Chapter 15:
Cass' P.O.V.
"Paabot nga nung sibuyas"- kyle.
"This."-akeisha.
"Hiwain mo na rin pala"- kyle habang busy sa paghahalo ng kung ano.
Sinimulan namang balatan ni Ms. Bitch yung sibuyas pero parang ngayon lang ata siya nakahawak nun.. Or nag-iinarte lang siya? Bwahaha.
"Hindi ganyan yan. Panuorin mo muna ako"- tapos dinemonstrate naman ni kyle ang dapat gawin.
"I can do it!!"-tapos kinuha na ni Ms. Bitch.
Btw, ngayon na nga pala kami magluluto para sa activity namin. So here we are, luto here, luto there, pagod everywhere.
Pagtingin ko ulit kanila kyle at akeisha na nasa bandang kaliwa lang namin ni castell. Di ko alam pero,
sana hindi na lang ako tumingin.
Sakto kasing pagharap ko sakanila, ang lapit ng mukha nila sa isa't isa at nakapikit pa si Ms. Bitch. Habang hawak pa ni Kyle yung kamay ni akeisha.. Anong nangyare??? Shems..
Why do i have this feeling?? I feel that my eyes is going to release some liquid.. Sumisikip din ang dibdib ko.
"are you okay??"-castell.
"A-ah y-yes.. OUCH!!"
***
Kyle's P.O.V.
"I can do it."-sabi ni akeisha habang dinidemonstrate ko sakanya kung paano ang maayos na paghiwa nung sibuyas.
Edi ayon, binigay ko na. Pero maya-maya lang..
"Ouch! My eyes!"- inis na bulong niya. Pagtingin ko sakanya.. Kinukuskos niya yung mata niya gamit yung kamay niya kaya nilapitan ko siya at inalis ang kamay niya sa kanyang mata. At hinipan ko yung mata niya.
Di pa niya agad binuksan yung mata niya pagkatapos ko iyong ihipan at hawak ko pa rin ang kamay niya at anlapit ko pa rin sakanya.
''I'm okay''-sabi na ni akeisha after a minute..? Atsaka nagdilat na rin ng mata.
Ayun binitawan ko na ung kamay niya at lumayo na ako sakanya at ipagpapatuloy na sana ang ginagawa ko nang...
"...OUCH!!"-si KC yun ah.? Dumudugo yung daliri niya! So i think nahiwa niya ito ng di sinasadya.. Lalapitan ko na sana siya pero.. Too bad!!.. Hinila na siya ni castell papunta sa sink at hinugasan ito.
Napatingin naman ako kay KC, medyo namumula yung mata niya.. Umiyak ba siya?? Hmm. Baka napaluha lang dahil sa sugat niya.
Nilagyan din ni castell ng band aid yung daliri ni KC. Tapos bigla ko nalang nakitang ngumiti ng abot tenga si KC kay castell.. Iba yung ngiti niyang yun ah!
Sh*t! Bigla ko nalang naisip.. Nakakangiti rin ba siya ng ganun kalawak pag ako ang kasama niya?
(Bad angel: di siya ngumingiti ng ganyan pag kasama ka!! Infact inis na inis nga siya sayo eh.. Siguro gusto niya si castell *smirk*)
(Good angel: hindi kaya!! Mas maganda pa nga ang ngiti niya pag ikaw ang kasama niya eh)
ano ba talaga?? Kailangan ko na bang isuko si KC para sa mas ikasasaya niya?? Para kay castell? No! Hindi!! Mahal ko si KC! Mahal ko siya! Mahal ko---
"ARVIN!! YUNG NILULUTO MO!! TUTUNGANGA KA NA LANG BA DYAN? FOREVER????"-natauhan nalang ako sa sigaw ni akeisha at nakita ko na lang siyang nagmamadaling lumapit sa niluluto ko at siya na ang nagpatuloy nito.
Lumapit na ako sa kung nasan si Akeisha at tinulungan siya. basta ang nasa isip ko ngayon... mahal ko si KC at di ko siya pakakawalan anuman ang mangyari.
sorry guys for the late UD!! dahil diyan 2 chapters will be added.
BINABASA MO ANG
Started With A Picture
Teen Fiction"gusto ko sa isang lalaki ung mabait, gwapo........" "hay nako Cass wag kang magsabi ng ganyan baka kabaligtaran niyan ang makatuluyan mo!"