Distance doesn't ruin people's relationship.
You don't have to see someone everyday to be in love.
CHAPTER 20
CHESTER'S POV
From now on, I'll do my best for her.
I'll do my best to win my best friend's heart.
FLASHBACK
"Actually....Dad, Kuya, I have to tell you something."Nagsalita ako uli. "I think, you've already met Mr. and Mrs. Trinidad, once. Sa school ko po. Ahmm. Parents po sila ni Raven."
Dahil nga magbestfriends kami ni Avi, nag-meet na din once ang mga parents namin sa PTA meeting sa school. Tapos ako naman, nameet ko rin parents ni Avi, kaya , wow, I mean, how could this be happening. I explained a part of everything kina daddy, mommy at Kuya. Medyo nagulat siya nung naikwento ko na magbestfriends kami ni Avi.
Bigla niyang naalala na naikwento na daw ako sa kanya ni Avi. Ako pala daw si Chepoy na tinutukoy nya. And then, he knew my condition. Medyo na-touch naman ako, inaalala pala ako ni Avi.
Inexplain ni Mommy at Daddy ang kalagayan ko kay Kuya. Tapos na yung check-up ko pero wala pa yung results. Kuya said, he would help if ever may kailangan kami. Medical student kasi siya dito sa US.
What happened today really shocked me. Napakaliit nga talaga ng mundo. Kaya pala nung nakita ko yung picture niya sa bahay nila Avi, familiar na familiar dahil magkamukha sila ni Kuya Glenn.
The day ended well. Ngayon ko lang uli nakitang ganun kasaya sina mommy at daddy. In the coming days, we decided to spend more time with Kuya Yuji, while waiting for Mr. and Mrs. Trinidad. Kuya and I decided na hindi na muna namin sasabihin kay Avi na ang kakambal ni Kuya Glenn ay si Kuya Yuji niya. Hindi ko pa alam kung ano magiging reaksyon niya.
Balak naming isurprise siya sa birthday niya next month. Kakausapin nalang din muna namin parents niya na wag munang sabihin kay Avi. =))
Pagkatapos nung araw ng pagkikita namin nina Kuya, napadalas ang paglabas naming dalawa. At dun ko pa siya lalo nakilala. He's really so much like Kuya Glenn. Malamang dahil din sa magkakambal ang puso namin, kaya madali kaming nagkagaanan ng loob.
"Chester, kumusta naman si Raven?" Nasa coffee shop kami. Niyaya niya ako after niya sa school.
"Ayun. Makulit pa rin. Naalala ko nung una kaming magkakilala, mukhang masungit. Pero eventually, nagkasundo din kami, we even became bestfriends."
"Wow ,what a small world right? Makulit yun. But she's really sweet. Isn't she? Haaay, lalo ko tuloy siyang namiss. Kumusta sya sa school? Wala naman bang nang bubully sa kanya?"
"Bully? Ako nga binubully nun e.Well she's also missing you a lot. Madalas ka din niyang nakukwento sa akin."
" Sa birthday niya, hindi ko sasabihing uuwi ako. Para double yung surprise natin sa kanya. I hope she would be happy."
"Ofcourse naman Kuya. Ahmm.Matutuwa yun for sure. Teka, maiba ako. Do you have a girlfriend?"
"Me? Wala. Wala pa."
"Ahmmm. Pero nagkagirlfriend ka na?"
"Hmmm. I'm still waiting for the right time to ask her."
BINABASA MO ANG
My Big Teddy
Teen FictionHer life was going well until she found herself torn between two men. Who will she choose? To whom will she give her heart? to her first love? or to her bestfriend?