Chapter Nine: Their date??

53 2 1
                                    

Chapter Nine

 

Cris POV

 

 

Napataas ang kilay ko nang maintindihan ang sinabi ni kuya.

 

"HA? Pare, bakit ako?" mukhang nagulat rin si Troy sa sinabi ni kuya.

 

 

 

 

I don't care!

Basta ayokong kasama siya! Kapal pa rin ng pagmumukha ng lalaking to, kahit na siya ang nagligtas sakin. Feeling naman niya gusto din naming ang idea ni kuya? Hindi noh! Hmp!

"Kuya, okay lang naman kahit kaming dalawa lang ni Nadine eh! I promise na mag-iingat kami at tsaka uuwi kami agad."

 

 

 

 

 

 

"NO! Huwag kang makulit, Cristina Angela! Huwag mo nang ipilit ang gusto mo. My decision is final."

 

 

 

 

 

Napasimangot naman ako sa sinabi ni kuya kaya hindi na ko umimik pa. TSK. Epal kasi e, bakit ba yan nandito?!

 

 

 

 

"Ahm, sige. Sasamahan ko na sila, Pare."

 

 

 

 

Napa-irap nalang ako sa narinig.

"Halika na nga, Nadine!" sabay hila ko kay Nadine papuntang kwarto.

 

 

 

 

 

Wala talaga akong kapana-panalo pagdating kay kuya. Haaaaaay. Pero ayoko talagang kasama si Troy kasi hindi ko alam kung paano kumilos sa harapan niya. Nahihiya ako na ewan kaya dinadaan ko nalang sa pagsusuplada. Nagsimula lang naman to nang iligtas niya ko kay Frank e. Di ko din alam kung paano ako magpapasalamat sa kanya kasi naiinis pa rin ako sa kanya kahit paano.

 

 

 

 

 

Simpleng T-shirt at jeans lang ang napili kong suotin na mukhang napansin na naman ni Nadine.

 

"Girl! Anu ba yang suot mo? Para ka lang pupunta dyan sa kanto ah. Hello, sa Mall kaya tayo pupunta!"

 

 

 

 

 

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon