CHAPTER EIGHT.

878 12 0
                                        

Chapter 8.

WHAAAAATTTT????? That can't be. I used to do this things alone. Bakit ganito? Pairing system. The heck!!! Pssshhh!! Stressful. Aww!

Tumayo ako sa upuan at naglakad papunta sa harapan ni Nepomuceno. "Hoy, Nepomuceno. Ako partner mo hah." Napatigil siya sa pakikipag-usap sa katabi niya at nagtatakang tumingin sa akin habang nakatayo. Nararamdaman kong nakatingin ang lahat sa akin. Ang upuan kasi ni Nepomuceno ay nasa unang row.

"Mr. Cancillar, will you please sit. Im not finished discussing the--" Whatever... Bumalik ako sa upuan ko at kumain ulit ng chocolates. Hell profs.. Damn it. Competitions: By two's? Haha.. Bwwisit! Kung di lang dahil sa grades hindi na ako sasali sa competition na yan. Ang baba naman ng prize. Five Thou.? Huh? Minimum of twenty pages for each chapter!! Hell.. Tapos two months lang ang working hours.

"Cancillar, will you please stop eating and listen to me." Ehh!? Badtrip.. Kelan pa pinagbawal ang pagkain kapag nagdidiscuss ang teacher?

Tumayo ako nang may bwisit na bwisit na expression. Instead na ako ang pagalitan niya, inunahan ko siyang tanungin at hanapan ng butas. "Prof, anong makukuhang incentives ng estudyante dito kapag sumali sila?" I hate him. Simula pa lang.. Purkit na late ako nang dating sa klase niya ako na ang pinagtitripan niya? Tama ba yun? Lagi na lang mababa grades ko sa plate namin simula nung nalate ako. Hmp. Namemersonal na siya ah.

"Kapag nanalo ang comics na pinasa ninyo ng pair mo ... Exempted na kayo sa baby thesis." Hsss!! Baby Thesis?! Kailangan ba yun? Sino ba ang pasimuno ng thesis na yan at mapatay ko nga..

"Eh paano kung hinde? No incentives? Mr. Lagdao, you are pushing students to join the competition and yet you are trifty in giving grades. Alam mo bang labag sa batas ang ginagawa mo? Hayy.." Napatitig ng masama sa akin ang panget na prof. Napansin ko naman na ginanahan makinig sa usapan namin ang ibang estudyante. Nanahimik ang kaninang mga dagdadaldalan at nabuhayan ng dugo ang mga inaantok. Ang iba naman ay napapailing at napapabulong ng, "Ang sungit niya talaga." Eh kasi naman sinumulan niya ako.

"Alam ba ng Dean ito?" Hindi siya makasagot. Nakatingin lang ako ng diretso sakanya. Alam kong Ten Thousand ang prize at kanya ang half kung saka-sakaling mananalo ang estudyante niya. Haha. Dickhead!! Kala naman niya makukuha yung pera.

"Fine! I will give incentives.. to each and everyone of you. You happy now??" Ganyan!! Dapat. Matuto kang magbigay. Selfish.. Kala mo ah.. Takot ka lang mademanda eh. Paano, nademanda na kasi dati.

"Mr. Lagdao, promise is a promise." Pinakita ko sakanya ang phone ko na may record ng mga sinabi niya kaya nagulat siya at mas lalong nainis. Nagngitian naman ang mga estudyante. Si Nepomuceno naman pansin kong di nakikinig kanina pa at patuloy lang sa paggawa ng plates.

"Please sit. Will you?" Naupo ako at ipinagpatuloy ko ulit ang naudlot na pagkain ko ng chocolates. Don't try me Mr. Lagdao. Alam kong bago ka palang na teacher dito. Wag mo kong itulad sa tatay kong mabait. Lahat ng prof. dito alam na anak ako ni Dr. Reanne at Dwain Cancilllar. Pamilya ko ang dahilan kaya matatag pa rin ang paaralan na to.

Tinititigan ko ang bawat galaw ng professor kaya di siya mapakali. Alam niyang kaya ko siyang mapaalis dito sa university kung gugustuhin ko. Marami ng fouls ang gurong yan. Malibog na prof. Aish!! Di ibagay sa edad ang ugali. Naturingang teacher, may asawa't anak na ehh.

Anyway's .. if he's giving a convincing incentives sasali ako. Tutal madali lang naman ang concepts. Ang theme ay Adult comics. Which means more on reality and sex ang mapupuntahan nito. Last year, ang nakakuha ng premyo ay si Socrates Honrades. Stripper ang pamagat ng comics niya. He is actually very good in this field. Kaya ang goal ko ay matumbasan ang Second Year na yun.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon