E

36 4 2
                                    

/Niko's/

Nasira ko na nga ang sarili ko, pati pagkakaibigan pinatos ko na rin. Kanina sa van, habang tulog ang iba except for Keith who's driving, kinausap ako ni Gail. I looked at Keith in the mirror and he already knew what to do. Tahimik lang siya pero siya ang may pinakamaraming alam sa amin. Mula sa ibig sabihin ng kilos ng barkada, hanggang sa pinakatatagong sikreto namin. He just smiled and by his eyes, he was like saying that we should fix this.

"Niko..." I didn't respond, but I looked at her. "Remember, last night?"

Everything flashed back. Her tears, her words, my greatest mistake. Alam kong hindi masusukat ng mga salita ang kasalanang nagawa ko, pero sa tuwing naaalala ko ang mga luhang nanggaling sa mga mata ni Gail, parang sinasaksak ako sa hindi na matukoy kung ilan pang pagkakataon.

"Of course." Sabi ko ng mahina at tumingin sa kanya na bahagyang nakasandal ang ulo sa balikat ko. "I told you na kung may nakita akong hint na may nararamdaman siya sayo..."

She was cut off by Keith who made a stop in a gasoline station. Hindi ako nakapag react kaagad dahil may kutob ako sa pwedeng sabihin ni Gail.

Everyone woke up from sleep and went out pero naiwan lang kami dito. I saw Rhianne as she carried her wallet. With messy hair, a pullover, pants and just sneakers, the school Queen Bee's no match for her. Kahit na gaano niya ipaglandakan na hindi siya kagandahan, siya pa rin.

Nabalik ako sa ulirat ng malakas niyang sinarado ang sara ng van, without even looking at us. Umayos ng upo si Gail pero hindi niya binitawan ang braso ko. "Ganon talaga yung epekto niya sayo no? Nakakalimutan mo nang may kausap ka the moment na nakita mo lang siya."

I am guilty, really. I've got nothing to say but, "Sorry."

"Ayos lang. Naiintindihan ko." She smiled and removed her arm that was hooked with mine. "For the first and last time, mahal mo ba siya?" Bakit ba kinakabahan pa rin ako sa ganitong tanong? Gusto kong sabihing oo pero parang may nakabara sa lalamunan ko kaya tumango na lang ako.

She just hissed and went out of the van, and held my hand. Bakit ganito siya umakto? Hindi ko maintindihan. Epekto ba 'to ng course niya? Psycho student. Nagpadala na lang ako sa paghila niya hanggang sa nasa entrance na kami ng convenience store.

"Tell me. Do you love her?" Tears, forming in her eyes. Bago pa ako makasagot ay niyakap na niya ako. Mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko rin ang mahinang pag iyak niya kaya tinahan ko siya sa pamamagitan ng paghaplos ng buhok niya. "I'm.... letting you go." She said in between sobs. I... can't believe this. She is... letting me go.

SHE IS LETTING ME GO!

"Thank you, Gail!" Napahigpit ako lalo sa pagkakayakap sa kanya nang mag sink in sa utak ko ang nga sinabi niya. Kumalas na siya kaya ganoon rin ang ginawa ko. "You'll find someone who deserves your love." I told her, kissed her forehead and went inside the store.

Ano ba 'to! Pati pagpasok lang sa convenience store, kinakabahan na ako. Halu- halong ideya ang pumapasok sa utak ko tungkol sa kung paano maipapaliwanag kay Rhianne na okay na. Na pwede na kami.

Natanaw ko siya na kinukulit ni Jake na magpalibre. Pano ba kami mababalik sa dati?

Nang makaalis na si Jake, ginawa ko yung dati kong ginagawa sa kanya. Kukunin ko yung milk drink na paborito niya tapos mag aagawan kami. Tama! Yun nga!

Ginawa ko yung nakagiwaan pero hindi siya nakipaglaro. Oo nga 'no? Siyempre may galit siya sa akin kaya hindi niya ako papatulan sa ganito.

Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon