Sky's POV
"Bro ano gusto nyo?" tanong ko kay Adrian at Alex."Kahit na ano nalang." One of the longest answer ni Alex :D
"Ako gusto ko ng Fries, Burger, Footlong and Softdrinks." Sagot naman ni Adrian.
Aba, dinaig pa order ko. Akin nga Burger and Softdrinks nga lang. PG talaga kahit kelan.
Binilhan ko na din sila Rocky. Para wala naman silang masabi samin!
Papunta na sana kami sa tindahan ng Cotton Candy para bilhan si Rain.
Nakita ko naman si James na tumatakbo at parang di mapakali.
"Jamessssss!!!!" tawag ko sa kanya.
Bakit parang namutla sya?! Teka kinakabahan ako ah!
Nang malapit na sya samin, binigyan sya ni Alex ng Tubig.
"Ano nangyari? Bakit nagmamadali ka? Asan sila Rain?! Bakit di mo kasama?!" Tanong ko na medyo pasigaw.
"B..brooo.. s-si R-rain.. N-nawawala.." Ani niya.
"ANOOOO???? PAANO NANGYARI?! DIBA SABI KO BANTAYAN NYO SYAAAA!!!" Oo, nagagalit nako.
T^ngna! Kapatid ko yun eh.
"Sky, Kalma. Walang magagawa ang galit! Maghiwalay tayo. Kami ni James pupuntang, Security department. Kayo ni Alex try nyo bumalik sa Carousel. Baka bumalik sya dun. Tawagan nyo nadin sila Justine! Pag may nalaman kami. Tatawagan ko kayo!" sabi ni Adrian habang pinapakalma ako.
Tumango ako at tinignan si James.
"Pag may nangyaring masama kay Rain. Pagsisisihan nyo to!"sabi ko at tinanguan si Alex na ibig sabihin ay "tara na."
Nakakailang minuto na ata kami sa paghahanap bago ako makatanggap ng tawag mula kay Adrian.
"Bro nakita namin sa Footage na kinuha si Rain ng dalawang nakahood na itim na mukhang babae. Nakashades yung mga yun." Explain ni Adrian.
"Sige Bro. Tumawag kayo ng mga pulis! O kahit na ano? Hahanapin na namin sila." Sagot ko bago ko ibaba ang Cellphone.
"Tara Alex! Nakahood na itim na mukhang mga babae. At Nakashades, maghiwalay tayo." Tango nalang ang isinagot ni Alex sa akin!
Medyo natagalan ang pagdating ng mga pulis, pero naririnig ko na ang mga serena ng mga sasakyan nila dito sa loob ng Theme Park, mukhang nakatunog na yung ibang mga tao dito. Kaya nagtatakbuhan na.
Sandali, Ayun si Rain! Binuhat nung babae.
"Bitawan nyo ang kapatid ko!!!!!" Malakas na sigaw ko.
Napatigil naman ang dalawa at napatingin sa akin si Rain.
Tssss~ Ang tanga ko. As if maiintindihan nila ako!
"Let go of my sister! The police are here. So dont make a move!" Sigaw ko ulit.
"Kuyaaaa~" Sigaw naman ni Rain!
"is he your Kuya, Rain?" Tanong nung babaeng medyo mahinhin.
"Yes ate. He's my Kuya! Thank you for helping me to find him!" sabi ni Rain habang papalapit ako.
Nakita ko naman ang itsura nung isang babae. Mukhang nagagalit!
"Hoy! Tanga kaba? Hindi kami kidnappers no! Tinulungan lang namin yang kapatid mo! Na pinabayaan mo!" sigaw nung babaeng medyo matangkad kesa sa isang babae.
"Mica.. Tama na yan? Tara na at umalis. Baka mamaya......" Bago pa natuloy nung babaeng mahinhin ang sasabihin nya.
Dumating na ang mga pulis kasama sila Alex at agad silang pinusasan.
At pagkatanggal ng Hood ng jacket nila. Nagulat kami sa ginawa ng mga police!
Bigla nalang lumuhod ang mga ito at sinabing :
"Princesses!!!!"
------Party! Party! xD Ano kaya ang mangyayari next chapter? Sino Excited??
Vote and Comment mga Bebe ko :)
BINABASA MO ANG
The Two Missing Princesses
FanfictionFirst story ko po ito :) i hope you like it mga Bebe Ko. Kathang isip ko lang ang lahat dito ah. Kung may mabanggit man akong Pangyayari at Pangalan. Pakisisi sa Imahinasyon ko salamat! :)