Chapter Fourteen: In facto

26 1 0
                                    

Chapter Fourteen

 

 

Cris POV

 

Ilang linggo na kami dito sa Hacienda pero hindi pa rin nawawala ang pagkalungkot ko sa mga nangyayari. Namimiss ko sila Kuya, Mama at Papa pero wala naman akong magawa kundi mag-stay lang dito at sundin sila. Ilang linggo o buwan pa kaya ako dito? Hindi naman sa hindi ako natutuwang makasama si lolo pero iba pa rin kapag kumpleto kami.

Sabayan pa ng tukmol na ‘yun, laging nangungulit at nang-aasar. Parang ‘yun lang ang dahilan kaya siya andito, at hindi para bantayan ako. Nakakairita at kung hindi lang mas matanda sakin ‘yun e baka ipinatapon ko nay un sa balon dun sa gubat na sakop nitong hacienda.

 

 

Wait…. Gubat?

 

May kubo kaming pinupuntahan dun ni kuya noong bata pa kami at malapit yun sa batis na pinaliliguan din naming dati. Makapunta nga at matagal ko na ding hindi nagagamit ang kabayong niregalo sakin dati ni Lolo, si Thunder.

 

 

 

 Napangiti ako bigla sa naisip kaya agad agad akong naligo at nagbihis. Nagpalit lang naman ako ng pang-itaas at walking shorts. Parang gusto kong batukan ang sarili dahil hindi ko man lang naisipan na puntahan si Thunder sa kwadra pagkarating naming dito.

 

 

 

Naabutan ko ang isang katiwala ni Lolo pagkadating ko kwadra. “Mang Andres, nasaan po si Thunder?”

 

 

“Ay, ipinagamit po siya ni Senyor sa nobyo ninyo” Ano daw?! Ipinagamit ni lolo ang kabayo ko kay Troy at nobyo ko daw yun?!

 

 

“Mang Andres , hindi ko po nobyo yun. Nasaan po sila at nasaan si Redford?” ang tinutukoy ko ay ang kabayo ni kuya na mas mabagsik sa kabayo kong si Thunder.

 

 

Napakamot ito ng ulo “ Pasensya na ho kayo, senyorita, iyon ho kasi ang sabi sakin nung binata kaya ipinagamit ko na rin po ang kabayo ninyo sa kanya. Ang alam ko po ay nandyan lang po sila at naglilibot. Noong isang araw pa po nagsimulang mangabayo ng bisita niyo para maglibot sa hacienda. Si Redford po ay nasa dulo.”

 

 

Nakakairita talaga ang lalaking 'yun! Noong isang araw pa pala niya ginagamit ang kabayo nang hindi ko alam!

“Mang Andres, pakilabas na po si Redford at siya nalang po ang gagamitin ko sa paglilibot.”

 

 

 

“Senyorita, seryoso po ba ang sinasabi niyo? Sa tingin ko po’y masyadong mabangis si Redford para inyong sakyan at baka’y mapahamak pa po kayo.” Hindi na ko nagulat sa sinabi ni Mang Andres dahil totoong mabangis nga ito, pero matagal ko na itong sinasakyan ng palihim dahil pinagbabawal din ako ni kuya. Napaamo ko na rin kasi si Redford ng hindi alam ni Kuya noong huling uwi naming dito.

 

 

 

“Mang Andres, hindi po ako nagbibiro kaya pakilabas na po si Redford. Huwag po kayong mag-alala dahil kilala na ko ng kabayong iyon.” Sabay ngiti dito.

 

 

 

Walang nagawa ito kundi ang sundin siya. Nang mailabas na nito ang kabayo at naiayos ay agad niya itong sinakyan. Mukhang naniwala ni si Mang Andres sa sinabi niya dahil hindi pumalag ang kabayo ng sakyan niya ito at patakbuhin.

 

 

Hindi ko na hinanap ang lapastangang si Troy kaya dumiretso nalang ako sa gubat. Pagkauwi ko nalang siya aawayin sa paggamit kay Thunder. Wala din naman ako sa mood mang-away dahil masyado akong malungkot at gusto ko lang munang mapag-isa. Nakarating ako sa batis kaya agad akong bumaba kay Redford at itinali ito sa malapit na puno.

 

 

Parang bumalik naman sa alaala ko ang mga masasayang memories naming ni kuya dito. Madalas kasi ang dito kami naliligo at naglalaro. Hindi din kami natatakot na mapahamak dahil ekslusibong lupain ito ni Lolo kaya walang ibang taong nakakapunta dito kundi ang mga taga-hacienda lang.

Habang nakatingin sa batis na parang nang-iimbita, naisipan kong bigla na maligo.. Bahala na, at papatuyuin ko nalang ang mga damit ko sa kubo mamaya.

 

 

 

Tuwang tuwa na parang bata kong hinubad ang damit ko at itinira ko lang ang pangloob ko. Agad akong lumusob sa tubig.

Ang lamig at ang sarap ng tubig! Pero hindi ko ininom ha, ang sarap sa feeling ng tubig!

 

 

 

“Sana andito si kuya, para hindi ako loner dito ngayon.. Sana--- Anu yun?!” may narinig akong kaluskos sa paligid. Teka, wala namang ibang napapadpad dito ah. “Sino yan?!”

 

 

Agad akong umahon para kunin ang mga damit ko pero wala na ito sa pinagiwanan ko. Takte! Humanda sakin kung sino mang impaktong kumuha ng damit ko! “SINO YAN?! LUMABAS KANG LECHE KA!”

Napalingon ako ng may biglang nagpipigil ng tawa sa likod ko. Naningkit ang mga mata ko at nameywang ng makita kung sino ang impakto.

 

“Anong ginagawa mo dito?!”

 

 

 ...................................................................

sino kaya ang in facto este impakto na yun?

 

 hope you like it

Don't forget to vote, comment and become a fan 

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon