CHAPTER 43.
SIMULA KANINANG UMAGA, hindi ko na makausap ng maayos si Nepumoceno. Kapag Oo ang sagot niya ay tumatango lang. Kapag naman ayaw niya ay umiiling. Nahihirapan na akong kausapin siya. Hindi ko na alam kung paano ko siya sasabihan. Wala na siyang ginawa kundi umiyak.
Ang sabi ko nga ay magimpake na dahil naghanda si Mama ng masarap na dinner para sa amin pero hindi pa din siya gumagalaw.
"Light.." Lumuhod ako sa harapan niya para magkatama ang aming mukha. Nakaupo siya sa sofa at nakatulala. Nang magkatama ang aming mga mata ay nagulat siya. Para bang nakakita siya ng multo.
"Thunder?" Gulat na gulat niyang sabi. Yumakap naman ako at pinadama sakanyang di' siya nagiisa. Hindi ko siya iiwan. Hindi ako mamamatay.
"Light, please stop crying. Nahihirapan na akong makita kang umiiyak. Hindi ka pa ba napapagod?" Itinulak niya ang aking katawan palayo sakanya. Napaupo ako sa lapag at kitang-kita ko ang pagkainis sakanyang mukha.
"Pakiulit? Nahihirapan kang makita akong ganito? Damn you Thunder. Ano ba kita? Bakit nakikielam ka sa buhay ko? Nakikitira ka lang ah." Nagulat ako sakanyang sinabi. Parang pinukpok ng martilyo ang utak ko at di' makapaniwalang nasabi niya ang mga salitang iyon sa akin.
"Light.." Pangalan nalang niya ang aking nasabi. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin sa mga oras na ito. Natatakot na akong tumingin sakanyang nagaapoy na mata.
"Hindi ka welcome sa buhay ko Thunder Cancillar. Isa kang siraulong nilalang. Pero bakit mas pinagpalit kita kaysa kay Socrates?! Damn you! Kasalanan ng nararamdaman ko para sayo kung bakit namatay si Socrates. Kung mahal ko pa sana siya. . ." Napatayo ako sa aking mga narinig. Parang hindi na makatao ang ginagawa niyang pagsisi sa aking. Masakit na.. Masakit sa tenga at dibdib.
"Ako pa ngayon ang sinisisi mo? Hah Nepumoceno! Pinilit ba kitang magustuhan ako? Sinabi ko bang mahalin mo ako? Hindi naman di'ba?! Wala akong sinabi. Dahil kinimkim ko lahat. Kahit na gusto kong sabihing nahuhulog na ako sayo, di ko magawa. Dahil alam kong si Socrates ang pipiliin mo." Yan nasabi ko na! Ang saloobin ng aking dibdib. Ang mga salitang gusto kong ipaalam sakanya ay nailabas ko na.
"Wag mo akong lokohin. Katawan ko lang ang gusto mo." Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Pakiramdam ko ay sinisilaban ang aking katawan. Binubuhusan ng grabang nagaapoy. Hayop! Ako pa ang napasama.
"Do you really think that I like your body? 'King-ina Nepumoceno. Ang sakit ah. Ang baba ng tingin mo sa akin. Damn it!" All this time, ang akala ko may tiwala ka sa akin. Ang akala ko ine-entertain mo ako para makamoved on. Hindi pala. Gusto mo lang palang tiyakin kung anong pakay ko sayo. Pero nagkakamali ka Nepumoceno. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang pinagtyagaan ko. Akala ko . . .
Akala ko kasi may tiwala ka sa akin. Wala pala.
"Oo! Ang baba. At mas lalong bumaba nang nakilala pa kita lalo. Your pervert, ungentlement, jerk, and an idiot. Hindi mo nga alam ang Love eh. Wala ka kasing hypothalamus." Nanlambot ang aking buong katawan. Parang pinapana ang aking dibdib. Sobrang sakit! Sobrang sikip!
Ang mga paa ko ang nagdala sa aking katawan papunta sa kusina. Napaupo ako sa silya at napahawak sa aking mukha. Bigla nalang tumulo ang luha sa aking mga mata sa di ko maipaliwanag na dahilan. Naghahalong galit at hapdi ang aking nararamdaman.
Habang nanlalambot ang aking katawan... Nagbabalik na naman ang memorya ko sa nakaraan. Kung paano ako pinahiya at pinabayaan ni Magic. Kung paano niya ako sinaktan. Ang mas masakit, yung nagbukas na naman ako ng puso. Sa pagaakalang mamahalin ako ni Nepumoceno. Ang tanga-tanga ko! Ang bobo ko! Bakit hindi ako natuto? Nasaktan na ako nung una, nagpakatanga pa ulit ako.
BINABASA MO ANG
Blinded (One and Only You)
RomansaLove is somewhat lunatic, abnormal, bipolar, psycho, pervert, dense, gullible, moron, dummy, idiot and unexplainable. And I swear, Love defines me.