ANO NGA BA ang nangyari kay Tommy pagkatapos nilang mag graduate ng elementary. Bigla nalang kasi itong nawala at hindi na nagpakita. Hindi naman sila close ni Tommy at that time pero alam ni Vince na siya lang ang tinuring ni Tommy na kaibigan sa buo nilang klase. Tampuhan kasi si Tommy dati ng tukso dahil sa pisikal nitong itsura. Mataba si Tommy. Marami din itong mga peklat sa katawan sa hindi niya alam na kadahilanan.
Naalala pa niya ng pauwi siya isang dapit hapon. Galing siya nuon sa kaibigan niya dahil naglaro pa sila ng video game sa bahay nito. Isang kumpol ng kabataan ang nasaksihan niyang may binabato. Pag lapit niya sa mga ito ay nakita niya si Tommy na halos puro putik ang damit. "Hoy mga walaghiya kayo! Tantanan nyo nga siya." Pagkatapos ay nagsitakbuhan ang mga bata.
Inabot niya ang kanyang kamay kay Tommy at tinulungn itong tumayo. "Salamat ah." Nakakaawa ang kalagayan nito. Kahit na hindi sila nag uusap ni Tommy ng mga panahong iyon ay hindi naman siya payag sa pang bu-bully dito. Hindi niya 'yon porte.
"Nako wala yun. basta sa susunod, huwag ka ng papayag na kuyugin ka ng mga yun. Naiintindihan moba?" Tahimik lang si Tommy na nakikinig sa kanya hanggang walang anu anoy bigla na lamang itong umiyak.
"Hoy Vince ano nanaman bang iniisip mo diyan at lumilipad nanaman yang diwa mo." Bigla siyang tinapik ni Dante sa kalagitnaan ng kanyang pagbabalik tanaw. "Wala ano nga yun?"
"Tignan mo to. Kinikwento ko yung napanood namin ni Mark kahapon. Ang gaganda nung model sa video. Ang se-sexy!" Sarkastiko nitong kwento.
"Oo nga pala. Anong oras kayo natapos kahapon?"
"Mga alas otcho lang. Kasi si Mama eh bigla ng dumating. Pero Bro ah sa next na manonood ulit kami eh sama kana ah."
"Oo na puro kayo video."
"Sus nagsalita si Mario Cloro! pero maiba tayo, ano nga palang ginawa mo kahapon?"
"Anong ginawa?"
"Eh diba may pinuntahan ka kahapon. Ano yun?"
"Gusto mo talagang malaman?"
Nilapit ni Dante ang tenga nito sa kanya. "Oo ano yun Bro?"
"Namalengke lang ako, may inutos kasi si Nanay."
"Yun lang."
"Oo bakit meron paba dapat?"
"Wala naman." Ilang sandali pa ay dumating naman si Mark sa may classroom. Nag aagaw buhay itong umupo at pawis na pawis. Nilakad lang kasi nito ang daan mula sa may paradahan ng jeep hanggang sa eskwelahan dahil sa sobrang traffic.
"Ano kaya pa?" Pagbibiro ni Dante.
"Oo naman ako pa." Tuluyan ng binaba ni Mark ang bag niya at isinabit ang strap nito sa may upuan. "Ay Vince nakita kadaw ni Mama kagabi may kasama ka. Sino yun?"
"Huh ako kahapon, may kasama?" In dineal si Loko.
"Ewan ko dun. Nakita kadaw niyang papauwi sa may park..." Hindi pa man tapos si Mark sa pagsasalita nito ay dali dali niyang sinipa ang paa nito sa ilalim ng upuan. "Aray naman Bro! para saan yun?"
"Ay wala. nag unat lang ako. Sige diyan muna kayo." Ayaw na niyang palawakin pa ang usapan kaya siya na ang lumayo. Pag kumalat kasi sa school na kasama niya si Tommy ay tiyak na kukuyugin siya ng mga babae sa buong Trinity Academy sa sobrang inggit. Para siyang tanga na kinakausap ang sarili habang naglalakad papunta ng roof top ng Math building. Ginulo pa niya ang kanyang buhok. Tinatanong sa sarili kung ano nga ba itong napasok niya.
BINABASA MO ANG
Young Love (Completed)
RomanceTanggap na ni Vince na pinanganak siyang hindi biniyayaan ng gwapong mukha at talino. He is contented sa palaging nakukuhang negative D sa exam at pag cutting classes ang nakahiligang hobby. Pero isang araw ay tila magbabago ang lahat ng biglang mag...