Chapter 24

939 26 11
                                    

A/N: Hi! Sorry for the late update. And sorry sa mga next na scenes kung hindi eksakto. Fan fiction lang po ito ha. Wala ako sa GT so di ko alam masyado mga ganap. Mga kwento lang sakin yan. Enjoy!

[Sharlene's POV]

Pumasok ako sa guest room, nakita ko naman si Nash na ang himbing pa ng tulog. Gigisingin ko na siya kase babiyahe na kami papunta sa manila.

May photoshoot kasi kaming dalawa, pero hiwalay. Tapos may guesting siya ng gabi. Umupo naman ako sa kama. Tinignan ko siya. Ang cute nito pag natutulog.

Kinuha ko yung phone niya at pinicturan ko siya. Dahan dahan naman ako lumapit sakaniya at nakipagselfie gamit ang phone niya. Nagvideo na din ako. Hahaha. Okay.

Gigisingin ko na nga to. Niyuyog ko siya ng konti. "Nash, gising na." Malambing kong sabi.

Niyuyog ko siya ulit pero hindi padin siya nagigising. "Nash.." sabi ko ulit.

Gumalaw na siya ng konti pero natulog nalang ulit. "Nash. Gising na, bbiyahe pa tayo. Uuwi ka pa sainyo."

"Nashie... Pag nalate ako sa photoshoot ko kasalanan mo ha."

Di padin niya binubuksan yung mata niya pero alam kong gising na to.

"Nash naman eh. Tayo na diyan, kakain pa tayo." sabi ko at hinila hila yung kamay niya.

Gumalaw siya ng konti. "Anong tawag mo sakin?" sabi niya. Napakinot naman yung noo ko.

"Nash---- ay nako. Okay. Gets ko na. Baby!!!!!!!! Tayo na kasi eh." sabi ko at pinalo na siya sa tiyan niya.

Bumukas naman yung mga mata niya at napaupo. I giggled. "Sa wakas. Tara na nga." sabi ko at akmang tatayo na.

Pero hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila ako papunta sakaniya kaya napahiga ako sa dibdib niya.

"Baby..." pagsusuway ko. Tumingin ako sakaniya. Nakangiti siya.

"Good morning, baby. Thank you sa gift mo, nakita ko na kagabe. I love you." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

I smiled. "You're welcome and I love you too. Pero, tama na harot ah. Tayo na diyan, magwash up ka na at bumaba para kumain na tayo. Okay?"

He smiled. "Okay." sabi niya. I giggled. Tumayo na naman ako at lumabas sa guest room.

-
Nandito na kami sa tapat ng bahay nina Nash. "Baby, pasok muna kayo sandali. Tita."

"Ay osige, makikipagchikahan muna ako kay Neth! Miss na miss ko na siya." sabi ni Mama at dali daling bumaba.

Napailing nalang ako. Inalalayan naman ako ni Nash pababa. Pagdating namin sa pintuan, nagbebesohan na ang magkumare.

Nakita naman ako ni Tita Neth kaya inopen niya yung dalawang arms niya. Lumapit ako at hinug siya.

"I miss you tita." sabi ko at tumawa

Nagbless ako sakaniya. "I miss you too, anak." Lumapit naman si Nash at nagmano kay Tita Neth. Tumabi ako kay Nash.

"Oh kamusta yung surprise mo? Nasurprise ba si Sharlene? Ayos ba Shar?" Tita Neth

Ngumiti ako. "Solid ng anak niyo, tita." sabi ko

"Umiyak nga eh." Mama

Tumawa naman kami. "Oh halikayo, pasok muna kayo bago kayo pumunta sa shoot. Chloe! Ate Sharlene is here!" sigaw ni Tita Neth

Pumasok naman kami. Inakbayan ako ni Nash. Nakita ko naman si Mamang, pumunta ako sakaniya at niyakap siya. Nagmano din ako.

"Hi mamang. Kamusta na po kayo?" sabi ko

Bestfriend, I love you! (NashLene Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon