Chapter 6

1.6K 52 8
                                    

Chapter 6

[Sharlene's POV]

"Bwisit talaga yang director na yan ah! Kuya! Walang dadaan sa Nlex ha?! Wala!" Galit na sabi ni Mika na parang may usok na lumalabasa sa ilong niya. Jusko, itong bestfriend ko talaga.

"O-opo." sabi naman nung driver nila. Napakamot nalang ako ng ulo sakaniya, hindi talaga mapigilan yung bunganga nito eh. Napakdaldal, sobra!

"Hoy Mika. Aba, inuusok ka na jan. Tama na nga, pati driver dinamay mo. Just relax, okay? Mas nagrereact ka pa sakin." sabi ko. Nasa kotse kami ni Mika papunta sa venue ng Luv U presscon. Si Mama kasi nasa van namin.

"Eh kasi naman, buset yang si direk. Eh bakit Nlex pa ang nais? Eh andyan na nga ang NashLene na sobrang lakas ng hatak sa fans tapos nagpapakahirap pa sa pagpush ng Nlex na yan."

"Mika, sana mapakalma ka naman ng sasabihin ko. Kasi, ano. Nung June 5, ano diba anniv naming ni Nash. Sa showbiz and sa friendship naming. Tapos ano, basta to make the long story short. MU na kami."

"Ay oo nga the nakakarelax yung sinabi nakakakalma achaka nakak----- ANO?! MU NA KAYO? OMG!!!!" sabi niya at nagwala sa loob ng kotse, tinulak tulak niya ako at halos tumalon talon pa siya. Napahawak naman ulo ko at umiling iling. Sa tingin niyo mahinhin ang isang Mika Dela Cruz? Hindi. Hindi guys. Sinasabi ko sainyo, hindi.

-

[Nash's POV]

"Yes, Kuya Philip. MU na kami." Nandito kami sa sasakyan ni Kuya Philip, papunta kami sa Luv U Presscon. Kasasabi ko palang sakaniya na mutual na kami ni Sharlene.

"Ayba naman!!!!!" sabi niya at tinaas ang kamay niya para makipagapir sakin, iaapir ko n asana siya kaso nga lang bigla niyang binaba kamay niya kaya napahiya ako.

"Salamat ha, salamat." sarcastic kong sabi. Tumawa naman siya.

"Pero Nash, wag mo muna ipagsabe yan. Makakasira yan sa career mo, alam mo naman na Nlex ang tandem sa Luv U. Si Alexa ang kapartner mo, si Jairus naman kay Sharlene. Kilala ko si Badji, gagawin niya ang lahat para masunod ang gusto niya. Maghanda handa ka nalang sa mga gagawin niya."

"Ine'expect ko na din naman na yan ang mangyayari. Wag kang mag-alala, di kami magpapapigil sakaniya. Paglalaban ko ang dapat para samin."

Kinuha ko naman yung phone ko at binuksan ang twitter. Dito ko ine'express lahat ng feelings ko, pero siyempre indirectly.

"@AguasNash01: Ako'y Sa'yo at Ika'y akin lamang. :]"

Habang tinatype ko yun, si Sharlene lang nasa isip ko. Akin lang si Sharlene, walang makakasira samin. Nlex man o Jailene. Walang wala yan samin. Habang nags'scroll sa feed ko, napapnsin ko na may JaiLene Fan accounts na pala. Ay wow. Wala naman binatbat yan sa dami ng fans ng NashLene.

"@AguasNash01: #MedyoBadBoy #MedyoSeloso"

Napabuntong hininga nalang ako. Namimiss ko na Baby ko... Itetext ko nga siya.

To: Shirley Baby

Bebe ko... :]

-

Ay naala ko nga pala. Ayaw niya na magpahalata kami sa text, minsan daw kasi kinakalkal ni Clark yung phone niya. Patay ako kay kumander nyan. Hahahaha.

To: Shirley Baby

Wrong send po... J

-

"Nash, malapit na tayo." sabi ni Kuya Philip. Tumango naman ako.

-

[Sharlene's POV]

Bestfriend, I love you! (NashLene Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon