Chapter Nineteen - Mga Advice ni Kumareng Christine

217 7 4
                                    

 "She wasnt exactly sure when it happened. Or even when it started. All she knew for sure was that right here and now, she was falling hard and she could only pray that he was feeling the same way." 

― Nicholas Sparks

CHAPTER 19

RAVEN's POV

Its been a week since the recognition, mag-iisang buwan nadin nung umalis si Chepoy. Grabe, nakakamiss nga yung taong yun. Though nagkakausap naman kami sa phone, wala. Iba talaga yung kakulitan niya sa personal.

"Avipot!!Gusto ko na umuwi. Di na kita nakakantahan. Namimiss na ako nung piano sa Music room!"

"Hoy, Avi!Pango ka pa rin ba!?Nakakainis. Ang boring dito.Miss na miss na kita!"

"Dami mo ng utang na float sa akin Avi! Miss ko na magmeryenda sa Mcdo. At miss kita!!"

"I hope you're okay. Malapit lapit na rin akong umuwi. Mapipisil ko na yang ilong mo. Don't worry, okay lang ako dito."

Nag-eempake ako ngayon. I'll spend some time sa rest house nina Christine sa Tarlac since loner  lang naman ako sa bahay this summer. Yahoo!!Buti nalang pumayag sina mommy at daddy. Haay, di pa din kasi makakauwi si Kuya e. Kaya eto.

Haay, but I think this summer will be great naman! Hello Junior year na pagkatapos!!I received a text message from Tine saying that she would pick me up this afternoon. 

^__________________________^



YUJI's POV

Today, I will meet my real parents kasama si Chester. Finally, makikita ko na rin ang totoo kong Papa. ..Si Mama. ..At ang kakambal ng puso ko.

Nakausap ko si Mama kagabi and that call was the most memorable call I had with my entire life. Nung marinig ko yung boses niya, napaluha ako sa sobrang tuwa. After a few arrangements with Mr. Liander, we talked and agreed to meet  today.

After school, dumiretso na ako sa Cafe kung saan kami magkikita. Nung makita ko si Mama,   niyakap niya ako agad and she cried her heart out. Napaiyak din ako as I hugged her.

"Ahm, anak. Ikaw na ba talaga yan?"

Hindi ako makapagsalita, tears just kept streaming down my face.

 "Anak, daddy mo." Mama faced Papa. Lumapit si Papa sa akin at niyakap niya ako. Napaiyak din siya habang mahigpit niya akong yakap. This feeling is priceless. Sobrang saya ko.

"Good to see you son, good to see you. " He was also in tears.

"Ahmm..Anak, Si Chester nga pala. Kapatid mo." I faced Chester, and then we embraced each other. I instantly feel the connection we have. 

We sat and talked after that touching moment. Wala akong pakialam kung sabihin nilang iyakin ako. Sobrang masaya lang talaga ako ngayong araw. Tinawagan ko na din sina mommy at daddy sa pinas, and they said they were booking a flight para personal din na ma meet ang mga totoo kong magulang.

"Ahm, Ma, sayang hindi kami nagkita ni Glenn, kaya pala at some point in my life, feeling ko, I have left some part of me somewhere. Sadly, he's already gone. I wish I found you sooner." 

"Alam mo magkamukhang magkamukha kayo. Ang tagal ka naming hinanap anak.  Thank God, you're okay.  Ahm, si Glenn? Ayun, Sila ni Chester, close na close silang dalawa."

My Big TeddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon