Chapter23: Fast Forward

23 1 1
                                    

Cassy's POV

After 2weeks lumabas na ang resulta ng test namin ni Mica.

And well, pasado kaming dalawa bilang scholars ng SIS.

Kaya, heto kami at namimili ng mga gamit namin for school.

Kasi bukas na ang start ng School days.

Kinuha naming course ay HRM. Hilig kasi talaga naming magluto :)

Sa mga nagtatanong about sa estado ng pagkakaibigan namin nila Sky.

Mas lalo kaming nagiging close lahat. Ang dali nilang makasundo.

At syempre about naman sa Pagtakas namin.

Medyo Naglaylo na sila Mommy, sa paghahanap samin.

Ang galing no? Mahal na mahal kami.

Pagkatapos naming mamili ni Mica, umuwi nadin kami agad.

Wala ako sa mode gumala eh. Girl thing :)

Kinakabahan ako para bukas.
I hope magkaroon pa ako ng mga bagong kaibigan.

Bumili nadin kami ng laptop ni Mica.
Pati nadin cellphones.

Hihihi! Malaki nakupit namin ni Mica eh.
Wag nyo kami tutularan ha.

Pagkauwi namin nakita namin sila Sky na nag aantay sa labas ng gate namin nakaupo.

Nung pagkakita nila samin, tumakbo agad sila para tulungan kami.

Madami dami din kasi nabili namin ni Mica eh.

"Bakit di nyo sinabi na mamimili kayo? Edi sana nasamahan namin kayo." Sabi ni Rocky.

"Nakakahiya naman kasi sa inyo." Sabi ko.

"Naku, what are friends are for?" Pakantang sabi ni Adrian. Kaya nagtawanan kami.

Pumasok na kami sa loob.

"Kumain naba kayo?" tanong ni Mica.

"Hindi pa nga Mica eh. T.T Gusto naming makikain sa inyo kaya nakikitambay kami?" Parang batang sabi ni Adrian.

"Oo nga Mica, Kasi naman yung luto ni Alex. Sunog na itlog at hotdog." Dagdag ni Rocky na parang batang paikot ikot sa upuan.

"Atsaka yung kanin naging lugaw." Sabi ni Justine na nakapout.

Binato naman sila ni Alex ng unan.

"Edi wag nyong kainin. Tsssss." Sabi ni Alex.

"Hahahahaha! Di ka pala marunong magluto Isnab???" sabi ni Mica.

Binato din ni Alex si Mica ng unan. At ayun nagkahabulan hanggang sa umakyat na ang dalawa sa taas dahil tumakbo paakyat si Alex.

"Ang sweet talaga nila no?" napuno ng tawanan ang sala.

Ang saya pala talagang maging normal na tao no? Ang sarap sa feeling.

Tinutulungan ako ni Sky na mag ayos ng pinamili namin.

Nang matapos naming ayusin.
Nagsimula na kong magluto.

Nakita ko naman si Alex na bumaba ng nakangiti at hawak ang labi.

"Alex, asan si Mica?" tanong ko.

"Nasa taas. Tahimik na." Sabi ni Alex ng makaupo na sya sa sofa.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ng adobo.

Eto kasi request ni Sky eh.

Nang matapos nakong magluto ng adobo at kanin.

Tinawag ko na sila. Para kumain, tinulungan naman akong maghain ni Adrian at Rocky.

May kausap kasi sa phone si Sky sa labas.

Hanggang ngayon wala parin si Mica???

Kaya nagpasya na kong umakyat.

Naabutan ko si Mica na ginugulo ang buhok nya.
At nagtatatalon sa kama nya.

Anong problema nito?

"Wala na! Wala na talagaaaaaaa~" sigaw ni Mica.

"Hoy, anong problema mo? Tara na at kakain na tayo. Mag ayos ka nga." Sabi ko at bumaba na.

Mukhang timang eh.

Nakaupo na sila Sky sa harap ng mesa. Naabutan kong pinalo nya si Rocky at Adrian ng akmang kukuha na ng pagkain.

"Mag antay nga kayo. Bubugbugin ko kayo eh." Sabi ni Sky.

"Sige na kumain na tayo. Ahm, Alex. Ano ginawa mo kay Mica? Para kasing sira na nagwawala sa taas eh." sabi ko nung nakaupo na ako.

"pinatahimik ko lang :)" nakangiti nyang sabi sa akin.

Inabot sa akin ni Sky yung kanin. Pagkatapos kong maglagay ng kanin, sunod naman nyang inabot yung ulam.

"Alagang alaga ah." Sabi ni James.

"Para kayong mag asawa." Sabi naman ni Adrian habang puno ang bibig.

Namula naman ako sa sinabi nila. Maski si Sky, nanahimik.

Buti nalang at bumaba na si Mica at umupo sa tabi ni Alex.

Nakangiti si Alex habang si Mica nakasimangot.

Inabutan ko ng kanin si Mica.
Nung ulam na ang kukunin nya.

Iaabot na sana ni Adrian inagaw pa ni Alex. At si Alex na ang naglagay sa plato ni Mica.

Ewan, pero alam nyo yung kilig.
Naramdaman ko yun eh, at feeling ko naramdaman naming lahat.

Si Mica naman dire diretso ang kain. Ang tahimik ng hapagkainan.

Maya maya nabulunan si Mica. Kaya inabutan ng tubig ni Alex.

Kitang kita ko kung paano mag alala si Alex kay Mica.

"Okey kalang ba? Ang tanga tanga mo naman kasi eh." Sabi ni Alex.

"Eh bakit ba kasalanan ko bang mabulunan?" Sagot naman ni Mica.

"Oo kasi tanga tanga ka." Iritadong sabi ni Alex.

Yung kilig kaninang atmosphere.
Naging maingay. Hahahaha!

--------
Ano kaya ginawa ni Alex kay Mica?

Si Sky Kaya may feelings nadin kay Cassy??

Sinong Bet nyo? #CaSky ? o? #MiLex?

VOTE and COMMENT mga Bebe ko :*

The Two Missing PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon