.. pasensya na nga pala ulit kay Alex pati narin kay Adrian. Pasabi nalang kay Mica. Sige mauna na ako Cassy, Salamat at pasensya sa abala." Sabi ni Sky.

Hinatid ko naman na sya sa labas ng gate. At humingi din ng salamat.

Parehas kaming mahilig sa STRAWBERRY PANCAKES :)

-------

Luh! Iniisip ko palang na gagawin ni Joel na mang agaw ng pagkain natatawa na ako eh xD

Ano kaya mangyayari kay Alex at Mica?

Magbabati kaya sila?

Eh Ano pa kaya ang same feature na malalaman ni Cassy kay Sky?

VOTE AND COMMENT mga Bebe Ko :)

Thankieeeee~

The Two Missing PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon