I

43 2 0
                                    


Inayos na namin ang mga damit at nilagay sa kani- kanyang bag. I checked all the appliances' plug kung wala na ba sa outlet, para masiguradong safe ang bahay pagkaalis ko. I, together with my family, made lots of memories here. At ngayon, nadagdagan pa, at kasama ko ang pangalawang pamilya ko-- ang mga kaibigan ko.

Even though hindi matatapos ang issue at mga bunyagan dito, alam kong isa to sa pinakamasayang lugar na maaari kong madalaw dalaw. Bawat sulok, tawanan, kulitan, asaran, kilig, at mga pagkakamali nandito.

"Okay na ba lahat?" Sabi ko sabay lagay ng bag ko sa likod ng van nina Keith. They all went outside of the house, carrying their bags and souvenirs that they bought nung outing. "Mamimiss ko 'to Rhi!" Ani Jake.

"Babalik talaga ako dito!" Sabi ni Gail habang nakasukbit ang kamay sa braso ni Niko. Napatingin ako sa gawi ni Niko na kasalukuyang blanko ang mukha. Gulong gulo pa rin ako sa inasal ni Gail kanina. Hindi naman sa gusto kong mag away kami, pero parang mali yung reaksyon niya.

Sumakay na kami sa van at in-on na ni Keith ang ignition. "Wala na bang naiwan?"anito. Pailing kaming sumagot at tinanaw ang bahay namin nang pinaandar na ni Keith ang sasakyan.

Kadalasang maingay kami kapag nasa ganitong mga byahe, hindi gaya ngayon na tanging tugtog lamang ng speaker ang mapapakinggan.  Nasa shotgun ako, at nagsiksikan sa susunod na upuan yung apat, kahit na may isa pang backseat. "Mag ingay naman kayo." Sabi ni Jake, na nakatanaw ngayon sa labas. "Ano namang pag uusapan natin?" Tanong ni Claire na nasa kaliwa ni Jake. "Yung mga nangyari sa bahay nina Rhianne." Pinahinaan ko ang speaker kaya mas lalong tumahimik. Tumingin kaming lahat kay Jake, maliban kay Keith na nakatuon ang pansin sa kalsada. "Guys..." Tuluyan nang humarap sa amin si Jake at nagsalita muli. "Magkakaibigan tayo. Share share naman diyan oh." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Halata namang alam namin ang ibig niyang sabihin.

"Ako mauuna." Sabi ni Claire.

Nagulat kami dahil minsan lang siya mag open sa lahat. Kapag kasi mag oopen siya, kadalasan ay sa akin lang. Naging kaabang abang ang mga susunod na pangyayari.

"Ano ba 'yan Claire!" Pag angal ni Jake. Halos lahat kami ay nanghinayang sa sinabi ni Claire.

"Totoo naman! Ganda ko kaya." Sinabi kasi nito na recently lang niya nalaman na siya ang pinakamaganda sa amin. Duh. "Masyado kasi kayong seryoso." Sabi niya uli.

Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga moments namin mula sa pool hanggang sa bahay. Kung paano muntik na masunog yung ulam namin kaninang agahan, nung tinulak ni Jake si Keith sa 7 ft sa pool sa resort pero siyempre fail, 6 footer si Keith at marunong siyang lumangoy.

Tawa lang kami ng tawa. Si Jake naman, patawa lang patawa kaya hindi maiiwasan ang ingay sa loob. Muntik na ngang masagi ng isa pang van yung sinasakyan namin dahil pati si Keith, napapapikit ng bahagya kapag natatawa. Akala ko nga katapusan na namin 'yon. Pero alam kong masasama kaming damo kaya hindi pa namin 'yon panahon. At kung sakali ngang natuluyan kami, at least, sama sama. O diba, friendship goal? Nang napagod, ay natulog kami saglit hanggang sa ginising kami ni Keith.

"Papa- gas lang ako. Bili na rin kayo ng pagkain." Sabi ni Keith nang makarating sa gas station, kaya hinanda ko na ang wallet ko para mamili ng pagkain. Even though I didn't look directly at the couple, I can still see them, awake and cherishing their moment.

Nakalanghap rin ako ng preskong hangin na may halong amoy ng gasolina. Mas okay na 'yon kaysa sa halos ilang oras sa aircon. Pagkarating ko sa convenience store, ay hinanap ko agad ang mga refrigerator para bumili ng fresh milk. Hinahanap ko pa lang yung brand ng iniinom kong gatas nang may sumusundot sundot sa tagiliran ko. Kilala ko na ata 'to.

"Jake, short ako ngayon." Pagbuntung hininga ko at nakatuon pa rin sa paghahanap ng fresh milk.

"Pero nakita ko wallet mo kagabi, may limang libo ka!" Sagot nito at nagpabebe.

"Tinignan mo wallet ko?" Napaharap na ako sa kanya.

"Hindi. Pero guilty ka na may limang libo ka!" Napangisi siya kaya inabutan ko na lamang ng 100 mula sa wallet ko. "Thank you Rhi!" Para naman itong batang tumalon talon papunta sa aisle ng mga junk food. Siya lang naman ang nililibre ko sa kanila dahil siya ang may lakas loob magpalibre.

Nakita ko na yung gatas na kukunin ko. Kaso, naunahan ako ng isang lalaki na sa tingin ko ay si Niko. If this scene happened before, aawayin ko pa siya para lang ibigay sa akin yung gatas, pero hindi na mauulit 'yon. Iba na ngayon.

Gusto ko mang bawiin yung kinuha niya, pero hindi na ako makakilos lalo na't malapit ang katawan namin sa isa't isa. I was expecting na may iba pang gatas na katulad non, kaso last piece na yata.

"Aren't you gonna get this from me? Last na 'to oh." Sabi niya mula sa likod ko. Curse his husky voice. Kakagising lang ata nito.

I miss those moments when we were just friends. Friends na walang pagtingin. "No. Hindi na tayo katulad ng dati." I just smiled and went to the refrigerator where cold coffee drinks are put. Kukunin ko na sana yung Nescafé French Vanilla, kaso naalala kong yun yung kapeng paborito namin. I became more alert when the light became dimmer because of his shadow, hoping that he didn't see me picking up that coffee. Wala na akong mapili!

"Kunin mo na kasi 'to." Sabi niya. Ano ba talagang plano niya? Bakit niya ako kinukulit? Dapat kasama niya si Gail ngayon.

"Why are you here? Samahan mo muna kaya si Gail." Even though I want you here.

Kumuha na lang ako ng Lays at nagbayad sa counter at iniwan siya sa pwesto niya. Pagkalabas ko ay nag aabang doon si Gail.

Sinamahan ko naman si Gail doon para sabay sabay na kaming pumunta sa sasakyan. She offered me some Nova chips that she was eating. Kumuha naman ako ng isang piraso at nagpasalamat.

Medyo malamig ang simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. "Nakakainis ka Rhianne." She said out of the blue making me look at her. I think I know the reason. "Wala naman akong sinabi na hindi ka pwedeng magalit sa akin. Mas gusto ko nga yung ganon eh." Tinignan ko siya ng mata sa mata. "Mas nababawasan yung guilt kapag may sama ka ng loob sa akin."

She let out a laugh. "What's funny?" Sabi ko ng natatawa rin. I know if she fakes her laugh, and I know this isn't one.

"Hindi ka talaga sanay na may nasasaktan ka 'no?" I don't understand.  "Alam ko na nung mga panahong nililigawan pa lang ako ni Niko na naging mas malapit kayo. Alam ko na rin na may nakakuha na ng atensiyon niya." She said, and ate some chips. "Kasalanan ko rin naman kasi kahit alam ko na may posibilidad na saglit lang kami, sinagot ko pa rin siya. Isa akong dakilang tanga kaya nangyari 'to.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo Rhi. Loving should never be blamed for pain. You just loved. And we can't stop someone from loving us. So I can't stop both of you." She smiled as I can only see her as a blur image. "Huwag ka ngang umiyak sa kacornyhan ko!" She hugged me and I hugged her back. "Make sure that my sacrifice is worth it." Patuloy lang ako sa paghagulgol at kumalas na siya. "Nakakainis ka talaga. Dinamay mo pa ako. Pinagtitinginan na tuloy tayo." Sabi niya at mahinang pinalo ang balikat ko.

"Sino kasing nagsabing damayan mo ako?" Naudlot ang pagtatawanan namin nang dumating si Niko, dala dala ang dalawang supot ng pagkain mula sa convenience store.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon