[A/N: Para sayo ang Chapter na to. Dahil masigasig kang nagbabasa ng story na to. I love you Bebe :* ]
Cassy's POV
"Cassy nagugutom nako." Sabi ni Mica habang nakaupo sa labas ng Airport.
"Punta muna tayong *tooot* gusto mo?" tanong ko sa kanya.
Nagugutom nadin kasi ako eh.
"Kahit saan nagugutom na talaga ako eh." Sabi niya at naglakad papuntang CR.
"Hoy, san ka pupunta?" sabi ko.
"Sa *tooot*." Sigaw nya.
"Papuntang CR yan. Dito ang *tooot*." Sabi ko.
Kaya ayun bumalik sya at dumiretso na kami sa Mcdo.
Mica's POV
Nagugutom na talaga ako.
"Ako na lang ang oorder. Maghanap kana lang ng upuan." Sabi ni Cassy
Tumango nalang ako. Kasi sobrang naguguton nako eh.
Ayun, may nakita na akong upuan.
Pumunta na ako doon sa upuan.
Huhuhu! Nagugutom na ako. T.T ang haba pa ng pila.
Natanaw ko na si Cassy at nakita naman na nya ako.
Kaya tumungo nalang ako sa lamesa. Bukod kasi sa pagod, gutom pa ako.
"Miss bawal pulubi dito." Sabi nung guard sakin habang kinakalabit ako.
"Kuya hindi po ako pulubi. Inaantay ko po yung kasama ko. Umorder lang!" Sabi ko naman.
"Naku, Miss! Di na po papasa ang ganyang style nyo. Kung titignan nga kayo, parang di nyo afford ang tubig dito." sabi ni manong guard.
Aba! Napaka naman nito.
"Kuya, para sabihin ko po sayo! Na may pera ho ako. Kaya ko nga po kayong bilhin eh!" sabi ko naman.
"Aba~ Baliw ka ata?" Balak na ata akong damputin nitong guard pero may umawat sa kanya.
"Asaan ang manager ninyo?" S-si Mr. Isnabero.
"S-sir?!" nauutal na sabi ng guard.
"Asaan ang manager nyo!?" sabi ulit ni Mr. Isnabero.
Lumapit na ang ibang tao at ang ibang staff.
"Miss, asan ang manager ninyo? Gusto kong makausap." Sabi nya sa isang babaeng staff.
"Y-yes Sir. Sandali lang po." sabi nung babae at tumakbo na.
Hindi padin binibitawan ni Mr. Isnabero ang kamay nung guard.
Lumingon sya sakin.
"Nasaktan ka ba?" Tanong nya.
Umiling na lang ako bilang sagot.
After, ilang minutes dumating na ang manager pati si Cassy na agad naman nagtanong kung ano ang nangyayari.
"itong guard kasi napagkamalan akong pulubi." Sabi ko sa kanya.
"May problema po ba Sir Alex?" Sabi nung manager.
"Yes. Etong guard, ay medyo naging bastos dito sa kasama ko. Gusto nyo bang ireport ko itong branch na ito dahil sa guard ninyo? or sisisantihin nyo sya? Mamili kayo." Sabi ni Mr. Isnab.
kinalabit ko sya. Kasi isnab parin ako! T_T
Batuhin ko to ng arinola eh!
"Yes, Sir Alex! Makakaasa po kayo nang agarang aksyon." Sabi ng manager.
Pagtapos nun ay binitawan na ni Isnab yung Guard. At umalis na!
Di man lang ako nakapagpasalamat. Isnabero talaga!Tsss~
Yung guard naman ayun pinatawag ng manager.
Ang daming tanong ni Cassy. Pero ni isa wala akong sinagot.
Bukod sa lutang ako ay gutom pa ako. Di na keri ng powers ko!
Kaya ayun nilantakan ko nalang yung pagkain na inorder ni Cassy.
Di naman na nagtanong ulit si Cassy. Kasi gutom na din sya.
Nakita ko si Mr. Isnab papalabas na. Lumingon pa ito sa pwesto namin.
At kinindatan ako......
-----WAAAAAA~ Iniisip ko palang na gagawin ni Miggy yun. Parang gusto ko na magwala xD
HAHAHAHA! Sorry ngayon lang nag update.
Vote! Vote! Vote! Comment please.
BINABASA MO ANG
The Two Missing Princesses
FanfictionFirst story ko po ito :) i hope you like it mga Bebe Ko. Kathang isip ko lang ang lahat dito ah. Kung may mabanggit man akong Pangyayari at Pangalan. Pakisisi sa Imahinasyon ko salamat! :)