THIS IS THE MOMENT OF TRUTH. Magkahawak ang kamay ni Vince sa ilalim ng kanyang lamesa habang tintawag ni Miss. Cruz ang kanilang nakuha sa panibago nilang long quiz. Its consist of one hundred items na may multiple choice, fill in the blanks, at essay. "Mr. Dante Arevalo." Tumayo si Dante sa upuan niya at nagpunta sa harapan ni Miss Cruz. Kinuha ni Dante ang test paper niya dito at umupo ulit sa kanyang upuan.
"Okay next. Mister Vince Geronimo Valdez." Tila nagrindi ang kanyang tenga ng marinig ang kanyang pangalan. Napatayo siya kaagad. All eyes are on him at parang hindi niya gusto iyon. Parang dejavu lang. Yung klase ng dejavu na parang alam na niya na bagsak nanaman siya. Nakikita niya ngayon ang reaksiyon sa mukha ni Miss Cruz habang papalapit siya dito. Pakiwari niya ay para itong leyon at kakagatin siya kaagad once na lumapit siya sa kuta nito. Patay kang bata ka! Hindi siya handa para dun.
"Maam?"
"Okay get your paper." Inabot sa kanya ito ni Ma'am Cruz. Napalunok ulit siya. Sinadya niyang itaob iyon para suspense.
"Oy Bro anong nakuha mo?" Inisyoso kaagad siya ni Dante pag upo niya.
"Hindi ko pa alam."
"O sige hulaan ko. Bagsag ka nanaman."
Nilukot niya ang kanyang papel. "Oo na, huwag mo ng pag diinan. "Sabay pasok niya ng kanyang test paper sa kanyang bag.
"Eh ilan nga ba yung nakuha mo ah Vince?" Si Mark naman ang naki isyoso. "Akin na nga!" Kinuha ni Mark ang test paper niya sa kanyang bag. Ewan ba niya kung gusto ba talagang tignan ng mga kaibigan niyang magagaling ang test paper niya para lang pagtawanan siya o ano.
Pasimple pang hinagod ni Mark ang test paper para mawala kahit papano ang gusto niyon at hindi kaagad siya nakapag salita.
"Oh bakit Mark, Ilan ba yung nakuha nito?" Itinuro siya ni Dante gamit ang nguso.
"Bro totoo bato. Nakakuha ka ng 80!"
"Ano?"
"80 Bro, nakakuha ka ng 80!"
"Weee di nga!" Hindi siya makapaniwala. Nag review naman siya kagabi pero wala parin siyang tiwala sa sarili na makakakuha siya ng mataas na puntos.
"Walang himala, ang himala ay nasa puso lamang!" Ginaya ni Dante ang sikat na linya ni Nora Aunor sa pelikula nito habang kumakain sila sa may canteen. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ito makapaniwala na nakakuha si Vince ng pasadong marka sa kanilang long test sa may Science. Natatawa naman si Mark habang pinapanood nito si Dante. Kung todo emote pa kasi ito na nakadipa ang kamay at nakaluhod sa harapan ni Vince.
"Tumigil ka na nga diyan Dante!" Sinaway niya kaagad ito. Umupo naman si Dante pagkatapos.
"Eh Vince. Ano nga ba ang ginawa mo at nakapasa ka kanina huh!?"
"Isa kapa. Syempre nag aral. Ano paba." Kinuha ni Vince ang inorder niyang fish ball with hot sauce at tumusok duon ng tatlong piraso. "Saka guys nag iba nako ngayon. Na realize ko kasi na kailagan ko ng tumino. Alam niyo yung feeling?" Tuluyan na niyang sinubo ang fish balls.
"Alam mo Vince. Hanggang ngayon eh hindi parin ako makapaniwala sa mga ngangyayari sayo, kasi dati eh okay lang sayo yung makakuha ng itlog. Pero look at yourself now."
Binatukan niya si Mark dahil sa pag i-english nito. "Ikaw ah tigilan mo ako Mark, dont english me. Saka sinabi ko na nga kanina diba na nagbago nako. Paulit ulit lang."
"Wee! hindi ka narin mag cu-cutting classes ngayon. Hindi kana sasama samin?"
"Hindi na."
"Eh Vince. Ano ba talaga yung sikreto mo sa pagbabago mo?"
BINABASA MO ANG
Young Love (Completed)
RomanceTanggap na ni Vince na pinanganak siyang hindi biniyayaan ng gwapong mukha at talino. He is contented sa palaging nakukuhang negative D sa exam at pag cutting classes ang nakahiligang hobby. Pero isang araw ay tila magbabago ang lahat ng biglang mag...