Chapter 5

2K 62 17
                                    


[Sharlene's POV]

As expected, napag initan si Alexa. Nakakalungkot nung nababasa ko yung mga tweets and comments na nagbabash kay Alexa. Pero di ko din sila masisisi, solid sila eh. Pero at the same time ayaw ko maging sad.

9th friendsary kasi namin ngayon ni Nash! Yay nyahaha. Di niya pa nga ko ginigreet eh, di ko na din grineet. Gusto ko siya mauna eh.Napatrend ng Nashleners ang #Happy9YearsNashLene. Sobrang galing nila. Kaya love na love ko sila eh. Siguro di naalala ni Nash. Oh what do I expect diba? Isa lang naman akong BESTFRIEND. 

Tinawag ako ni Mama para kumain ng late breakfast. Hahaha. Batugan eh. Wala naman akong appointment today eh kaya chill lang ako. Umalis din si Mama kasi may gagawin daw. Humiga lang ako at nanood, meanwhile may nagtext.

*Bzzt*

Fr: Bro Nash

Happy 9 Years Baby!!! Sana mas tumagal pa yung pagkakaibigan natin. Wag tayo papatibag sa mga epal at panira ha? Alololoveyou. Hahaha. Count 1 to 10. 

-

Uy biruan lang namin yan ah.

1..

2..

3...

10! HAHAHAHA. Galing ko magbilang no.

*DINGDONG!*

Napangiti ako. Agad naman ako bumaba at dumiretso sa gate. Binuksan ko yun, at bumungad sakin ang napakagwapong bestfriend ko. Sino pa ba? Si Nash.

"Hi babe." Natatawa kong sabi. Lokohan kasi namin na magtawagan ng babe at baby. 

"Hello baby! Happy 9 years." sabi niya at lumapit sakin. Niyakap niya ko. Napangiti ako, siyempre niyakap ko din siya. Naramdaman ko nanaman yung puso ko, sobrang bilis ng tibok. Bumitaw na ko sa yakap.

"Hala si Bro, pinanindigan. Hahaha. Happy 9th! Buti naalala mo?"

Inakbayan niya ko. "Siyempre naman, bakit ko naman makakalimutan? Ang galing nga ng mga fans natin eh, nagpatrend sila."

"Oo nakita ko nga. Buti nga nagpatrend sila eh, naalala ko bigla kaninang umaga." I lied. Ayaw ko kasing malaman niya na bawat araw na may significance samin eh nasa calendar at reminders ko. Baka kasi mahalata na gusto ko siya, halata na ako naghahabol.

Napasimangot naman siya. Tinanggal niya yung pagkaakbay sakin. "Ah ganon? Edi kung hindi pala sila nagpatrend hindi mo maalala. Ganyan naman eh." sabi niya at binuksan yung pintuan ng bahay at pumasok sa loob. Ay wow bahay niya.

"Hey wait!" sabi ko at sinundan siya. Umakyat na din ako at nakita ko siyang papasok sa kwarto ko. Susunod na sana ako sa loob kaso sinara niya agad. Ay wow, kwarto niya eh. Nagtatampo nanaman.

Binuksan ko yung pintuan, buti nalang hindi nakalock. Nakakahiya naman baka kailangan niya ng privacy sa kwarto KO. Nakaupo siya sa kama.

"Uy Nash. Galit ka?"

"........"

"Uyyyy. Galit ka nga? Sorry po." sabi ko at sinadya kong lambingan yung boses ko. Bibigay na yan sus. Aarte pa eh. Hahaha.

"........"

Umupo ako sa tabi niya. Hindi siya tumitingin sakin. "Uy bro, sorry na oh. Sige na." sabi ko at inalog alog siya. Wala parin eh. Hmmm, alam ko na.

"Ehem ehem. Baby.. Hahaha. Sorry na oh? Please?" sabi ko at hinarap yung mukha ko sakaniya. Nag puppy dog eyes ako at nagpout. Ang cold parin ng tingin niya. Ano ba yan, nilalamig nako sa tingin niya.

Bestfriend, I love you! (NashLene Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon