CHAPTER TWENTY-SEVEN

671 10 0
                                    

CHAPTER 27.

KAKAIBA SI NEPUMOCENO ngayong araw. Para bang may sapi siya o kaya naman ay naipit niya ang kanyang utak sa pagtulog kaya ang tahi-tahimik niya. Bangag, walang kibo, hindi manlang ako pinapansin at di manlang ako pinagalitan. Nasapian kaya siya? O baka kinulam? Sino naman ang kukulam sa panget na yan?! Parang wala!

"May sakit ka ba?" Mahinahong tanong ko sakanya habang may laman ang aking bibig. Umiling lang siya bilang sagot sa akin. Wala pa rin siyang reaksyon. Pangit ba ang lasa ng aking niluto kaya ganyan siya? Hindi naman ah! Alam ko naman ang masarap, sa hindi. Kaya imposibleng pangit ang lasa ng Alfredo ko. Hmp! Nakarating naman ako ng elementary, kaya alam ko ang bitter, sour at sweet!

"Anong masasabi mo sa niluto ko?" Tinitigan ko siya at hinintay ang kanyang kasagutan.

"Ayos lang." Yun lang? Wala na? Wala manlang compliment? Ano ba naman yan! Hindi manlang niya pinataas ang aking self esteem. Nakakawalanggana naman to. Sa lahat ng palalamunin heto ang nakakaurat. Hindi naappreciate? Tsk! Kidlatan ka sana ngayon. Baka sakaling bumalik ka sa dati.

"Sa susunod, wag ka nang magluluto. Ang mga ginamit mong sahog, ginagamit ko lang yan kapag may okasyon." Napahinto ako sa pagnguya. What! Ano? Parang yun lang?

"Hindi naman yata patas yun? Tyaka paano nalang kung walang okasyon? Eh di naabutan ka na ng expiration date?" Haish! Nepumoceno, your freaking me out. Bakit ganyan ka?!

"I dont care. Aalis ako ngayon ah. At ikaw. wala kang gagawin dito sa bahay. Tutunganga ka lang." Damn Nepumoceno! Curse you. Hindi ko hobby ang pagtunganga gaya ng iba. Ang boring. I still have my rights kaya I can do what I want. Bahala ka!

"Where are you going?" Napahinto siya at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Its none of your business." Tinaasan niya pa ako ng kilay habang may panglalait na namumuo sakanyang mukha.

"Fine. Kapag may ginawa, o kaya lumabas ako sa bahay na ito.. wag ka ring magtatanong huh. Cause its none of your priorities." The heck with her. Masyadong maldita. Kala mo naman maganda. Nagmamaganda! Menopause baby yata siya eh.

"Psh! Pupunta ako kay Socrates okay!" Eh? Nagtatanong at sumasagot naman ako ng maayos ah? Bakit galit ka?

"Eh bakit galit ka? Akala ko ba break na kayo? Mga tao nga naman. Love? The hell!" Haha! Nakakatawa sila. Masyadong nagpapabulag sa pagmamahal na yan. Katangahan!

Hindi na niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Parang wala nga siyang kasama dito sa bahay eh. Masyado siyang tahimik. Nakakapanibago tuloy. Simula nang matapos kaming kumain hanggang sa magalas-dyis ng umaga ay hindi ko narinig ang panget niyang boses. Ang pakiramdam ko tuloy ay kakaiba. Parang heaven! Ang tahimik, taimtim at seryoso ang paligid.

"Problema mo?" Out of the blue na tanong ko na ikinabigla naman niya.

"Wala. Tyaka bakit ko naman sayo sasabihin? Pagtatawanan mo lang ako. Kung anu-ano lang lait ang sasabihin mo sa akin." Haha! Parang alam ko na yan.

"Eh kung wala namang nakakatawa, bakit ako tatawa? Alam mo kasi... kung Love life ang problema mo-" Bigla niyang tinakpan ang aking bibig kaya di ko na nagawa pang magpatuloy. Papayuhan ko lang naman siya. Masama ba yun? Love life? Mas masaya naman kasing maging single. Aanhin mo ang Love kung malungkot naman ang magiging buhay mo kasama ang inakala mong magpapasaya sayo?

"Alam ko na yang sasabihin mo. Tyaka pwede ba! Kanya-kanya tayo ng problema okay? Mind your own problem. Nakakaasiwa ka!" Ako pa huh! Ikaw nga tong walang kwenta kausap. Utak munggo! Nakakaurat. Kala mo naman ang gwapo ng syota. Mukha namang penguin. Buti pa nga ang penguin cute eh. Yung syota mo nakakapandilim ng paningin eh.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon