Chapter 21

929 22 10
                                    

[Nash's POV]

"Babe, last game. Pagod na din ako." sabi ko

"Sige. Inom lang ako." sabi niya at umupo muna at uminom ng tubig. Nandito si Sharlene sa bahay namin. Sa court namin specifically. Diba prinomise niya na buong araw siya samin ngayon. Kanina pa kami naglalaro ng basketball.

Ang cool talagang girlfriend ni Sharlene. Makakasundo mo siya sa basketball. Di tulad ng iba na di na nga marunong, wala pang kilala na basketball player. Eh itong si Sharlene, madalas akong natatalo sa basketball. Ang sarap pala sa feeling na nakatuluyan mo yung bestfriend mo no? Kasi magkakasundo kayo.

Tinititigan ko siya habang umiinom. Napansin niya naman ata yun, inabot niya sakin yung tumbler niya na parang inaalok ako. Umiling nalang ako. Kinuha niya yung cellphone niya Umupo ako sa tabi niya. "Picture." sabi niya

Ngumiti naman ako. Habang nagp'picture, napansin ko lang na ang cute cute ni Sharlene kapag namumula. Nung patayo na kami para maglaro ulit, nagsalita na ako.

"Babe ang puti puti mo na no? Namumula ka na eh. Para ka ng si Mika. Parehas na kayo." sabi ko. Maputi naman talaga si Sharlene dati pa, pero mas pumuti siya ngayon.

"Weh maputi ako? Feel ko nga ang itim ko eh."

"Ang puti mo na kaya. Ang cute mo pag namumula. Mukha kang apple." natatawa kong sabi. Ang taba taba kaya ng pisngi niya tas ang pula.

"Mang-aasar ka nanaman eh, game na nga!" Ngumiti nalang ako at sinalo yung bola na pinasa niya sakin. Tulad ng sinabi ko kanina, naglaro kami pero last game na. Nanalo ako. Naglakas na kami ulit ni Sharlene papunta sa upuan at uminom.

Kinuha ko yung towel ko at nagpunas ng pawis. "Pano ba yan? Panalo ako?" I said and smirked.

"Edi wow." She said and giggled. Habang nagpupunas siya ng pawis at nagaayos ng buhok, kinuha ko yung cellphone niya at tinignan yung pictures namin.

Habang nililipat yung pictures, nakita ko naman na may picture sila ni Mika at Angel. Tinignan ko naman kung kelan kinunan. Kahapon? Wala naman sinabi sakin si Sharlene na nagkita pala sila nina Mika. Ang sabi niya nga gumawa siya ng homewroks at natulog.

"Babe kelan to?" sabi ko at pinakita yung picture nila ni Mika at Angel.

"H-ha? Yan? Ah, ano. Matagal na yan."

"Eh nakasulat sa date dito kahapon eh. Nagkita kayo? Bakit di mo sinabi sakin?"

"H-hindi. Ma-matagal na yan. Kaya lang kahapon yung date niyan kasi sinend yan sakin ni Angel, tas sinave ko. Kaya yung date na lumabas diyan, yung date kahapon."

"Ahhh. Akala ko nagkita kayo." sabi ko at tumango tango.

"Hindi. Miss ko na nga si Angel eh. Oh, tara na sa loob. Makikiligo ako ah?"

Tumango naman ako. Pagpasok namin sa loob, nakipagkulitan muna saglit si Chloe kay Sharlene. Kumuha naman ako ng extra twalya mula sa kwarto ko. Bumalik na ko sa baba at nakita ko na kinukulit padin ni Chloe ang girlfriend ko.

"Chloe, maliligo muna si Ate Sharlene mo." sabi ko. Napatingin naman sila sakin, inabot ko kay Sharlene yung twalya.

"Okay. Take a bath na, Ate Sharlene." Chloe

Ngumiti naman si Sharlene. Kinuha na niya yung bag niya at naglakad na papuntang CR.

"Ligo na din ako sa kwarto ko." sabi ko. Tumango naman siya. Dumiretso na ko sa kwarto ko at naligo na din.

Bestfriend, I love you! (NashLene Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon