Chapter Eight: She doesn't like the idea..

68 2 0
                                    

CHAPTER EIGHT

 

 

Cris POV

 

 

“Gudmorning Ma, Pa.”

Maaga akong nagising para makisabay sa breakfast nila Papa at Mama. Maaga kasing umaalis si Papa at syempre, todo asikaso naman si Mama kaya sabay din silang magbreakfast tuwing umaga. Minsan lang kaming makasabay ni kuya kaya naisipan kong sumabay ngayong umaga.

 

 

 

 

 

 

“Hija, is’t true?” tanong sakin ni Papa ng makaupo ako.

Napatingin ako sa kanila at mukhang alam na nga nila. Marahil ay sinabi na ni kuya ang tungkol dun.

 

 

 

 

 

“Yes, Pa.” sagot ko at nag-umpisa ng kumain.

Nakita kong napatiim- bagang ito ng marinig ang sagot ko. Napasighap naman si Mama na halata ang pagkagulat. Hindi siguro nito akalain ang nangyari.

 

 

 

 

 

 

“Kailangang maipakulong natin ang lalaking ‘yan.Mabuti na lamang at dumating si troy, kundi..” hindi na natuloy ni Papa ang sasabihin dahil biglang dumating si Kuya.

 

 

 

 

Nakakapagataka dahil nakabihis ito at mukhang kakarating lang. “Saan ka galing, Kuya?”

 

 

 

 

“Mabuti at dumating ka na, Benjamin. Umupo ka na.” saad ni Mama habang hawak hawak ang kamay ni Papa para mapawi ang galit ni Papa.

 

 

 

 

 

Tumango nalang si Kuya. “ Galing ako sa university, nireport ko na ang nangyari kagabi."

 

 

 

 

 

Napatigil ako sa pagsubo sana ng pagkain. “Kuya, I thought..”

 

 

 

 

“Don’t worry, sinabi kong huwag ipagkalat sa loob ng university ang nangyari. Tanging piling mga faculty lang ang may alam.” pigil ni Kuya sa sasabihin ko.

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon