Chapter22: Schoolmates

26 2 0
                                    

Mica's POV

Badtrip naman tong lalaking to.

"Ayoko nga magseatbelt eh!" sabi ko sa kanya.

"Kung ayaw mong magseatbelt. Maiwan ka dito!" sabi ni Isnab.

"Tsssss~ Dun nalang ako sa likod. Tatabi ako kay Adrian!!" sabi ko naman.

Biglang nanlisik ang mata nya. Nakakatakot!

"MagSiSeatBelt ka. O ihahagis kita pabalik sa Englatera!" sabi nya.

Kaya wala akong nagawa kundi ikabit ang seatbelt.
Baka magBeastmode ulit to eh!

"Tapos na kayo? Pwede na kaming pumasok?" sabi ni Sky.

"Naku, kung hindi namin alam na magkakaibigan tayo. Iisipin naming magjowa kayo." Sabi ni Adrian habang nakain ng marshmallows.

"Teka, Akin yan ah!! Cassy bakit kinakain nya?" sabi ko kay Cassy habang papasok sya sa Van.

"Ewan ko. Kakadating lang namin diba?" sabi ni Cassy.

"Sorry na Mica." Sabi ni Adrian.

"Sige na nga. Pengeeee~" akmang kukuha na ako ng marshmallows, nang biglang hilahin nanaman ni Alex ang kamay ko.

Tapos sabay abot ng malaking pack ng marshmallows.

Nalula ako sa laki ng pack. Yummy!!

"Waaa~ Thank you!! Salamat~" Niyakap ko si Alex.

W-wait!

"oh-uh! Awkward xD" sabi ni Adrian.

Pagtingin ko kay Alex. Namumula sya.

And sobrang awkward nga.

Nagstart na yung Van. Ang ingay nila sa likod. Si Cassy nakiki ingay na nga din.

Ako, ayaw ko. Ano ba kasi iniisip ko at niyakap ko tong epal nato.

"Akin na nga yang marshmallows!!!" inaagaw sakin ni Alex yung pack.

"Abaaa~ binigay mo na sakin tapos kukunin mo." Sabi ko.

"Ayaw mong kainin eh. Akin naaaa!!" Sabi nya.

"Ayoko nga. Eto na kakainin ko na nga!" sabi ko.

"Wag na! Akin na nga." Sabi nya.

Bago nya pa kunin yung pack.
Binuksan ko na at kumuha ng madami.

"Penge ako!" sabi ni Alex.

"Ayoko nga! Akin to eh." Sabi ko.

"Pera ko kaya pinambili ko jan!" sabi nya naman.

"Ibinigay mo naman na sakin diba? Wala ng bawian." sabi ko.

"Magkatuluyan kayo uy." Biglang singit ni Rocky.

"Cheeee~" sabay naming sabi ni Alex.

Napuno ng tawanan ang Van.

Sakto at trapik pa, kaya mahaba haba ang kwentuhan namin.

"Mica, Ano nga ba yung School na papasukan natin?" sabi ni Cassy.

"Ano nga ba yun? Sorbe International School ata yun eh." Sabi ko.

Balita ko kasi maganda sa school na yun.

"Ah, eh. Cassy? Mica? Alam nyo bang dun kami nag aaral?" sabi ni Rocky.

"Talaga? Maganda daw dun eh. Nakita ko sa mga catalog ng schools dito sa lugar natin." Sabi ko.

"Talaga? Alam mo bang ang pamilya ni Sky ang may ari nun." Sabi ni Justine.

"Woah? So magiging SCHOOLMATES na tayong lahat." Sabi ni Adrian na parang batang tuwang tuwa.

"Magpapaschedule na kami ng test sa weekend." Sabi ni Cassy.

"Naku, kami na ang bahala sa inyo." Sabi ni Sky.

"Salamat Sky, pero mas gusto naming pumasok dahil sa kakayahan namin. :)" Sabi ni Cassy.

"Waaaa~ Cassy! Magpatulong nalang tayo sa kanila." sabi ko.

Hihihihi! Baka wala akong maisagot eh.

"Hahahaha! Siguro bokya ka sa test no." Sabi ni Alex sakin.

"Pustahan tayo?" sabi ko kay Alex.

"Sige." Sabi ni Alex.

Patay ka saking lalaki ka.

-------

WOOOOOH! Sorry na mga Bebe ko.

Babawi ako sa mga updates ko.

VOTE and COMMENT :*

The Two Missing PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon