Chapter Twenty Four - Awkward

73 4 4
                                    



"Gravitation is not to blame for people falling in love."

-Albert Einstein


Chapter 24

RAVEN'S POV

"Halika silong tayo dun Avi!

Nakakita si kuya ng isang maliit na kweba malapit sa pinagpahingahan namin. Grabe sobrang lakas nung ulan, basang basa na kaagad kami. Tumakbo kami ni kuya papasok sa kweba and thank God mukha namang safe dito sa loob.


"Okay ka lang ba? Naku basang basa ka.." Nag-aalalang tanong ni kuya.


"Nako kuya, okay lang. Ikaw nga o, sobrang basa mo. Magpunas ka, eto o." 


Binigyan ko sya ng towel. Kinuha ko yung phone ko sa loob ng bag, buti nalang hindi nabasa, yun nga lang walang signal. Waahh. Pano na to. Mukhang gagabihin kami dito. Wala pa atang balak tumigil tong ulan.


"Wala akong signal Avi." Hawak di ni kuya yung phone nya. Nagtry ata siya tumawag kina mommy. 


"Wala din ako, kuya. Hayaan mo na muna. Upo ka muna dito."


Naglatag ako ng comforter sa isang parte ng batuhan dito sa loob. Mukhang eto yata yung labasan nung kweba dun sa kabilang part ng bundok. Buti nalang talaga.


"Nagugutom ka na ba Avi?" tanong ni kuya.


"Hindi pa kuya, maya-maya na. Ikaw ba?


Ang lakas parin nung ulan sa labas. Sumisipol pa ata yung hangin. Nilalamig na ako.


"Hindi pa rin naman. Nakapagtuyo ka na ba? Baka magkasakit ka nyan." Lumapit si kuya sa akin at hinawakan nya yung ulo ko. " Basang basa o." Pinunasan nya ng towel yung ulo ko. Napayuko nalang ako. Heartbeat bakit ang bilis mo na naman! Namumula na ata ako. Sana hindi ako mapansin ni kuya.


Kinuha ni kuya yung maliit nyang blanket sa bag at ibinalot nya sa akin. "O ayan, para di ka lamigin." Umupo sya sa tabi ko. Ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko. 


"Thank you kuya." Yun lang yung nasabi ko. Biglang tumunog yung phone na nilapag ni kuya sa may malaking bato katabi namin. Nagulat ako kasi sabay kaming gumalaw ni kuya para kunin yung phone. Sabay kaming nakakapit sa phone. Pero technically, hawak ni kuya yung kamay ko. >___<

#awkward #anobayan #omgheartbeat

Nagkatinginan kami saglit ni kuya. Napailing nalang ako at napangiti. And since I was the one holding the phone, tiningnan ko kung sino yung nagtext. Si Mommy.


From Mommy:

Please let us know ano oras kayo uuwi. Medyo masama ang panahon. Please be safe anak.


"Kuya, si mommy. Tinatanong kung ano oras tayo makakauwi."


My Big TeddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon