C

153 4 2
                                    

/Rhianne's/

"Feel at home guys." I said as I remove the key from the knob. Nakita ko naman silang nagpalinga linga sa paligid. The furnitures are as good as new, except for the dust. I brought my friends here at our vacation house in Cavite. Nag outing kasi kaming magbabarkada dahil long weekend. Napasarap ang pagbobonding kaya hindi namin napansin ang takbo ng oras.

I lit all the candles making the room lighter. I hope na may battery pa ang mga ito. Gagamit kasi kami ng AC mamaya, kaya hindi ko na in-on yung ilaw dito sa baba. "Nasa taas yung kwarto. Nag iisa lang 'yon. Doon na tayo matulog lahat." Inabot ko sa kanila ang susi. Habang umaakyat sila sa taas, ay lumabas ako at pinuntahan yung bahay ng caretaker na nasa tapat lang namin. Ininform ko siya na dito kami magsstay.

Pagkabalik ko ay dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Maliit lang ang vacation house namin kaya sa tapat ng lababo, ay ang pintuan ng cr. Doon naman ay naghihintay si Niko. Maybe he's waiting for his turn sa cr, or tumatambay lang ito sa kusina. Hindi ako umimik. Mas okay na yung ganito.

Nang aakyat na ako ng hagdan, ay tinawag niya ako. "Rhianne." Napatigil ako saglit at sumagot. Kasabay ng pagtigil ko ay siya namang pagpintig ng mabilis ng puso ko. "Oh?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Mag usap naman tayo." Hindi ko napigilang umirap at mapa ismid. "Wala tayong dapat pag usapan. Nakuha mo na yung gusto mo, wala ka nang kailangan sa'kin."

Tinawag niya uli ang pangalan ko ngunit hindi na ako nagpatinag at dumiretso sa itaas.

Naabutan ko silang nakasalampak sa mga foam habang nanonood ng tv. "Laro pa tayo!" Sabi ni Gail- yung best friend ko, na girlfriend ni Niko.

Nakita ko naman ang pagkislap ng mga mata ni Jake nang nagsalita si Gail. Hindi pa rin natinag ang loko kahit taken na si Gail.

Napunta naman ang tingin ko kay Claire na nagpapantasya rin siguro tungkol sa kanilang dalawa ni Jake.

In short, Gail loves Niko, Jake loves Gail, and Claire loves Jake.

And Keith, with his glasses on and nose buried in a book, shh-ed Gail. "Shhhh. I'm reading."

Napairap naman si Gail at umaktong sumusurrender. "Okay sir. I will not disturb you na." Napa 'what the hell' ang utak ko nang nagconyo bigla si Gail.

Pagod ako sa kakaswimming, pero parang may bumuhay bigla sa dugo ko kaya hindi ako makatulog.

"Inaantok na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa eh." Sagot ni Claire. "Nakatulog kasi ako sa van nung pumunta tayo dito."aniya hawak hawak ang iPad at naglalaro.

"May DVDs diyan, gusto niyong manood?"

"Sure! Sure!" Ani Gail na naghahanap ata ng damit na pantulog.

Hinalughog ko naman yung mga nakakakalat na DVD sa cabinet. Napili kong panoorin namin yung My Sassy Girl at umangal naman si Jake.

"Grabe! Wala na bang iba?"aniya at tumayo mula sa pwesto.

"Problema mo? Bahay ko 'to. Ako masusunod." And just like that, girls won over boys once again.

"Iba ka talaga Rhianne." Bumalik na siya ng upuan niya at sumalampak doon, hawak hawak ang natirang Lays kanina. "Bilib na ako sa'yo."

"Aba, dapat lang." Pinasok ko na sa DVD player yung disc at pinlay ang movie. Alam kong medyo boring ito dahil two hours ang haba, tapos Romance pa. Although, may konting Action, keri namin 'to. Sana mapatulog kami ng movie na 'to.

Nasa pangalawang beses na nang naghotel yung mga bida sa palabas nang pumasok sa kwarto si Niko na pinapatuyo ang basang buhok. Wala siyang damit pantaas at, hindi ko naiwasan ang pagtingin doon sa doorknob. Oo, sa doorknob talaga at hindi sa ibang bagay. Ang ganda kasi ng kurba ng doorknob kaya napakagandang tignan.

Natauhan ako at binalik ang atensyon sa panonood. Kukuha na sana ako ng crackers, nang biglang nawala yung kinakain ko. What the hell.

"Jake!" Wala nang nagawa ang pagsigaw ko kaya hinabol ko na lang siya pababa. Maingat ngunit mabilis akong tumakbo dahil baka may magalaw na furniture. Dyahe kayang maglinis.

Dahil hindi kabisado ni Jake ang bahay namin, natrap siya sa balcony na kasunod lang ng kusina. May pintuan kasi palabas ng kusina para makapunta ng balcony.

"Anong trip mo?" Marahas kong hinablot yung Pringles mula sa kanya. "Nananahimik 'yong tao."

Tumawa na lamang siya at ngumiti ng nakakaloko. Pero unti unti iyong nawala at naging seryoso. Imbis na bumalik sa taas at ipagpatuloy ang pinapanood, pinili kong manatili dito.

Ipinatong ko ang mga braso ko sa railings at dinama ang malamig na ihip ng hangin. Pero sandali lang ako nakapag enjoy sa hangin dahil hindi ko na gaanong kinaya ang lamig. Naramdaman ata ni Jake ang panlalamig ko kaya pinatong niya sa likod ko ang varsity jacket niya.

"Thanks." Ngiti lang ang tugon niya sa pagpapasalamat ko. Ipinatong rin niya ang braso sa railings at tumingin sa malayo.

Bumuntong hininga siya at biglang nagkwento. "Ganito ba talaga kahirap?" Tumingin siya sa akin at tinuloy ang paglilitanya. "Ayoko silang nakikitang magkasama, pero malabo eh. Nauna naman akong nagparamdam, pero bakit napunta pa rin siya kay Niko?" It's very unusual for boys to cry in front of girls. Yes, he is crying now.

"Nagparamdam ka nga pero hindi mo sinabi yung nararamdaman mo. Malay mo nararamdaman niya pero naghihintay lang ng confirmation." Tumingin ulit siya, mugto ang mga mata. Tila hindi makapaniwala sa naririnig niya. "Torpe ka kasi."

"Kaya nga eh. Asar." Pinunasan niya ang luha niya at pinilit tumawa. "Timang neto. Iiyak tapos tatawa." Lumapit ako sa kanya para hampasin ng marahan yung braso niya.

"Sadista alert!" Aniya habang hinaharang ang mga braso niya sa hampas ko.

"Pero seryoso," tinigil ko ang paghampas at humarap sa bahay. "Kung kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga." Naramdaman kong napatingin siya sa akin, marahil dahil sa mga sinabi ko.

"Pero feeling ko hindi para sa'yo si Gail eh."

"Ouch naman."nakita ko ang paglagay niya ng kamay sa puso niya. "Grabe na Rhianne."

Napatawa na lang ako at tinuloy yung sasabihin ko. "Nagfocus ka kasi doon sa malayo, kaya hindi mo napansin yung malapit sa'yo."

Napakanuot siya ng noo. "May mga taong nagpapahalaga sa'yo higit pa sa pagpapahalaga mo sa kanya. Hindi mo napapansin kasi parating si Gail na lang ang nakikita mo.

I'm sorry Claire pero uunahan na kita, para ka rin kasing ewan.

"May isa sa atin na nagpaparamdam sa'yo. Mukha ngang wala siyang balak sabihin sayo kasi alam niyang si Gail pa rin ang pipiliin mo.

"Isa kang manhid." Diin ko.

"Shems Rhianne, crush mo ako?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ang slow talaga ng lalaking 'to!

"Tae, Jake! Ang feeling mo. Hindi ba obvious?"

"Hindi kaya! Akala ko friendly gestures lang yung mga pinapakita mo." Sabi niya ng tila nag aalala.

"What?! Ang slow mo! Hindi ako yung tinutukoy ko. Sino pa bang ibang babae bukod samin ni Gail ang pwedeng magkagusto sa'yo?"

Parang may bumbilya siguro sa utak niya na biglang umilaw at nakuha niya ang tinutukoy ko. "Si Claire?"

Hindi ko na siya sinagot at aakyat na sana sa kwarto nang bigla akong hilahin ni Jake at niyakap. "Thank you Rhianne!"

Tinulak ko siya palayo. "Yuck!"

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon