01 - Mister Unpopular

768 17 0
                                    



PAGPASOK ni Vince sa eskwelahan kinaumagahan ay nakita niyang tila may sinisilip sa di kalayuan sila Dante at Mark mga kaibigan niya. Ginulat nga niya ang mga ito. Sabay niyang hinila ang mga laylayan ng kanilang mga uniporme. "Hoy anong ginagawa nyo diyan? Saka bakit kayo nasa labas, wala paba si Ma'am Cruz?"

"Bro wala pa, ikaw bakit ka naman late?"

"Eh traffic eh, saka ano nga yung sinisilip nyo diyan?"

"Wala lang naman." Sagot ni Dante sabay nguso malapit sa Mapeh building. Tinignan niya kung ano ang iniisyoso ng dalawa at nakita niya ang mga nagkukumpulang mga babae. Akala mong mga higad ang mga to sa siksikan. Ang isa pa nga ay akala moy mahihimatay na sa kakasiksik ng katawan nito.

"May artista ba?" Tanong niya.

"Wala si Tommy lang yan."

"Tommy? sino yun?"

"Ay ewan ko sayo Vince kung tanga kang in-born o nag tatanga tangahan ka. Si Tommy yung most popular na lalaki sa school natin."

Napakamot siya ng ulo. "Wala naman kasi akong pakielam sa mga popular ek ek nayan eh."

"Palibhasa palagi ka kasing nag cu-cutting classes kaya wala kang alam sa school natin." Sita ni Mark.

"Hindi yan totoo. Saka kung nag cu-cutting classes man ako eh tatlo tayo. Huwag kayong feeling safe."

Nagpunta naman si Dante sa may harapan niya. "Alam nyo mga Bro kung ako lang ang nasa katayuan ni Tommy eh pagtutuhug tuhugin ko yang lahat ng mga babaeng nakapaligid sa kanya ngayon. Biruin nyo ah matalino na nga siya tapos super gwapo pa."

"Hoy Dante wala kang karapatang mangarap ng ganyan dahil hindi bagay sayo." Banat niya.

"Sus nagsalita ka na naman. Eh bakit huwag mong sabihing hindi morin yun pinangarap."

"Ako?" Tinuro pa niya ang kanyang sarili. "S-syempre oo."

"Eh crush kaya Bro ngayon meron ka?"

"Crush? syempre oo!" Pagsisinungaling ni Vince. Sa katunayan ay wala siyang kahilig hilig sa mga babae. Sa itsura ba naman niya ay parang sa panaginip lang siya magkakaruon ng girlfriend. May isang pagkakataon nga na meron siyang nagustuhang babae pero ibubuka pa palang niya ang kanyang bibig upang sabihin na gusto niya ito ay busted na kaagad siya. Wala siyang chance. Isa pa hindi naman mga babae ang priority niya ngayon, mas priority niya ang pagtaas ng grade niya sa mga academics subjects niya.

"Ano nga Vince sino nga ba ang crush mo?"

"Syempre secret yun." Ilang sandali pa ay bigla naman silang tinawag ng kaklase nilang si Geovanni. Dumatng naraw kasi ang guro nila na si Ma'am Cruz. Pagkatapos nun ay nagpaunahan silang tumakbo patungo sa kanilang kwarto.



NATURAL na para kay Vince ang mapahiya sa klase. Pero salamat nalang sa kaniyang loser friends buddy na sina Dante ang mahilig kumain kahit na hindi recess at si Mark na parang isang tigyawat na tinubuan ng mukha ay kahit papano'y meron siyang karamay kapag nakakakuha siya ng negative d sa exam o kaya naman eh hindi nakasagot sa recitation.

Ngalay na ang mga binti niya habang nakatayo sa sinakyan niyang bus at nakatingin sa hawak hawak niyang test paper. Nakakuha lang naman siya ng limang tamang sagot out of fifty question sa kanilang Philippines history. Hindi ba niya alam kung maawawa siya sa kanyang sarili o ano. Tanging paghinga ng malalim ang magagawa niya sa ngayon. Ilang sandali pa ay huminto ang sinakyan niyang bus sa sunod na estasyon. Mas maraming taong pumasok. Ewan ba niya sa mga ito, na kung saan masikip ay duon pa talaga nila gustong sumakay. "Oh yung mga nakatayo sa likod, baka gusto niyo namang umurong sa likod para magkaroon ng space dito sa harap." Announcement ng konduktor.

Young Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon