"OKAY KA LANG?" Tinikman ni Tommy ang hinanda niyang tanghalian para sa kanilang dalawa ni Vince. Nasa bench sila ng basketball court ng school ngayon kung saan ay sila lang dalawa ang tao. "Bakit, hindi mo kinakain yung hinanda ko. Pangit ba yung lasa." Fried meat balls iyon na may sweet and sour na sawsawan. "Okay naman ang lasa ah."
"Sinabi ko bang panget."
"Oh masarap naman pala eh bakit isa lang yung kinain mo. Kainin mo lahat to." Inurong ni Tommy sa kanyang harapan ng lunch box na pinag lagyan nito. Ang totoo niyan ay wala talaga siyang ganang kumain. Ewan ba niya. Ang isang pirasong kinain niya kanina ay pinilit lang niyang kainin.
"Busog nako eh, kasi ano eh parang hindi pa'ko natunawan sa kinain ko kanina."
"Sigurado ka, baka ayaw mo lang akong tapatin na panget yung lasa."
"Hindi nga. Masarap nga. Busong lang talaga ako."
"O sige sinabi mo eh." Ibinaba narin ni Tommy ang kanyang mga kobyertos at inilagay iyon sa isang malinis na plastik.
"Eh Tommy wala ba kayong laban ngayon ng basketball?"
"Wala. Baka sa biyernes pa."
"Ah ganun ba?" Ewan ba ni Vince pero parang nagiging un easy siya sa tabi ngayon ni Tommy. parang gusto niyang tanungin dito kung ano nga ba ang kaugnayan nito kay Montip bukod sa pagiging magkaibigan ng mga 'to. Kung paano sila nagkakilala parang ganun.
"Ah eh Tommy..."
Inaayos na ni Tommy ang baunan niya. "Ano yun?"
"Ah wala, wala pala..." Para siyang tanga sa ginagawa niya, halatang may gusto siyang tanungin dito pero nahihiya siyang sabihin.
"Vince okay ka lang? Kanina kapa eh."
"Oh inaano kita."
"Hindi mo nga ako inaano pero halata naman sa mga kilos mo, ano ba talaga yun?"
Tumingin siya sa malayo tapos balik ng paningin niya kay Tommy. "Wala nga."
"Ano nga yun Vince?"
"Wala nga."
"Sure ka?"
"Oo sigurado ako." Ngumiting aso siya.
"O sige kung ayaw mong sabihin eh bahala ka." Tuluyan ng sinara ni Tommy ang kanyang bag. "Ay Vince nakalimutan ko palang sabihin. "Gusto mong sumama mamaya? may gagawin ka?"
"Wala naman. Saan?"
"Sa may mall lang kasama si Montip yung pinsan mo? Yun pa pala, hindi ko alam na mag pinsan pala kayong dalawa. Napaka small world diba. Dati lang eh nakasama ko siya sa..." Hindi pa tapos si Tommy sa kanyang sasabihin ngunit bigla itong sinapawan ni Vince. Nag seselos nanaman kasi si loko.
"Ay Tommy teka."
"Ano yun?"
"Nakalimutan ko kasing sabihin na may gagawin pala ako mamaya, oo tama may gagawin nga ako." Ngumiti ulit siya kunyari pero deep inside ay naiinis siya.
"Teka teka pero diba sabi mo kanina na wala kang gagawin?"
"Ah eh meron pala. Kami nila Dante sa bahay nila."
"Importante bayan?"
"Oo importante yun, hindi pwedeng i cancel report kasi yun."
"Ganun ba?" Halata ang pagkadismaya sa mukha nito. "Oh sige kami nalang ni Montip. Balak pa naming manood ng sine kasama ka."
BINABASA MO ANG
Young Love (Completed)
RomanceTanggap na ni Vince na pinanganak siyang hindi biniyayaan ng gwapong mukha at talino. He is contented sa palaging nakukuhang negative D sa exam at pag cutting classes ang nakahiligang hobby. Pero isang araw ay tila magbabago ang lahat ng biglang mag...