PAG GISING ni Vince ay naramdaman niyang may nakayakap sa katawan niya. Hindi siya sanay , katulad ng hindi niya pagsanay kapag hinahalikan siya ni Tommy when they are alone. Naalibadbaran siya. Minulat niya ang kanyang mata in a matter of seconds. Mula sa dib dib niya ay nakita niya ang maputing kamay ni Montip. Nakahubad ito as usual pero hindi lang yun dahil naramdaman din niya ang naninigas ang harapan nito na tila nakatusok ang bandang hita niya. Dahan dahan niyang inayos ito ng higa. Mantika ito kung matulog kaya naman hindi siya nangangamba na magising ito.
Pagkatapos nun ay tumayo siya. Sa kanyang pagtayo ay duon lamang niya nakita ng malapitan ang hubog ng katawan ng kanyang pinsan. Balingkinitan iyon. Hindi naman ito nag gi-gym pero maganda ang hubog niyon. Wala siyang panama. Kung iisipin nga niya kung meron nga itong relasyon kay Tommy eh ano nga naman ang panama niya dito. Niyugyog niya ang kanyang ulo dahil ang aga-aga eh napaparanoid nanaman siya.
"Oy Cous anong ginagawa mo diyan?" Biglang nagising si Montip ng hindi niya namamalayan.
"Ah eh walang lang."
Sabay silang bumaba sa may kusina at naabutan ang nakahanda ng almusal duon. Nakita rin niya ang maiksing sulat ng kanyang Nanay na nakadikit sa may ref. Ang sabi ay mamamalengke lamang daw ito saglit.
Nagtimpla siya ng kape pagkatapos ay nilagyan niya iyon ng maraming coffee creamer. "Gusto mo ng kape?" Inalok niya si Montip pero humindi ito. Bawal daw kasi sa diet nito ang kape. Mag ce-cereals na lamang daw ito. Isang klase ng cereals na mas mababa ang angking calories kaysa sa mga cereals na nabibili sa market. May dala ito sa bagahe nito. Sa katunayan niyan ay ito rin ang dahilan kung bakit mabigat ang maleta nito dahil puno iyon ng mga dietary meals.
Pinag masdan lamang niya si Montip habang binubuksan ang isang silver na pakete ng inumin. "Yan ba ang dahilan kung bakit ka pumayat?"
"Kind off, pang maintenance lang naman ito. Alam mo namang mahirap na baka bumalik pa ako sa dati. Ayoko ng tumaba."
"Pero mas gusto ko yung dating ikaw? Cute mo kasi" Medyo natahimik si Montip sa sinabi niya.
"Joke bayan?"
"Nako hindi yun joke, totoo yun."
Hinahalo ni Vince ang tinimpla niyang kape na puno ng gatas habang ito naman ay hinahalo rin ang inihanda nitong dietary meal. "Ay Cous?"
"Ano yun?"
"Saan kayo nagkakilala ni Tommy?"
"Huh?"
"Kaklase ko siya nuon." Maikling sagot niya.
"Ah ok." Pagkatapos ay kinuha naman nito ang pandesal na nakalagay sa isang plato.
"Eh ikaw Montip. Paano kayo nagkakilala ni Tommy?"
"Gusto mo talagang sagutin ko yan?" Tumingin siya kay Montip. Bakit ba parang pa suspense pa itong ipagtapat sa kanya kung saan sila ni Tommy nagkakilala. Anong meron?
"Oo naman."
"Okay." Umayos si Montip ng upo. "Nagkakilala kami sa Singapore."
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Parang maninikip iyon. "Sa si-Singapore?"
"Oo sa may booth camp para sa mga taong matataba? Sa mga individual na gustong mabago ang kanilang buhay. Alam mo na."
"Meron pala nun?" Yun siguro ang sikreto rin ni Tommy kaya ito pumayat ng tuluyan.
Tinignan siya nito. Kakatwa kasi ang reaksiyon ng mukha nito na parang nagtataka na hindi maintindhan. "Oo naman meron nun. Hindi rin ako makapaniwala nung una na meron palang booth camp para sa mga matataba. And you know what the feeling of being there?"
BINABASA MO ANG
Young Love (Completed)
RomanceTanggap na ni Vince na pinanganak siyang hindi biniyayaan ng gwapong mukha at talino. He is contented sa palaging nakukuhang negative D sa exam at pag cutting classes ang nakahiligang hobby. Pero isang araw ay tila magbabago ang lahat ng biglang mag...