CHAPTER SIX.

1.1K 17 2
  • Dedicated kay suzannemariette
                                    

CHAPTER 6.

WHAT A DISGRACE?! Akala ko pa naman matatahimik na ang buhay ko. Akala ko talaga kapag pumasok na ako sa room at nagsimula na ang klase wala nang Nepumoceno. Pero ano ito? Bakit nasa loob siya ng kwartong ito? Bakit? BAKIT DIGITAL ARTS ANG COURSE NIYA? Nangiinis ba siya? Paano nalang ako makakapagconcentrate sa mga plates ko? Paano ko mapapaganda ang drawing ko kung napakapangit na mukha ang nakikita ko? Mukha siyang gorilla! Mukha siyang monster! Mukha siyang killer! Mukhang di mapagkakatiwalaan. Ang panget niya. Nakakaalibadbad! Kung may damit lang talaga ko na dala hinding-hindi ko pagtatyagaan ang pesteng damit na to! Mukha akong suman. Ready to eat na ako. Isang semester ko ding pagtatyagaan ang mukhang to.

Nakakagigil!! Subukan niya lang ipaalam sa lahat na kakilala ko siya. Ikamamatay niya.

"Pwede bang makiupo?" Napahinto ako sa pagkalkal ng gamit sa aking bag at tinignan kung sino ang impaktong nagsalita.

"Edi maupo ka." Isang babaeng mukhang walang gagawing matino sa akin. Mukhang lalandiin lang ako nito eh.

"Im Reena." Hindi ko siya tinignan at patuloy pa rin sa pagkalkal ng bag ko. Asan na ba kasi yung chocolate ko? Bigla nalang nawala dito. Alam ko dito ko lang inilagay yun eh.

"And you are?" Di ko pa rin siya tinitigan at patuloy ko pa ring hinahanap ang chocolate ko.

"I dont mind other people's business. So please.. dont disturb me. Ayoko ng maingay. Ayoko ng kausap. Kung tatabi ka sa akin please zip your rotten mouth. The smell is unusual. Tumatambay ang amoy eh." Masungit na kung masungit pero thats how I treat people. Sa umaga isa akong bipolar na tao at sa gabi isa akong capital Pervert.

"Sunget." Pagbulong niya. Napansin kong parang ang awkward ng pakiramdam ko sa taong to. Gusto ko siyang sunugin ng buhay! Nang nakita ko na ang chocolate ko. Naisipan kong lumipat ng upuan. Kaso wala nang bakanteng upuan. Tanging ang upuan nalang na natitira ay yung nasa likod ni Nepumoceno. Wala akong choice. Pagtatyagaan ko nalang yung likod niya. Kesa naman dun sa malanding Reena. Naglakad ako while eating may chocolates kaya lahat silay nakatingin sa akin. Ako lang ang nakaP.E uniform habang sila nakasuot na ng proper uniform ng school.

"Hoy! Nepumoceno." Pagkaupong-pagkaupo ko. Lumapit ako agad sa likod niya at binulungan siya. Nagulat siya nung narinig ang boses ko. Lalo na nung nakita ang mukha ko. Akala mo naman nakakita ng unggoy.

"B-bakit?" Tumalikod siya ulit at pabulong na nagsalita.

"Your first task is to protect me." Protect me from bitches.

"H-ha?" Binge ka ba? O sadyang hangin lang talaga ang laman ng utak mo!

"Ayoko ng may kumakausap sa akin. Ayoko ng may nagpapakilala at nanghihingi ng pangalan ko. Ang gawin mo, tabuyin sila. Understand?" Napalingon siya sa akin ng may pagtataka at nakakunot ang noo.

"Ano? B-bakit?" Pakielamera!

"Refrain from talking. Just do your job kung ayaw mong malaman ng magulang mo yung utang mo." Namutla siya bigla. Para bang takot na takot. Dapat lang. Alam ko address ng bahay nila pati na rin ang contact number ng nanay niya.

"O-oo. G-gawain ko." Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng chocolate.

Sa oras ng klase, napansin kong tingin ng tingin ang mga tao sa akin. Parang mga inosenteng ngayon lang nakakita ng tao. Nakakayamot!

Etong si Nepumoceno naman seryoso ang mukha. Ang likot-likot. Di ko maintindihan ang trip ng babaeng ito. Nung tumagilid siya may naalala ako bigla. Siya yung babaeng nakaapak sa akin sa bar. Kaya pala pamilyar ang impaktang pagmumukhang yan. Sa simula palang puros kawalangyaan na ang naihatid ng babaeng yan. Pero anung ginagawa niya sa bar? Bakit nandun siya?

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon