CHAPTER TWENTY-FIVE.

694 8 0
                                    

CHAPTER 25.

TINITIGAN KO SIYA NG MAY SERYOSONG EKSPRESYON. Pinapakiramdaman ko kung totoo ang kanyang sinabi o baka isang biro lamang. Nagagawa na akong lokohin ng gaga dahil sa pulubi kong kalagayan. Winawalangya na ako.

Heto ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang palayasin ako at pagmalditahan. "Oh, ano pang hinihintay mo?" Pagpapatuloy niya sakanyang sinabi.

"Hindi mo ba manlang ako pakakainin, o kung anong pagtulong?" Seryosong tanong ko sakanya. Tsk! Sa totoo lang, gutom na gutom na ako.

"At bakit ko naman gagawin yun? Aba hah! Pagkakataon ko naman kaya para gumanti sayo." Sabi na eh. Yun ang pakay niya. Kaya paniguradong impyerno ang sasapitin ko sa impaktang to.

"Labas." Utos niya at nagawa pang ituro ang pinto. Gawin ba kong tanga? Malamang alam ko kung saan ako lalabas. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo sa aking kinauupuan. Sige na. Lalabas na ako.

Sa bawat hakbang palabas ay parang nalulungkot ako. Ganito ko ba siya tinrato noon kaya ganoon nalang niya ako gaguhin ngayon? Siguro nga masama ang ugali ko sakanya. Nagmaldito nga siguro ako. Pero bakit naman ganito? Konting tulong lang naman ang kailangan ko diba? Mababayaran ko naman eh. Tirahan lang ang kailangan ko. Pero bakit ganito? Gagawin niya akong aso?

Anong klaseng aso? Askal? Na kakawawain, pagtitripan, tatawanan? o baka naman gagawin niya akong punching bag? Tao ako. May karapatan.

Ay mali! Dati pala yun. Oo nga pala. Wala na akong karapatan ngayon dahil pulubi na ako. Hindi na ako pwedeng maginarte kasi isa na akong gagong walang kwenta. Wala na akong pera. At sa mundong ito kapag wala kang pera, wala kang kwenta.

Isang hakbang nalang at mararating ko na ang pinto pero huminto ako. Huminga ng malalim at umikot paharap kay Nepumoceno. Nananatiling nakaupo at nakatitig sa aking direksyon. Parang isang kontrabida sa teleserye. Nakaupo sa bench ng nakapamewang habang suot ang puting plain shirt na hanggang binti at puting short na hindi naman kaiklian.

"Sige. Pumapayag na akong maging alaga mo." Mahinang sagot ko. Pero mukha namang narinig niya dahil napataas ang kanyang kilay kasabay ng pagtayo niya. "Seryoso ka?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Oo. Wala na akong choice eh." Lumawak naman ang kanyang ngiti. "Oh, welcome home." Kinurot-kurot niya ang aking pisngi. Mangiyak-ngiyak naman ako sa sakit dahil sa kumikirot pa rin ang sugat ko.

"Papakainin mo na ba ako?" Lumayo siya ng kaunti at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Maligo ka muna." Utos niya. Napatingin naman ako sa aking paa na puros putik at parang isang taong grasa.

Sa pagtaas ko ng aking ulo ay napansin ko na si Nepumoceno ay kumukuha na ng twalya. "Oh sayo na yan." Inabot niya sa akin ang twalyang ginamit ko dati. "Simula nung ginamit mo yan, hindi ko na pinakielaman yan." Napangiti naman ako. May pagkamaarte din ang punyetang to eh nuh. Magkanda subukan nga tayo.

"Ahh..ano.. Nepumoceno?" Tatalikod na sana siya kaso ay napigilan ko. "Wag mo na akong tatawagin sa apelyido ko ah! Kundi papalayasin kita dito. Ano pang kailangan mo?" Nagcross arms siya at diretsong nakatingin sa akin. "Hindi ba pet mo ko?" Nagtaas na naman siya ng kilay. Paborito niyang gawin yan. Kala mo naman bagay sakanya.

"Oh?"

"Diba ang pet pinapaliguan ng amo?" At oo. Magpapaligo ako. Syempre! Hindi naman pupwedeng magpapalamang ako diba? Dapat marunong ding gumawa ng tactics para mabwisit din siya.

"SIRAULO! Maligo ka magisa mo." Bwisit na bwisit na sagot niya at naglakad na papuntang kusina. Eh? Edi hindi ako maliligo. Bahala ka diyan. Kukunsensyahin kita.

Naupo naman ako sa sofa at isinabit sa balikat ko ang twalya. Pinapanuod ko lang siya habang nakatalikod sa akin. May pinagkakabusyhan ang gaga. Sa pagharap niya sa akin ay nashock siya at nagmadaling lumapit sa akin.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon