Chapter Two: The man-hater... Cris Santiago

173 2 2
                                    

Chapter Two

 

Cris’s POV

 

Pumasok nalang ako sa kwarto ko ng matapos akong manuod. Haaaaaay... Badtrip na naman ako at dahil na naman yun kay Troy.

 

 

 

Ang babaw ko ba? Hindi naman dba?

May reason naman ako kaya inis ako sa kanya...

 

 

 

 

 [[[[ pic. ngapala ni CRIS nasa right side :)) --------------------------------------->>>>>>>>]]]]]]]]

 

 

 

 

Sa totoo lang, ayaw ko talaga sa mga lalaki maliban nalang syempre sa kuya ko at kay Papa.

Para sakin kasi, ginawa lang sila para saktan ang mga katulad kong babae.

 

 

 

Marami na rin akong kaibigang babae na niloko lang ng mga lalaking katulad ni Troy, kasama na rito ang bestfriend kong si Nadine. Ilang ulit na siyang umiyak dahil lang sa mga walang kwentang lalaki na gusto lang magbilang ng mga babae para sa ikakataas pa ng mga pride nila.

 

 

 

Haaaaay.. Mga hinayupak na walang magawang matino sa mundo!

 

 

 

 

Nasapak ko na nga ang huling boyfriend ng bestfriend kong si Nadine eh, si Frank. Syempre hindi siya lumaban sakin.

 HUH! Laking takot niya lang sa kuya ko at syempre SAKIN! Hahaahahha!

 

 

 

Hindi tulad ni Nadine, hindi ako mahilig at komportable sa mga maaarteng damit na karaniwang sinusuot ng mga kasing edad kong babae.

 

 

 

Mahilig lang ako sa mga shorts pero sa tamang haba naman at tanging mga walking shorts at jersey lang ang meron ako na (OBVIOUS naman!) karaniwang suot ng mga lalaki.

 

 

 

 

 

Hindi din ako nagsusuot ng mga tube, sleeveless, OFF-shoulder, etc. Simple lang ako, as in S-I-M-P-L-E. Tanging T-shirt lang talaga na mas malaki sa sukat ko ang nasusuot ko kasi dun ako komportable.

 

 

 

Madalas din ay napagkakamalan akong ‘tibo’ o ‘tomboy’ dahil na rin sa ugali ko at malamang sa kilos at suot ko. Wala din akong manliligaw at hula ko’y walang magtatangka kahit marami na ang nagsasabing maganda daw AKO.

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon