05 - Tutor Me

262 9 0
                                    



ANG PAGKAKATON NGA NAMAN, laging wala sa hulog. Ngayong gabi lang eh napanaginipan niya ulit si Tommy tapos ngayong umaga pag baba niya ng jeep papasok na sa eskwelahan ay nakita nanaman niya ito. What the Hell! "Hi Vince!" Nananadya ba talaga ang tadhana. Balak niya ngang iwasan muna dapat ito dahil sa mga pinaggagawa sa kanya nito recently at ang hindi niya nga kinaya ay yung sa may videoke bar.

Pagtingin sa kanya ni Tommy ay bigla siyang tumingin sa malayo, kunyari ay hindi niya ito nakita. Tamang deadma lang. Inayos niya ng sarili at patuloy lamang sa pag lalakad. "Oy Vince! Bingi!" Oo rinig na rinig niya si Tommy kahit na ilang pulgada pa ang layo nito sa kanya. Pero kahit na, ayaw niya parin itong kausapin. Hanggang sa malapit na siya sa may gate ng school. Ilang hakbang nalang ang lapit niya dito ng bigla siyang hilahin ng binata.

"Vince teka nga. Anong nangyari sayo? Kanina pa kita tinatawag ah."

Umismid siya pero hindi niya iyon pinakita. "Oh Tommy kanina ka paba nandyan?"

"Oo kanina pa at kanina mo parin akong hindi pinapansin." Hindi siya makatingin kay Tommy ng maayos. "Oh ngayon naman eh napipi kana. Wala kabang sasabihin sa'kin?"

Tiningala niya si Tommy na galit ang tono pero blanko ang mukha. "Eh kasi eh..."

"Ano dahil dun sa ginawa ko sayo sa videoke?"

"Nako hindi yun."

lang sandali pa ay bigla na siyang tinawag nila Dante at Mark na papasok narin sa loob. Pero bago pa ito tuluyang nakalapit sa kanya ay bigla siyang hinawakan ni Tommy sa balikat at binulungan. "HIndi pa tayo tapos. Mag kita tayo mamaya sa may rooftop." Sabay alis nito.

"Oy Bro. Anong sinabi sayo ni Tommy, saka kailan pa kayo naging close?" Tanong kaagad sa kanya ni Dante pag lapit nito sa kanya.

"Binulungan lang eh close na agad? Huwag kayong gumawa ng issue."

"Eh bakit kapag may bago kabang kakilala eh bubulungan mo kaaagad"

Bigla siyang napa isip "syempre hindi."

"That's my point. Kaya ang ibig sabihin lang eh close nga kayo ni Tommy." Ni re-reverse psychology na pala siya ni Dante ng hindi niya namamalayan.

"Hindi nga, may tinanong lang siya sa'kin."

"Tinanong, Katulad ng ano?" Bumusangot ang mukha ni Dante. "Magtatanong sayo yun eh matalino kaya yun. Ikaw Bro ah huwag mo akong gaguhin."

"So sinasabi mong bobo ako?"

Natawa si Dante. "Hindi ako nagsabi niyan kun'di ikaw."

"Mga peste kayo! Saka alam n'yo magsisimula na yung unang subject natin eh nag dadaldalan pa tayo dito sa labas. Mga tsimsoso tong mga to!" Kunyari ay pagalit siyang pumasok sa loob pero ang totoo ay ginawa niya iyon upang makalayo siya sa mga 'to.

Pagkatapos ng kanyang huling klase ay nag aalinlangan siyang pumunta sa tagpuan nila ni Tommy. Sa may rooftop nanaman daw sila ng math buiding magkikita. Hindi niya alam kung anong pag uusapan nila. Okay let he guess. Maaring behavior niya sa may videoke bar nung isang araw o kaya naman eh yung nangyari kanina.

Huminga siya ng malalim habang pumapanik sa itaas ng gusali. Kumakabog nanaman ang dibdib niya kagaya ng palaging nangyayari sa kanya kapag nagkikita sila ni Tommy. Napahawak siya duon. Pinapakalma ang sarili at hinihiling na sana ay wala nanaman itong kakaibang gawin sa kanya.

Tuluyan na niyang itinapak ang kanyang paa sa may parte ng rooftop. Tinignan niya kaagad ang buong paligid. Tinitignan kung naduon si Tommy pero nakapag tatakang wala ito. Alam pa naman niyang hindi nito ugali ang mang indian o hindi sumipot sa isang tagpuan. Hanggang walang anu anoy isang lalaki ang bigla na lamang siyang hinawakan sa may likod. Niyakap siya kaagad nito! "Na miss moba ako Vince?"

Young Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon