Chapter Nineteen: Fallen

29 2 0
                                    

Chapter Nineteen

 

 

Cris’s POV

 

“Princess, you look so gorgeous! Dalagang dalaga ka na!”eksaheradang wika ni Tita Gie matapos ako nitong ayusan. Ngayon na kasi ang araw ng Flores De Mayo at isang oras nalang at mag-uumpisa na ang parada.

 

 

 

Dalawa lang kami dito sa kwarto dahil na rin sa ayokong may ibang makakita sakin. Nakakahiya  kaya! Talagang si Tita Gie pa mismo ang gumawa ng gown ko at kahit isang buwan lang nito trinabaho iyon ay hindi ko matago ang pagkamangha sa ganda nito. Kahit ako’y hindi makapaniwala sa hitsura ko, para akong Santo.

 

 

 

 

“Tita, parang ang bigat? Hindi ba bibigay ‘tong gown ko mamaya? Pero sa tingin ko’y ako ang bibigay sa bigat nito e.” reklamo ko dahil nag-aalangan pa rin ako sa bongga ng gown na ‘to. Hindi ko maeexplain dahil wala naman akong alam pagdating sa mga gown gown na ‘to.

 

 

 

“Don’t worry, Hija. Wala ka bang bilib sa tita mo? I’m the one who made that, so don’t worry.” Wika nito habang inaayos ayos pa ang gown ko.

 

 

 

Napangiwi nalang ako. Sobrang excited naman kasi nitong si Tita Gie, simula kaninang umaga pa ko inayusan. Simula ata sa anit ko hanggang talamapakan ko eh inayos niya. Isama pa ‘tong heels ko, sarap paputulan ng takong, at kahit ilang ulit ko atang sabihin kay tita na magpalit nalang ako ng tsinelas, eh ayaw niya. Hindi naman makikita sa haba nitong gown ko!

 

 

 

“Tita, uupo po ako… Nangangawit na po ako kakatayo e.” at agad naman akong inalalayan sa pag-upo. Haaaaaaay. Sa wakas, after 10 years nakaupo na rin ako.

 

 

 

 

Makalipas ng tatlumpong minuto ay tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa gown ko at hindi na natuloy ang parade. Charot!

 

 

 

 

 

Syempre imposible yun, pero sana totoo. Pinatayo na ko ni Tita dahil kelangan na daw naming pumunta sa Simbahan dahil doon daw mag-uumpisa ang parada papuntang Plaza. Pagkatapos kasi ng parade ay mayroon sayawan kung saan, dapat ay pumunta ang lahat. Naku, kalokohan!

 

 

 

 

 

 

 

“Wow! Ang ganda ganda mo, Angela.”nang-aasar na saad ni Alfred pagkababa ko sa sala. Lahat kasi sila ay naroon para daw abangan ang pagbaba ko at syempre, Si Tita Gie ang pasimuno ng lahat.

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon