07 - Montip

211 7 0
                                    



HINDI MALAMAN ni Vince kung bakit siya ginising ng kanyang Ina eh araw naman ng Linggo. Hindi naman siguro ito nawala sa tama nitong katinuan para hindi malaman ang tamang araw. "Vince gising kana! Magmadali ka!" Kahit na wala itong dalang mega phone ay akala moy rinig hanggang kabilang barangay ang boses ni Aling Imelda.

Agad siyang bumangon sabay tingin sa kanyang orasan. Mag aalas otcho na ng umaga. "Ito talaga si Nanay basag lagi ng trip." Pag linggo kasi ay alas diyes na siya nagiging o mas matindi ay abutin siya ng ala una.

"Nay ano po bang meron? wala kaya kaming pasok." Nagkakamot pa siya ng kanyang ulo habang bumababa ng hagdan.

"Alam ko."

"Eh yun naman pala eh bakit nyo nga ako ginising?"

"May darating kasi tayong bisita."

Napaka kunot nuo siya. Darating na bisita ba kamo ang narinig niya sa gantong oras ng umaga. Ang wierd! "Ano? Eh sino naman pong bisita?"

"Basta." Inayos pa ni Aling Imelda ang plato sa lamesa. Akala mo'y dapat ay nasa perpektong ayos ang lahat ng mga kobyertos sa lamesa para lamang sa espesal nilang bisita. "Saka Vince ah. maligo kana. Nakakahiya sa pinsan mo."

"Sino pong pinsan. Si Kenno?"

"Hindi basta. Sige na maligo kana muna, magmadali ka." Ito na ang nagbigay sa kanya ng tuwalya at itinulak siya papuntang banyo. Habang naliligo ay hindi parin niya alam kung bakit ganun na lamang ito aligaga sa kung sinong pinsan niya ang darating at pinaligo pa siya.

Habang nagbibihis na siya sa kanyang kwarto ay meron siyang narinig na paparating na sasakyan. Kasabay nun ang pag welcome ng kanyang Inay sa kung sinong espesyal na bisita na dumating. "Sige pumasok muna kayo." Dahan dahan siyang bumaba, mula doon ay nakita niya ang kanyang Ina na pinapapasok ang kanyang Tita Emily kasama ang isang binata. Sa kanyang palagay ay kasing edad niya lamang ito.

Pagbaba ay nagmano kaagad siya kay Tita Emily. "Nako ito naba si Vince. Nako ah, ang laki laki mo na. Buti kilala mo pa ako."

"Oo naman po Tita Em." Pa cute pa niya itong tinawag. Tumawa naman ito pagkatapos. Paano naman niya ito makakalimutan eh sa lahat ng mga kapatid ng kanyang Ina ay ito lamang ang ubod ng kaartihan at kasing taas ng langit ang pangarap sa buhay. Simula ng magpunta ito ng Singapore kasama ang anak nito na si Montip at napangasawa ng isang Singaporian ay hindi na nila ito nakita pa. Paminsan minsan ay nakikita niya ito facebook pero madalang iyon.

"Eh Em sino nga pala siya? Anak niyo ni Yohan?" Tanong ng kanyang Ina.

"No, hindi na kami nagkaaanak ni Yohan. Si Montip yan."

Nanlaki ang mga mata nila. "Ano si Montip yan. Ang laki ng pinagbago mo ah!" Mataba kasi si Montip dati at medyo maitim. Kaya naman ay tampulan ito ng tukso dati dahil sa anyo nito.

"Ikaw naba yan Montip? Anong nangyari sayo?"

"Nako Couz, mahabang kwento." Ngumiti lang ito. Slim na ngayon si Montip. Pati ang balat nito ay akala moy uminom ng isang galong glutha sa kaputian. Namumula mula pa nga ang pisngi nito.

"O siya kumain muna kayo at tiyak na nagutom kayo sa byahe." Yaya ni Aling Imelda dito. Habang kumakain sa lamesa ay nag kwentuhan ang mga kapatid tungo sa kanilang five years na hindi pagkikita. Akala moy wala ng bukas ang pag kekwentuhan ng mga ito.

"Sa totoo niyan Ate eh matagal na kaming nasa Pilipinas. Tumuloy kami sa bahay natin sa probinsiya tapos nag gala gala narin."

"Ganun ba eh bakit naman hindi nyo kami tinawagan dito?"

Young Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon