"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."
-Lao Tzu
Chapter 26
CHESTER'S POV
"Hi sir, check ko lang vitals nyo ah?" sabi nung nurse na una kong nakita pagkagising ko.
"Ah okay po, nasan yung bantay ko? Si Avi?"
"Ah sir, lumabas po sandali. Pero sandali lang daw po sya."
Kinuha nung nurse yung pulse rate at temperature ko tapos nirecord nya. Umalis na din sya pagkatapos. Hmm. San kaya nagpunta si Avi? Medyo inaantok pa rin ako. Di ko din alam kung anong oras na'to.
I closed my eyes for a while. I heard someone came in but I'm too sleepy to open my eyes. Baka bumalik yung nurse.
Naramdaman ko nalang na may biglang umupo sa tabi ng kama ko. Si Avi. Pero bakit sya umiiyak? I was about to speak pero nagsimula syang magsalita habang nakayuko at hawak yung kamay ko.
"Chepoy, bakit ganun si Kuya? *sniff sniff.. Hindi man lang sya nagpaalam. Bigla na lang sya umalis nang ganun ganun nalang? Bakit nya ko sinasaktan nang ganto? Ang sakit Chepoy. Ano bang mali sakin?"
Hindi ko alam pero kahit gustong gusto ko syang icomfort ngayon ay mas pinili kong pakinggan ang mga rants ni Avi. I decided to pretend to be asleep para marinig ang buong kwento. Grabe, ngayon ko lang nakitang umiyak si Avi nang ganto.
"Chepoy bat ganun? Feeling ko wala na akong halaga kay kuya sa tono nya kanina. Bakit di sya magpaliwanag diba? Kung bat these past few days, bat bigla syang naging cold sakin? *sniff sniff Pwede nya naman sabihin diba kung bakit? Tapos ngayon, bigla syang aalis nang walang paalam? Alam ko may dahilan dahil hindi sya ganung tao, Chepoy. Hindi."
Gustong gusto kong yakapin si Avi ngayon pero sa bawat salitang binibitawan nya parang nakakaramdam din ako ng sakit.Sakit dahil nakikita ko syang ganito. Ang babaeng pinakamamahal ko, umiiyak sa harap ko ngayon.
At sakit dahil ngayon alam ko na kung sino ang mas mahal ni Avi.
"Ganto ba talaga pag nagmamahal? Sobrang sakit?"
Oo Avi, ganito nga. Masakit magmahal, lalo na kung yung mahal mo, hindi ka mahal.
"Mahal ko sya, Chepoy."*sniff *sniff "Maiintindihan mo naman ako diba?"
Nakapikit pa rin ako. Ramdam kong this time, nakatingin sa akin si Avi. Parang nanlalambot ako sa mga salitang binibitawan nya sa harap ko ngayon.
"I trust you Chepoy. Ikaw ang bestfriend ko, kaya sayo ko to sinasabi. Alam ko naman na papakinggan mo ko kahit tulog ka diba? Kailangan ko lang nang mahihingahan ng sama ng loob."
Sige lang Avi, iiyak mo lang. Kahit gaano pa kasakit para sa akin, handa kitang pakinggan.
BINABASA MO ANG
My Big Teddy
Teen FictionHer life was going well until she found herself torn between two men. Who will she choose? To whom will she give her heart? to her first love? or to her bestfriend?