Chapter Thirteen -Froggy

281 9 13
                                    

"You can't live your life for other people. You've got to do what's right for you, even if it hurts some people you love." 


― Nicholas Sparks, The Notebook

Chapter 13


Chester's POV

"Ayun o, dali!!Malaki yun!!Sige na Chester!" Hawak ni Avi yung dulo ng uniform ko. Para siyang bata. Ang cute talaga nito.

"Osige sige. Labas mo na yung lalagyan natin."

Nandito kami ngayon sa may madamong lugar , somewhere outside the school. Eh, wala e. Sarado na yung mga pwedeng mabilhan ng toads for dissection. Kaya ayun, manghuhuli nalang kami ni Avi.

Nilapitan ko yung palakang tinuturo ni Avi, medyo nahirapan akong hawakan yung palaka kasi maliksi siya pero nahuli ko naman. Lumapit naman agad siya sa akin para mailagay ko yung palaka sa Tupperware.

"Ayuun. Ang galing mo. The best talaga tong partner ko."

Nakakatuwang isipin na magkakaroon agad ako ng kaibigan  sa bago kong school. With this personality like mine huh? Well, kakaiba talaga si AVI. Kahit hindi ko pa siya gaanong kakilala, she helps me bring out myself.

Basta, sa tuwing nakikita ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko. I know I might sound corny or what, but being with her makes me happy. Bumabalik na yung dating ako. Yung akong matagal na panahon ding nawala.

"Sige Chester, ako nalang mag-uuwi kay froggy. Ikaw naman yung humuli e. Para di na hassle sayo. Salamat uli!!"

"Are you sure?"

"Oo naman."

Malapit nalang din yung lugar na pinaghulihan namin ng palaka sa bahay nila Avi kaya hinatid ko na siya pauwi.

"Chester, salamat sa paghatid ha. Wait, maaga pa naman. Meryenda muna tayo sa loob."

Nakakapanibago. Now, a girl invites me to her house without any reason but to have meryenda. This is a good thing.

A good start for my new life. Dati kasi, a girl would invite me to her house just to flirt with me. I don't want to waste my time for that again. Lalo na ngayon na pangalawang buhay ko na'to.

Dumiretso kami sa kitchen at umupo ako habang kinukuha ni Avi yung sandwich at juice.

"Sorry, masyado atang tahimik dito sa bahay. Wala naman na kasi si Kuya e. Wala pa din sina mommy. Sina Manang lang kasama ko pero busy sila, ayun,  kaya ganto." Biglang naging seryoso yung mukha ni Avi.

Parang nakaramdam ako ng awa. Parang ang lungkot lungkot ni Avi nung sinabi niya yun. And then I realized, malungkot talaga mag-isa. I somehow felt that I want to be with her. To be there for her.

"Okay lang yan. Nandito na'ko oh." I don't know why I said that.

Medyo nagulat yung reaction niya na natatawa. "Weh. Talaga? Edi bestfriend na kita niyan? "

"Bestfriend? Hmm. I'll think about it."

"Haha!Wow pag-iisipan?"

"Oo naman no, somehow you need to earn the person's trust."

"Bakit mukha ba akong hindi katiwa-tiwala? Wala ka bang tiwala sakin? " Nakangiti siya habang sinasabi niya yun.

Nilapit ko yung mukha ko sa kanya, " Sa akin ba, may tiwala ka na?" I saw her blush kasi medyo nagulat siya sa ginawa ko. Ngumiti ako tapos umupo na uli ako nang maayos.

My Big TeddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon