Chapter Fifteen: Stuck with him

33 1 0
                                    

Chapter Fifteen

 

Cris POV

 

“HOY! Ang sabi ko anong ginagawa mo dito?!” nanggagalaiting sigaw ko sa impakto. Pero imbis na sagutin ako’y ibinato sakin ang damit ko. “BASTOS!”

 

 

“Sino ba satin ang nakahubad na halos?” ngingisi-ngising wika nito kaya pinamulhan ako ng mukha. Agad kong sinuot ang damit ko kahit pa basa ang panloob kong damit.

 

 

 

“Ang akala ko nasa Baguio ka, Alfred? Bakit ka pa umuwi dito, dapat hindi na!” nakakabwisit talaga ‘tong lalaking ‘to. Siya lang naman ang kababata din namin ni kuya dito na apo ni Nanay Maring. Ang balita ko’y sa Baguio ito nag-aaral kaya hindi ko alam kung bakit biglang sumulpot ‘to dito at dala dala pa ang isa sa mga kabayo sa kwadra.

 

 

 

“Hindi mo ba ko na-miss, Angela? Umuwi pa naman ako dito para lang makita ka.”

 

 

 

“Huwag mo nga akong pinaglololoko at huwag mo rin akong tawaging Angela!” isa sa kinaiinisan ko dito ay ang pagtawag nito sakin ng Angela. Parang babaeng babae kasi kung papakinggan at naiirita ako.

 

 

 

Natawa ito at tuluyan ng lumapit sakin sabay yumakap sakin na ikinabigla ko. “Totoo naman na na-miss kita e. Huwag ka nang masungit, Angela.”

 

 

Napangiti ako ng lihim dahil na-miss ko din ito pero agad ko itong itinulak. “Tsumatsansing ka na naman ha! Wag mo nga akong yakap-yakapin at baka mangati pa ko."

 

 

 

Napailing-iling nalang ito sa inasal ko. “Hindi ka pa rin nagbabago, Angela. Iiwan na muna kita at may ipinapagawa pa sakin si Senyor at Nanay.” Sabay talikod sakin.

“Magkita nalang tayo mamaya.” At muli itong lumingon sakin sabay kindat.

 

 

 

 

Inirapan ko nalang ito. “Ikaw ang hindi pa nagbabago, maloko ka pa rin tulad ng dati. Sige, umalis ka na at baka malagot ka kay Nanay Maring, Alfredo.”

 

 

 

Nang makaalis na ito ay saka ko lang naalala na basa ang damit ko. Pero dahil nabitin ako sa paglangoy ay hinubad ko ulit ang pang-itaas kong damit at tumalon sa tubig. Ilang sandali pa’y may narinig na naman akong kaluskos. Leche talaga ‘tong si Alfred, akala ko’y umalis na pero nanininilip pa ata. “Alfred! Lumabas ka na dyan! Babatukan kita pag ‘di ka pa nagpakita, isusumbong pa kita kay Nanay Maring!”

Indifferent Attraction-PMSG (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon