Chapter Sixteen: Compromise

29 1 1
                                    

Chapter Sixteen

 

 

 

Cris’s POV

 

Ilang oras na din akong nagkukulong sa kwarto at sa wakas ay natuyo na rin ang mga damit ko. Agad kong sinuot ang mga ito at lumabas para silipin kung anong ginagawa ni Troy.

 

 

 

 

Naabutan ko siyang nakahiga sa wooden sofa at natutulog. Napailing iling ako dahil hindi ko alam kung paano niya napagkasya ang katawan siya sa maliit na sofa.

 

 

 

 

 Tinungo ko ang maliit na kusina habang pinapanalangin na sana’y merong pagkaing nakatago o nakatabi kahit imposible. Bigla akong natigilan ng makita sa mumunting lamesa ang isang basket ng mga prutas na madalas ko ring nakikita tuwing umaga sa kwarto ko.

 

 

Si Troy ba ang nagbibigay sakin tuwing umaga ng mga ito? Napailing ako sa naisip, baka inuutusan lang siya ni Lolo. Tama! Baka nga ganun.

 

 

 

 

Sinimulan ko ng kumuha at kumain ng prutas. Kahit ito lang ay ayos na sakin para mawala ang gutom ko.

 

 

 

 

 

Naramdaman ko na parang may mga matang nakatingin sakin kaya napalingon ako at nakita ko si Troy na mataman ang pagtingin sakin.

 

“Mabuti naman at nagustuhan mo ang mga prutas na pinitas ko.” Matipid ko siyang nginitian at pinagpatuloy ang pagkain.

 

 

 

 

“Hindi ko ata napansin na may dala dala ka kanina.”

 

 

 

 

Umupo ito sa harap ko at kumuha na rin ng prutas. “Nakasabit kasi kay Thunder kaya siguro hindi mo napansin.”

Lumingon ito sa bintana. “Mukhang hindi pa titigil ang ulan, pagpasensyahan mo nalang kung itong mga prutas lang na ito ang makakain natin.”

 

 

 

 

“Okay lang, ang mahalaga ay meron.” Natigil ako sa pagkain ng mapansin kong nakatitig lang siya sakin.

“Bakit? May dumi ba sa mukha ko?”

 

 

 

 

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon