Chapter Six: The beginning..

66 2 0
                                    

 

CHAPTER SIX

 

 

Cris’s POV

 

“ANONG NANGYAYARI DITOOOOOO?!” parang dumagundong ang buong silid dahil sa lakas ng sigaw na yun. Napatingin ako sa pinto at napansin kong lumuwag ang pagkakahila sakin ni Frank kaya agad ko siyang sinipa at mabilis na tumakbo palapit sa dumating..

 

 

 

 

 

Si Troy...

 

 

 

 

 

Agad akong nagtago sa likod niya dahil sa takot ko na baka mahuli ulit ako ni Frank.

Mahigpit din akong kumapit sa damit ni Troy dahil sa takot. Wala na 'kong pakielam basta makalayo lang ako kay Frank.

 

 

 

 

“huwag ka ng mangielam dito, Troy. Mind your own business, ----“

Di na natapos ni Frank ang sasabhin ng bigla siyang sinugod ni Troy ng mga suntok pagkatapos niya kong itabi sa bandang gilid ng silid. 

 

 

 

 

Hindi agad nakabawi si Frank kaya nakahalumpasay na siya sa sahig ng tigilan siya ni Troy.

 

 

 

“Humanap ka ng ibang babaeng mabibiktima mo! Kung di mo pa titigilan si Cris, di lang yan ang aabutin mo! “

 

 Tumalikod na siya dito at lalapitan na sana ako ng biglang nakabawi ng tayo si Frank at mabilis na hinagilap ang isang upuan para hampasin ang walang iba kundi si Troy.

 

 

 

"TROY, SA LIKOD MO!!!"

ngunit huli na ng  lumingon si Troy, kaya natamaan siya nito sa balikat at napaluhod sa sobrang sakit.... 

 

 

 

 

"Serves you right!" saad ni Frank at agad sinisipa pa si Troy para hindi agad makabawi..

lalo namang napa-igik at napabaluktot si Troy sa sakit.

 

 

 

 

Tumakbo ako palapit kay Troy para maalalayan siya pero wrong move dahil biglang hinaklit ni Frank ang braso ko.

 

 

 

 

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon