Makalipas ang isang taon, naging maayos na ang lahat lahat. Ang mga pagsubok na nalampasan na sa una ay parang hindi namin kaya pero ngayon, lahat kami ay malaya.
Ang buhay ay sadyang napakasaya lalo na kapag kasama mo ang mga taong sa iyo ay mahahalaga. Sila ang ang kumukompleto ng buhay natin pero may kaisa isang tao ang may kakayanang pumuna sa bawat pahina ng ating kwento..siya ay ang taong iyong minamahal at ganun din siya sayo.
Malungkot!
Puno ng pagsubok!
At masaya!
Yan ang buhay ng tao. Dadaan muna tayo sa mga liko liko, matarik at mapanganib na daan bago natin mapuntahan ang paraiso na ating hinahangad. Diyan tayo matututo, magiging malakas at malalaman ang importansya ng buhay.
Yan ang naging kwento namin ni Kuya Axel. Nagkakilala kami dahil sa aming mga magulang. Nagkasama sa isang bahay at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa simula. Naging malupit siya sa akin na parang isang tuta pero sa kabila ng lahat ng yun, siya na ang nagbibigay ng saya,liwanag at pag-asa sa aking buhay.
Hindi ako nagsisisi na siya ang aking minahal. Hindi porket gwapo siya kundi dahil siya lamang ang taong nakaramdaman ko ng tunay na pag-ibig, siya ang nagbukas ng aking mga mata upang makita ang kulay at ganda ng buhay.
Napakasarap lang isipin na lahat kami ay masaya na sa lahat dahil sa pagtahak namin sa tamang daan.
Si Jin na kapatid ni kuya Axel at si Seigart naman ay masaya ng nagmamahalan. Si Seigart pala yung nasa kwento nila na isang lalaki kung saan minahal ni Jin noon kaya nalaman ng lahat kung ano ang kasarian niya pero tignan niyo ngayon, magkapiling na silang dalawa. Wala na silang problema.
Si Kuya Keith at Kenn ay meron ng anak dahil sa tinatawag nilang Surrogation. Kitang kita namin ang saya mula sa kanilang dalawa. Ang mga magulang naman ni Kenn ay sobrang pinagmamalaki nila ang anak dahil sa pinakitang tapang nito dahil sa pag-ibig. Hindi siya nag-alinlangang piliin si kuya Keith na pakasalan. Sinunod niya ang dikta ng kanyang puso at damdamin na siyang dahilan kung bakit puno ng buhay ang kanilang samahan at ngayon ay bunyag ng kanilang anak.
"Hoy...pahawak naman ng bata oh." Napatingin ako sa nagsalita.
"Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal para magkaroon na rin kayo ng anak?" Sagot ni kuya Keith kay Jake na halata ang inggit sa kanyang mga mata.
Si Jake at Ali naman ay hindi na nagbago. May mga panahon na away sila ng away pero hindi pa natatapos ang umaga ay agad naman silang nagkakasundo. Sabi nga ni Jake minsan sa akin na "Ang mga pagsubok na dumarating sa mga relasyon ay paraan lamang ng Maykapal para mas patibayin pa natin ang samahan kasama ng ating mahal. Hindi masama ang mag-away minsan dahil doon natin nalalaman na mahalaga at mahal tayo ng taong pinaglalaanan natin ng buhay. Bawat sigaw, bawat sumbatan ay parang mga rekado lamang para sa mas masarap na pagmamahalan." May punto naman siya sa kanyang sinabi sa akin pero parang may mali. Hindi naman mag-aaway ang dalawa kung hindi malalim ang dahilan pero ang sabi niya "Parte yan ng isang Relasyon. Hindi mawawala ang bangayan,sapakan at tampuhan dahil walang perpektong samahan pero lagi nating tatandaan na dapat tayong magtiwala sa taong sa atin ay mahalaga dahil ang tiwala ay isa sa pinakamahalaga sa isang relasyon." Napapangiti na lamang ako ng hindi ko namamalayan dahil pati ako ay nagagalit din minsan kay LoKo kapag may kausap siyang babae pero may tiwala naman ako na hindi niya magagawang saktan ako kaya ngayon masaya kaming dalawa.
"Ayaw pa kasi ni Ali eh. Ang sabi niya magtatapos muna kami." Sagot ni Jake sa mungkahi kanina ni Kuya Keith.
"MaKo..." Narinig kong bulong ni LoKo sa akin.
"Uwi na tayo?" Dagdag pa niya.
"Saan ka uuwi ngayon?sa bahay o kina tito Juan?" Tanong ko sa kanya. Nakatira na kasi ngayon si LoKo kina Tito Juan simula pa noong naayos na ang pangalan niya. Pinapalitan na kasi nila ang Axel na pangalan niya sa dati niyang pangalan na Justine Angelo. Talagang pinagtuunan ni LoKo na mapalitan ang pangalan niya dahil ayun sa kanya ay mas maganda na yun.
YOU ARE READING
The Return of the Cheated Wife
Romantizm"I never love you, Celeste!" "Why, Logan? Why? Am I not enough? What did I do wrong?" Celeste asked him, crying and devastating. "You don't know?" he chuckled, "Because your father killed my father! I will get all that your family took us!" He conf...