CHAPTER FORTY-FIVE.

657 4 0
                                    

CHAPTER 45.

NAGING MATATAG ako gaya ng pinangako ko sa aking anak na si Era. Mahirap man magadjust sa buhay may anak pero kinakaya ko. Sa umaga, papaliguan ko ang bata at aayusan bago ko ito ibigay sakanyang yaya dahil ako ay papasok na sa eskwelahan.

  Doon, makikita ko ang malungkot na mukha ni Nepumoceno pero hindi ko siya pinapansin. Ilang beses na rin niya ako tinangkang kausapin pero hindi ako nagsasalita. Nilalayasan ko lang siya.

Paguwi galing eskwelahan ay sinasalubong ko ang bata ng yakap. Gaya ng isang tunay na ama. Lagi ko isinasaisip na galing siya sa dugo't laman ko. Anak ko siya at ako lang ang tangi niyang magulang wala nang iba.

Ilang beses na ko na ring nasupalpal si Magic pero ayaw niyang tumigil hanggang sa dumating na sa aming bahay ang kanyang magulang. Gaya ng pinangako ko kay Mama. Ako ang kumausap sa magulang ni Magic. Pinaliwanag ko ang lahat. Maging ang aking balak.

"Sir," Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang magsalita.

"Hindi naman po sa tumututol ako sa kasal. Pero papayag po ba kayo na ang mapangasawa ng anak ninyo ay may anak na? Hindi po ba napakalaking iskandalo iyon? Nakakahiya lalo na sa parte ninyo." Oo. Nagsinungaling ako. Ibinaba ko na rin ang pride ko para lang hindi ko mapangasawa ang anak nila. I hate them. Purkit may mga pera sila, makakaya na nilang takutin ang aming pamilya. Damn! Wala na silang mapaglagyan ng pera kaya ba kung anu-ano na ang kanilang pinaggagagawa.

Umalis ang si Magic ng nakatungo kasama ang kanyang pamilya. Ang ama niyang hindi ko maintindihan kung nalulungkot o naaawa nang makita niya ang anak kong si Era. Nakakatuwa at gumana ang plano ko. Gaya ng inaasahan. Sa akin pumabor ang tadhana. Pero hindi na dito nagtatapos ang pagiging anak at ama ko. Nagpapatuloy pa lang at wala pa sa kalahati.

Pumasok ang Second semester. Isang semester nalang at tutungtong na ako sa third year college. Lumipat ako ng paaralan para hindi na makita pa si Lightning. Asha, is pregnant. eight months at tama nga ang hula ko. Si Socrates ang ama. Ang lalaking kahit patay na, nagagawa pa rin akong sirain.

Hanggang ngayon, naiingit pa rin ako sakanya. Nakakainis at siya pa ang minahal ni Lightning. Bakit hindi ako? Bakit siya?

But then, Love is complicated. I have to accept the fact that it is normal. Shit love. Damn life. I hate to say it but I love Nepumoceno, hanggang ngayon. Nagpapakabusy na nga lang ako para malipat ang atensyon ko eh. Sa anak ko, sa paperworks, sa school, sa bahay.. pati nga business ay pinakielaman ko na hanggang sa maover fatigue ako at isugod sa ospital.

"Thun.." Pagkamulat ko ng aking mata, mukha agad ni Nepumoceno ang bumungad sa akin. Malungkot ito at alalang-alala kaya minabuti kong ilipat sa iba ang aking tingin.

"Nasaan ang anak ko, Ma?" Bulong ko habang nakatitig kay Mama. Malungkot ang mukha ni Mama. Halatadong wala siyang tulog dahil sa malalim niyang eyebugs. Ilang araw na ba ako dito? Dalawa? tatlo? At bakit nandito si Nepumoceno? Bakit pinayagan ninyo siyang humarap sa akin? Ayoko siyang makita!

"Nasa kapatid mo. Papunta pa lang sila dito sa ospital." Tumango nalang ako at pumikit ulit dahil ayoko ng makita pa ang mukha ni Nepumoceno.

"Leave me alone. please . . . I want to rest." Bulong ko. Narinig ko naman ang buntong hininga ni Mama kaya nagtalukbong na ako ng kumot para tuluyan na silang lumayas.

"Thun, please. . . talk to me." Nabwisit ako nang biglang magsalita si Nepumoceno. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at humarap sakanya.

"Get out." Mahinahong kong utos. I dont want her here, by my side. Nasasaktan lang ako kapag nakikita ko siya.

"Please. . ." Nakikita ko ang naluluha niyang mata. Si Mama naman ay lumabas na ng kwarto. Alam kong siya ang nagpapunta dito kay Lightning. Nararamdaman ko.

"Now!" Sigaw ko. Pero imbis na umalis siya ay niyakap niya pa ako.

"Thun, please. Kausapin mo naman ako ng maayos. Gusto kong makita si Reign. Thun-thun." Pilit ko siyang inuusog pero mahigpit ang kanyang pagkakayakap sa aking katawang nanghihina. Muli na namang nanlambot ang katawan ko at umagos na naman ang aking luha.

"Hindi Reign ang pangalan niya. Era! Walang Thun-thun dito. Thunder lang." Bulong ko habang nakapikit.

"Thun, aalis lang ako dito kapag sinabi mong hindi mo na ako mahal." Natigilan ako sakanyang sinabi. Tinignan ko siya diretso sakanyang mata. Kitang-kita ko kung paano siya magmakaawa.

"Nepumoceno, leave me alone." Umiling siya at bumitaw sa pagkakayakap. Unti-unti siyang lumuhod sa aking harapan kaya naman tumalikod ako para di' makita ang pinaggagagawa niyang kalokohan.

"Nepumoceno, masakit na. Kaya pwede ba. Umalis ka na. Nasasaktan pa rin ako. Mahal pa rin kita eh. Ayoko nang magpakatanga ulit. Lubayan mo muna ako Lightning. Hanggang sa tuluyan ng mawala ang nararamdaman ko para sayo." Kitang-kita ko kung paano bumagsak ang ulan sa labas. Gaya ng pagbagsak ng aking mga luha. Malakas ang ulan pero may liwanag na nagmumula sa langit. Umaaraw habang naulan. Magulo ang kalangitan, gaya ng nararamdaman ko para kay Nepumoceno. Hindi ko maintindihan.

"Lets just be friends." Bulong ko. Nang humarap ako sakanyang direksyon ay nakaupo na siya sa lapag habang iyak ng iyak. Alam ko masakit. Masakit din ito para sa akin. Sobra. Pero ito ang tama. Ang maghiwalay kami ng tuluyan.

Walang happily ever after. Walang love. Hindi nageexist ang mga bagay na may patungkol sa kasiyahan. Gaya ng laro ang buhay. May Game over. Puros pasakit at hapdi.

Gamitin mo man ang Retry, ganun pa rin ang katapusan. Game Over. Malungkot pa rin. Kaya mas magandang makuntento sa mga bagay na mayroon ka. Huwag nang umasa pa na may darating sayo. Sa huli, kawawa ka lang kung hindi mo ito matatanggap.

"Wala na akong magagawa kung yan ang desisyon mo. Tama ka nga siguro. Hayaan nalang nating mawala ang nararamdaman natin para sa isat-isa. Palipasin nalang natin. In the end, kung tayo naman talaga, magkakatuluyan pa rin tayo hindi ba?" Lumamig ang loob ng silid habang nagsasalita si Nepumoceno. Gusto ko ng magpakamatay ngayon. Magbigti para tuluyan nang mawala ang sakit sa aking dibdib. Sana matunaw nalang ako sa kinauupuan ko. Sana mamatay na lang ako kaysa masaktan ng ganito.

Nakatungo lang ako, pero nararamdaman ko ang yapak ng paa niya palabas ng kwarto. Ang pagsara ng pinto ang tuluyang nagpalambot sa aking katawan.

Wala nang mapaglagyan ang hapdi ng aking mata. Patuloy pa rin ito sa pagagos. Sa sobrang inis ko sa aking sarili ay naibato ko ang mga unan sa pinto. Gusto ko nang magwala. Kumawala sa hawlang puros pasakit. Kung maibabalik lang lahat, babaguhin ko ang aking tadhana.

-END OF CHAPTER FORTY-FIVE.-

  ENDING NA!

WOOH!!

Mangilan-ngilang chapters nalang yata at goodbye Thunder at Lightning na.

Parang gusto ko nang malungkot na Ending hah.

-HALO.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon