Chapter 10: Arrange Marriage

35 2 0
                                    

Cassy's POV

MagdiDinner na nung kinatok ako ng isang katulong.

"Prinsesa, nasa baba na po sila Queen Cassiopeia at King Charles. Pati sila Dukesa Miya at Prinsesa Mica." Sabi nya.

"Bababa na po ako. Sandali lang!"sagot ko habang nagsusuot ng flat shoes.

"Sige po, Prinsesa." Sabi nya habang papalayo sa pinto.

Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

And I look gorgeous. Kinakausap ko ang sarili ko kaya wag kayong ano!?

Paglabas ko ng kwarto ko ay agad akong bumaba sa hagdanan na dinaig pa ang hagdan papuntang third floor sa mall.

Sana gumawa nalang sila ng elevator oh! Hayyssss~

Pagkapasok ko sa Dining Area ng Mansyon. Ay naramdaman ko agad ang Tensyon sa paligid!

"Kompleto na tayong lahat. Micaella at Cassandra, bakit kayo tumakas?!" medyo mataas na boses ni Mommy.

"Cassiopeia, Dont mind it! Wala namang nangyari sa kanila eh." Sabi ni Daddy.

"Kaya nagiging matigas ang ulo nyang anak mo, Charles! Lagi mong kinakampihan!! Ikaw, Miya?!! Yang anak mo. Nagiging masamang ehemplo sa anak ko!" medyo tumataas na ang tensyon.

"Ate, Ako na ang humihingi ng paumanhin para kay Mica." Sabi ni Auntie Miya kay Mommy.

"Eh, paano pag may masamang nangyari sa kanila?! may magagawa ba yang sorry mo ha!! Kundi karin kasi...." naputol ni Mommy ang sasabihin nya dahil ibinagsak ni Daddy ang kamay nya sa lamesa.

"I said Enough na diba!!! Ang mahalaga maayos sila. Nasa harapan tayo ng hapagkainan tapos ganyan ka. Humingi naman na ng tawad si Miya diba? Hindi pa ba sapat yun ha, Cassiopeia?!" nakakatakot na sigaw ni Daddy. Na umalingawngaw sa buong Dining Area.

"Sabihin mo na lang ang sasabihin mo sa kanila Cassiopeia."dugtong ni Daddy.

Naiiyak na ako sa nangyayari. Tinignan ko si Mica. At nakita ko siyang nagpupunas ng Luha at sipon gamit ang Table napkin. Hahahaha! Napatingin sya sa akin.

"Wala akong dalang handky eh." She mouthed.

Natawa naman ako sa ginawa nya.

Huminga ng malalim si Mommy bago sya nagsalita.

"Ang dinner na ito ay para sa isang importanteng anunsyo." Seryosong sabi ni Mommy.

"Ikaw Cassandra at Ikaw Micaella. Ay ihahanda para sa inyong Engagement Party." Tuloy ni Mommy.

Nabigla ako kay Mica ng bigla nyang ibagsak ang kamay nya sa lamesa.

"Ano?! Wala pa nga kaming crush. MagkakaFiancee na agad? Ano to Lokohan??" sabi ni Mica.

"Mica enough!" sabi ni Auntie Miya.

"Why Mom?! Gusto mo ba to?! Etong nangyayaring to. Ipapakasal mo ang anak mo sa di mo naman kilalang binata. Ang ganda ko tapos sa ipapakasal mo ako sa isang taong di ko kilala." Sabi ni Mica.

Tumayo ako.

"Hindi habang buhay. Kayo ang magdidikta ng buhay namin! May puso at isip kami. Hindi kami yung laruang pwede lang ipamigay. Baka po nakakalimutan nyo, laman at dugo nyo ako." First time kong sagutin sila Mommy ng ganto.

And halata sa mukha ni Daddy ang pagkabigla.

"Buong buhay ko. Nakakulong lang ako sa loob ng bahay nato, ni minsan hindi ko naranasan ang buhay sa labas ng mansyong to! Buong buhay ko. Sinusunod ko lang ang utos nyo?! Tapos ngayon ipapamigay nyo lang ako. Para saan? Sa tradisyon ng pamilyang ito!" Sabi ko bago ako umalis sa Dining area.

Halos lagi silang wala dito. Tapos sasabihin nila sa akin na ikakasal na ako!

Ano to? Lokohan?! Ang sakit lang sa puso.
---
Pigilan nyo ko. Babatuhin ko ng RULER yang si Queen Cassiopeia!! Papatulan ko na yan.

Haha! Joke. Musta ang story? Boring ba T.T

The Two Missing PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon