CHAPTER TWENTY-EIGHT.

623 7 0
                                    

CHAPTER 28.

NANATILING NAKATAYO ang babae sa aking harapan. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon na kanyang pinapakita. Natutuwa ba siya ngayong nakikita ako? O baka naman nandoon pa rin sakanyang dibdib ang galit sa akin. Naging maayos kaya siya matapos ang huling ingkwentro?

Tinitigan ko ang kanyang maamong mukha. Tumayo ako at saka nagsalita. "Sky, im sorry."

"For what?" Simpleng sagot niya. Alam kong naiintindihan niya kung para saan ang aking sorry. Marahil, inaalam niya lang kung tama ang kanyang nasa saisip.

"Kasalanan ko naman ang lahat. Kung hindi ko siguro sinimulan... hindi siguro tayo nahuli ni Mama." Napalitan ng misteryosang ngiti. Ang mga ngiting yan ang gustong-gusto ko kay Sky.

"Ahh- Thunder. Just a petty problem. Past is past. Lets move on and face the reality of today." Yes! She's right. A sin from the past. Mananatiling kasalanan ang nakaraan kung hindi namin ito kakalimutan. Tama lang na bumuo ulit.

"Right. Pwede naman tayong magsimula ulit." Nginitian ko siya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang magkabila kong pisngi at ngumiti rin.

"Why? Bakit tayo bubuo at magsisimula ulit kung pwede naman tayong magpatuloy?" Really?

"Thun-thun, na-" Sasagot na sana ako sa tanong ni Sky nang narinig ko ang boses ni Nepumoceno mula sa aking likuran. Nang humarap ako'y hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang sasabihin. Namuo ang gulat sakanyang mukha at parang nagalangan nang tumingin sa aking kasama.

"Ate Asha?" Unti-unting ibinaba ni Sky ang kanyang magkabilang kamay. Nginitian niya si Nepumoceno at kumaway.

"Baby bunso!" Hinawakan niya ang aking kamay at naglakad papalapit kay Nepumoceno.

Hell! Nalilito na ako. Anong nangyayari? Ate Asha? Baby bunso? Magkaano-ano sila? Anung koneksyon nila?

Hindi kaya? - "Oo meron. Galing Japan. Ganun yung mga tawag nila sa aso. Regalo sakin ng stepsister ko.". - Muling nagbalik sa aking isipan ang sinabi kanina ni Nepumoceno. Stepsister? Si Sky ang stepsister ni Nepumoceno? Magkapatid sila sa ama o sa ina?

Tinignan ako ni Nepumoceno mula ulo hanggang sa aking kamay na hawak-hawak ni Sky.

"Thun-thun, pumasok ka na sa loob." Utos ni Nepumoceno. Pero humigpit ang hawak ni Sky sa aking kamay.

"Magkakilala pala kayo?" Nakangiting tanong ni Sky sa babaeng nasa aming harapan.

"Oo ate. He's my pet." What? Damn pet.

"Oh great. But he's my boyfriend bunso. You shouldn't be treating my boyfriend like a dog." Drag me to hell! The heck happening now? Ano to? Bakit ganyan ang inaasal ng dalawang to?

"He signed our cotract." Napalingon ako kay Sky ng bitawan niya ang aking kamay.

"I guess, its my boyfriends fault." What? My fault! Its Nepumoceno's idea! Heck! Ayoko na dito.

"Stop it. Stop! Hindi ko kayo maintindihan. Ako yung naiipit eh. Magkapatid ba kayo? Bakit-" Napahinto ako ng taasan ako ng kilay ni Nepumoceno.

"Get your butt inside Thun-thun! Eat!" Nagbago ang tono ng boses ni Nepumoceno. Parang nanggigigil na siya.

"Fine." Stressed na sagot ko. Ayoko rin namang madamay sa namumuo niyong problema. Jusmiyo! Mga babae nga naman kapag may di napagkasunduan nauuwi sa away.

"Thunder! Dont you dare move a muscle." What? Ano to Asha! Idadamay niyo talaga ako? Eh kung paguntugin ko kaya ang dalawang to? Para makatulog na at para matahimik na ang mga bunganga.

Blinded (One and Only You)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon