"LUMAPIT KA DITO?" Pagkatapos marinig ang utos ng isang nakakaakit na boses ay lumapit si Vince sa pigura ng isang lalaki. Malabo ang imahe nito sa malayuan pero habang lumalapit siya dito ay tila naaninag niya ng maliwanag ang mukha nito. His eyes, his kissable pinkish lips, pati narin ang maganda at mahabang pilik mata nito ay kilala niya. "Tommy?"
"Oo ako nga ito." Pabulong nitong sabi. Kinayag siya ni Tommy sa may likod upang mas mapalapit siya dito, pagkatapos ay saka niya napagtanto na nakahubad pala ito. "Teka teka Tommy. Bakit ka nakahubad, Anong nangyayari?"
"Hindi mona kailangang alamin Vince, gustong gusto kita." para itong nakainom ng alak dahil sa malamlam nitong mga mata. Nawiwirduhan siya. Ano nalang ang nangyari kay Tommy at ganito na lang ito kaagresibo. And then with a snap ay bigla siya nitong hinalikan. Mainit, madiin, masarap. Pati siya ay napapaigtad sa tagpong iyon. "Teka teka Tommy? Tumigil ka muna." Naglayo ang kanilang mga labi.
"Bakit?
"Basta Tommy tumigil ka muna."
"Ayoko." Ayaw na niya pero si Tommy ay gusto pa. Para itong hayok sa halik. Hanggang sa tinulak niya si Tommy palayo. Agad siyang namulat pagkatapos ng eksenang yun. Panaginip lang pala ang lahat, at ang matindi pa duon ay nasa gitna pala siya ng klase. All eyes are on him. Syempre pati ang mata ng guro nila ngayon ni si Ma'am Cruz na akala mo'y leyon kung makatitig sa kanya. "Mr. Valdez. Baka naman gusto mong i-share sa'min dito kung ano yung panaginip mo habang natutulog ka sa klase ko!"
"Eh Ma'am so-sorry po."
Namumula na ang mukha ni Ma'am Cruz dahil sa galit. Nagkanda hirap hirap na nga ito na gumawa ng questioner sa kanilang long exam, muntikan na itong makagat ng aso pagtawid niya sa may padre Foura, hiningian pa siya ng kanyang anak na limang daan dahil sa school project nito, nasira pa ang electric fan nito sa may faculty tapos sasabayan pa ng pagkakatulog ni Vince sa klase nito! Aba ba, Its not fair!
"Vince get out of my room now!"
"Pero Ma'am."
"Nako walang pero pero. Ngayon din lumabas ka!"
"Opo." Kinuha na niya ang kanyang gamit dahil may posibilidad na hindi na siya makabalik sa kwartong iyon ngayong araw, aba naninigurado lang siya. "Good bye Maam. Good bye classmate."
As laways kota nanaman siya. Bwisit naman kasi eh. Kung hindi sa kanya nagpatulong ang pinsan niya na si Baste na gumawa ng globo na gawa sa pinaghalo halong tissue paper bilang school project eh hindi siya dadalawin ng antok sa kanilang klase ngayong umaga at mapapaginipan si Tommy. Yun, isa payun. Ang walang hiyang Tommy nayun. Sa dinami dami ng mapapaginipan ay talagang si Tommy pa. In sexually sin at take note nakahubad. Bahagya siyang nandiri at inalog ang kanyang ulo. Pero bakit nga ba niya napaginipan si Tommy. Huwag niyang sabihin na nagkakagusto narin siya dito. Hindi man niya nakikita ang kanyang sarili pero alam niyang namumula ngayon ang kanyang pisngi.
"Ano ba Vince. Ano bang iniisip mo?" Kinakausap niya ang kanyang sarili habang naglalakad sa may corridor. Para siyang tanga. Tommy was a perfect man at hindi sa kanya akila yun pero ang hindi niya matanggap ay nung hinalikan siya nito. Kabaliwan bang maituturing na in-love sa kanya ang dati niyang kaibigan?
"Anong iniisip mo diyan?" Isang boses ang nagbasag sa kanyang malalim na pag iisip. Sasagutin niya sana ito ng "Ano bang pakielam mo?" Pero pagharap niya ay hindi kaagad siya nakapag salita. It was Tommy at nawiwili itong pinag mamasdan siya habang tila nagtatanga tanagahan siya.
"Ah eh wala lang. Kanina ka paba diyan?"
Lumapit sa kanay si Tommy. "Not really pero nakita ko yung mga gestures mo. Okay ka lang Vince?" Hinawakan ni Tommy ang leeg niya para tignan ang kanyang temperatura. Pag tama ng kamay ni Tommy sa leeg niya ay naramdaman niya kaagad ang init ng kamay nito. Gusto niya ang ganung klase ng init. "Mukang ayos ka naman."
BINABASA MO ANG
Young Love (Completed)
RomanceTanggap na ni Vince na pinanganak siyang hindi biniyayaan ng gwapong mukha at talino. He is contented sa palaging nakukuhang negative D sa exam at pag cutting classes ang nakahiligang hobby. Pero isang araw ay tila magbabago ang lahat ng biglang mag...