10 - Young Love (End)

334 8 3
                                    



INAYOS ni Vince ang kanyang polo sa harapan ng isang whole body na salamin. Meron sila ngayong pupuntahan  nila Dante at Mark na birhtday party. Kay Eliezar, hindi naman nila ito masyadong close pero naka pag tatakang inimbitahan sila nito. Ayaw niya sanang sumama pero ayon narin kay Dante ay baka makahanap daw sila dun ng mga chix. 

Binutones niya ang huling butones ng kanyang polo sa ibaba. "Yan okay na." Pagbaling niya sa ibabaw ng lamesa ay nakita niya ang isang itim na baller. Sinuot niya iyon. Pagkatapos ay tumingin siya sa kama, mula duon ay nakita niya si Tommy. "Oh alam ko na ang sasabihin mo. Na ang baduy nitong baller na suot ko. Hayaan mo dahil tina-try ko lang naman." Nakangiti lang si Tommy sa kanya habang naka dekwatro.

Lumipat naman siya sa kanyang sapatusan. "Oh ito, anong magandang suotin?" Kinuha niya ang isang gray at isang kulay itim na sneakers. "Ano sa tingin mo?" Nakatingin lang sa kanya si Tommy. Napabuntong hininga siya. Sabagay paano nga naman ito sasagot kung wala naman talaga ito duon. Gawa lamang ang version ni Tommy na 'yun ng utak niya. Ang totoo niyan ay bumalik na si Tommy sa Singapore mag dadalawang linggo na ang nakararaan. Na bi-bwisit siya dito. Ni ho ni ho kasi ay hindi sa kanya nito sinabi ang pag alis nito. Sabi na nga ba niya na may posibilidad nga na iwan siya ni Tommy anytime. Kung kailan naman nahuhulog na ang loob niya dito ay saka naman ito umalis. HIndi niya tuloy naipag tapat dito ang tunay niyang nararamdaman. 

Dalawang linggo na ang nakaraan bago ito umalis ay basta na lamang itong nagpalagay ng sulat sa locker niya sa school para ipaalam ang pag alis nito. Gusto pa sana niya itong pigilan pero huli na ang lahat dahil wala na ito. Nakaalis na ito.

"Sa palagay ko eh ito na lang." Pinili niya ang itim na sneackers at sinuot iyon. Tinignan niya ang itsura niya sa may salamin. Masasabi niyang malaki na ang pinagbago niya kaysa sa dati. Pero aanhin naman niya ang pagbabagong ito kung wala naman ang taong nagdulot ng pagbabagong sinasabi niya. Wala parin iyong kwenta.

Pagdating nila sa nasabing Venue ng birthday ay nagulat sila dahil malaki pala ang bahay ni Eliezar. Its consisted of five bedrooms, tatlong sala, isang library area, tatlong malalaking banyo ang bumubuo sa three storey house ni Loko. Sinalubong din kaagad sila ng iba pa nilang mga kaklase. Tuwang tuwa naman si Dante dahil marami daw mga babae, as if namang papansinin siya ng mga ito. "Mga Bro diyan muna kayo ah." Nagpaalam sa kanila si Dante saglit.

"Oh saan ka pupunta?"

"Duon lang sa may dulo may prospect ako."

"Prospect ang kapal ng mukha mo! Sino yung babaeng naka pula?"

"Oo bakit?"

Nagtawanan sila ni Mark. "Nako Bro good luck."

"Maka Good luck ka naman Vince bakit wala kabang tiwala sa alindog ko."

Tinignan niya ito. "Matagal na. Simula palang nung una tayong nagkakilala."

"Sus. Watch and learn mga Bro." Pagyayabang nito. Nagpunta na si Dante sa may dulo habang sila ni Mark ay nakadungaw lamang sa di kalayuan. "Bro mukhang mapapahiya si Loko no?" Hula ni Mark.

"Ano pa nga ba?" Ngumigisi rin siya. Hanggang wala pang isang minuto ay muling bumalik si Dante sa pwesto nila. "Oh anong nangyari?"

"Oh ito." Inangat ni Dante ang kanyang cellphone at mula duon aty naitala nito ang number ng naturang babae. "Sa kanya yan?"

"Oo naman, bakit may duda?"

"Oo." 

"Ganun? teka lang ah." Tinawagan nito ang babae gamit ang cellphone nito at sinagot naman ito ng babae. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ito nagbibiro. 

Young Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon