Chapter Eighteen: Old memories

34 2 0
                                    

Chapter Eighteen

 

 

Cris’s POV

 

“Ano ba…” sabay kamot ng ilong ko. “Natutulog yung tao e… Ano ba.” Unti-unti akong dumilat dahil kanina pa parang may balahibong kumikiliti sa ilong ko.

 

 

 

Napabalikwas ako ng bangon ng makitang ngingisi ngisi si Troy habang nilalapit sa ilong ko ang hawak nitong balahibo ng manok. Ibinato ko ‘to ng unan na ikinatawa naman nito.

 

 

 

“Alam mo, istorbo ka talaga!” sabay irap dito.

 

 

 

“Ipinapatawag ka na sa baba, dahil gusto ni Lolo na sabay sabay mag-almusal. Si Tita Genevieve mo ang nagpapunta sakin dito para gisingin ka. Hindi ko naman alam na ganyan ka pala matulog, tulog mantika.” Tatawa-tawang saad nito.

 

 

 

 

Sinamaan ko lang ito ng tingin at agad na tumungo sa banyo. Wala naman akong dapat ikahiya sa kanya dahil naka-pajama at naka tshirt lang naman ako. Pero.. Nagulat ako sa hitsura ko pagkatingin ko sa salamin. Shucks! Ang pangit kooooo! Para akong sinambunutan ng libo-libong bading at mamantika din ang mukha ko.

 

 

So, nakita niya ko sa ganitong hitsura ko?!

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ano pang ginagawa mo dito?!” sigaw ko kay Troy dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo ay naabutan ko pa itong nakaupo sa higaan ko.

 

 

 

Ngingisi ngisi lang ito habang pinasadahan ako ng tingin. Mas lalo akong naasar ng maalalang nakatapis lang pala ako, kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa tuwalya ko. Pangalawang beses na niya kong nakikita sa ganitong hitsura.

 

 

 

Naghagilap ako ng pwedeng mabato dito at nang makita ko ang suklay ko sa  dresser ko ay agad kong binato dito na agad naman nitong naiwasan.

 

 

 

“Alam mo ang hilig mong mambato, nakaka-ilan kana.” Malalaking hakbang ang ginawa nito para makalapit agad sa kanya. Napaatras ako dahil sa sobrang lapit na nito sakin pero hindi ko tinigilan ang matalim na tingin ko dito. Hindi ko namalayan na napinto na pala ng banyo ang nasa likod ko kaya agad kong hinagilap ang doorknob pero agad naman nitong hinawakan ito kaya dalawa naming hawak ito.

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon