Seizing the Day (EPILOGUE)

66 2 3
                                    

I love it every time I face the blowing wind and never cared about what comes in my way. And in the third year of my life without him, I kept asking myself why...


Why did I do nothing?


Why did I become a coward and let the other side win?


Why can't I face this fight?


Until now, I just kept on hoping that my fate could be like the wind. The wind which I can only face without any hint of turning back.


Namahinga na ako sa aking condo unit matapos magjogging. It has become my habit ever since I went to the US to start a new life after the accident. Double kill kung tutuusin ang aksidenteng iyon para sa akin. Nawala na nga ako sa sistema ni Niko, pati ang isa kong kabigan, si Gail ay nawala na rin ng tuluyan.


"Niko, si Rhianne 'to. Hindi mo ba ako naaalala? I'm..." Sabi ko ng nag aalangan habang pinipisil ang kanyang kamay na siya namang kinalas niya sa pagkakahawak. Nangangapa ako sa sasabihin. Unang una, wala pang kompirmasyon kung girlfriend ba akong matatawag dahil hindi naman namin napag usapan 'yon. Ano nga ba talaga ako sa kanya? Pero kahit hindi man kami nagkaroon ng label, narinig ko mismo sa kanya na mahal niya ako, at ganon din ang nararamdaman ko sa kanya.


"I'm... the one you love." Kumunot ang kanyang noo at umiwas ng tingin. He looks disgusted. "What are you saying? Alam kong sinasabi ko sayo yan para ipractice yung mga sasabihin ko kay Gail. Kakagising ko lang, pinatawa mo na agad ako." Aniya at tumawa. "Sorry pala kanina. I freaked out."


The world seemed to stop for a second when he was saying those words. May amnesia ba siya? Bakit niya ako nakalimutan? No. Hindi niya ako nakalimutan. Nakalimutan niya kami. Ang naaalala niya ay yung mga mas naunang pangyayari. Parang pinipiga ang puso ko at sinasakal ang leeg ko habang pinipigilan ko ang pagtakas ng mga luha mula sa aking mga mata.


"Do you remember me?" I asked again. He didn't answer for a few seconds. Tumitig lang siya at tila tinitignan bawat feature ko sa mukha. "You're Rhianne." Tumalon ang puso ko nang sinabi niya ang pangalan ko. Oo, tumalon ang puso ko. Sa bangin. "My girlfriend's best friend."


"Oh...." Iyan na lang ang lumabas sa bibig ko at pinuna niya ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. "Bakit ka umiiyak?" Dahil sayo, Niko.


Kung pwede ko lang pigain ang utak mo para lang maalala mo ang nararamdaman mo para sa akin, gagawin ko. But that's not how it works. There are still chances. And those chances could guide me to hell or heaven. It would be heaven kung maalala niya ako. And who would forget hell? Siyempre ay kapag hindi na tuluyang maibabalik ang mga alaala niya.


"Ugh... I'm just happy that you're awake." At saka dumating ang mga nurses at doktor kasama ang pamilya niya. I gave them time, knowing na hindi ko mapipilit si Niko na alalahanin ako.


I stared at myself in the mirror after I took a bath. Hindi ko namalayang naging ombre na ang estilo ng kulay ng buhok ko dahil sa madalas kong pagpapalit palit ng kulay. Noong una ay tinutulan ako ng mga magulang ko. But it's my way of forgetting. Ang mga peklat ring naiwan ng aksidente ay pinatakpan ko ng tattoos. Walang pakialam ang mga tao sa US kaya hindi ako inusisa ng mga kakilala. At kung tatanungin man nila kung bakit ako nagpapatattoo ay sasabihin kong panakip ng peklat. Just that. Not wanting to share the negative memories why I got those scars.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon